Chapter 6

14 1 0
                                    

Andrew’s POV

Papunta na kami ngayon ni Marge sa canteen. Gusto kong makausap si Pauline ng masinsinan. Gusto kong malinawan. Baka kasi niloloko lang ako ni Marge. Baka trip lang niya ako.

Ilang sandali lang ay narating na namin ang canteen. Nakita ko si Pauline, masayang kausap si Alvin. Siguro ako nalang ang walang alam kung ano mang meron sila..

“Pauline… pwede ka bang makausap?” sabi ko. Malamig ang pakikitungo ko sa kanya kanina pa.

“Sige! Kanina ko pa rin namang gustong kausapin ka.” Yun lang sabi niya at hinawakan ko kamay niya.

Pumunta kami sa likod ng school. Kaming dalawa lang dito. Buti naman at may cottage dito. Pwede kami maupo.

“Kelan mo balak sabihin?” sabi ko. Ako na ang nagsimula ng pag uusap na to.

“A-ang a-ano?” nanginginig niyang sabi.

“Pauline, kahit ngayon lang ha? Wag na nating lokohin ang isa’t isa. Alam kong kayo na Alvin. Kelan mo balak sabihin sa akin ang tungkol dun?” pinipilit kong wag sumigaw kasi babae to, kahit naman galit ako sa kanya eh may respeto pa rin ako sa kanya.

“Pa-pano mo na-nalaman?” sabi niya.

“’Wag mo nang alamin kung kanino. Kelan mo nga balak sabihin? Kailangan pa talagang sa iba ko malaman? Pauline! Kala ko naman mayroon nang pag asa eh! Nawawala na sana ang galit ko sayo eh! Kanina kasi tampo lang siguro yun kasi sumama ka kay Alvin. Pwede namang nakalimutan mo lang kasi tao ka lang din naman. Pero ito? Hindi ko alam. Alam mo gusto ko sumigaw pero di ko magawa. Ayokong saktan ka. Mas okay na sigurong ako na ang masaktan wag ka lang. Kaya para sa kasiyahan mo kung kay Alvin ka talaga liligaya e pipilitin kong mawala ang pagtingin ko sayo. Tutal, siya naman ang gusto ng lahat para sa’yo diba? Kaya hindi lang ikaw ang mapapasaya ko kundi pati ang iba nating kaklase.” Di ko alam pero may luha ng tumulo sa mata ko. Bahala na. Tao lang din naman ako may lungkot ding nararamdaman, sabihin na niyang bakla ako wala akong pakialam. Kailangan kong malabas ang sama ng loob ko.

“Andrew.. sorry. Alam mo minsan naguguluhan ako, gusto rin naman kita eh—“

“Kaso, mas gusto mo si Alvin diba? Okay lang sa akin yun, wag kang mag alala.. sige, alis na ako, may klase pa ako..” agad na akong umalis. Ayokong makita siyang umiyak. Alam ko kasing anytime iiyak na yun. Wala na talaga ako sa mood. Bigla na namang umulan…

“Oh, Andrew? Anyare sayo?” sabi nung isa kong kaklase. Papunta akong CR.

“Wala to. Sige na.. Alis ka na.” sabi ko nalang at pumasok sa isang cubicle at sinuntok ang pader.

Namula yung kamay na sinuntok ko sa pader. Bale wala ang sakit nun sa sakit na nararamdaman ko. 2nd heart break. Wala pa man akong nagging karelasyon dalawa beses na akong na broken-hearted at sa iisang babae pa. Hayy..

Nung nagbell na, pumunta na ako agad sa room.. Kasabay ko lang pumasok ng room ang teacher namin.

Pauline’s POV

“Ayoko na sayo…” sabi ko kay Alvin.

“Huh? Niloloko mo na naman ako babe eh! Nice try. Haha.”  Sabi ni Alvin. Aba at hindi naniwala.

“Mukha ba akong nagbibiro? Ayoko na. Tama na. BREAK NA TAYO! GOOD BYE!” sigaw ko sa kanya.

“Huh? Bakit? Eh diba nagmamahalan tayo?”

“Dati yun. Di na ngayon. Gusto kita kaso may mas gusto ako.”

“Sino ha? Si Andrew? Eh wala namang binatbat sa akin yun eh!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Damn High School CrushesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon