Miss Nail Cutter

76 1 1
                                    

Mahirap maging artista lalo kung hindi ka naman artista at nag fifeelingera ka lang. Pero premeszx with ZX pa yan ah. Para maniwala kayo, na sobrang sikat ako. Hindi naman sobra, pero isosobra ko na kasi nga feeling lang xD di buh? Alam niyo ba kung bakit? Hulaan tayo biliiis, para masaya :-) tapos tagu-taguan na rin. Ano game na? xD Bwahaha. Okay korneeeh na, hindi na masaya. Ito na ngaaa--

Nung bata pa ako, tinuruan ako ng lolo ko na mag tango... de joke lang xD Ito na talaga. Nag simula ang lahat sa...

"Okay class! I have one rule in my class. I always do a surprise check of nails in my students. Kasi ayoko ng mahahaba at marurumi. Pag nacheck ko yan na dugyot, gugupitin ko yan hanggang sa mag dugo. Kung ayaw niyo yun, be ready. Got it?!" sabi ng MAPEH teacher namin.

"Yes, ma'am!" sagot namin. May iba kasi talagang teacher, gusto malinis ang kuko. Kaya naman pag alam kong mahaba na, nag gugupit kaagad ako para di mapadugo no, sakit kaya yun. Magdadala na rin siguro ako ng Nail Cutter para sakaling makalimutan ko mag gupit.

Isang Araw..

"Okay mag checheck ako ng kuko." sabi ni Ma'am Lexy. Yes! Buti at naisipan ko mag gupit kaninang recess. kung siniswerte ka nga naman oh. ^______^ Yung iba nataranta. Hala! kanya kanyang kagat ng kuko. Hahaha. may gumagamit din ng gunting.

"Alfonso!" isa-isa ng tinatawag ni Ma'am. Lalala~ ang sayaa.

"Lucy, pwede mahiram yung nail cutter mo?" si Lyka katabi ko sa upuan.

"Oo naman." kinuha ko sa bag. "Ito oh."

"salamat."

"ako next sayo lyka ah." sabi ni louie.

"Hindi sakin to, paalam ka muna kay Lucy." sabi ni lyka na binibilisan ang paggupit sa kuko niya.

"Lucy, pahiram din ako ah." paalam ni Louie sakin.

"ah eh..S-ige lang." sabay ngiti ko. Hanggang sa, saan saan na napadpad ang nail cutter ko. TT___TT kawawa naman yun, iba't-ibang mga dugyot na daliri ang nagugupitan.

Patuloy parin sa pag tawag si Ma'am, may ibang di na nag aksaya ng oras mag gupit ng kuko kasi non-sense din. May iba naman tapos na yung sa kabilang kamay, yung isa mahaba parin kaya minus sa grades yun. Akala ko tototohanin ni Ma'am yun papaduguin niya. Pero mabuti na lang hindi no, at dinaan na lang sa grades.

Natapos na si Ma'am mag check pero wala parin yung Nail Cutter ko. Masyado ata silang natuwa dun. Kaya tinanong ko kay Lyka kung nasaan na, Nandun pala kay Lexter. Mamaya ko na lang kukunin pagtapos ng subject namin.

Nung nag-goodbye na si Ma'am samin, nag-aayos ako ng gamit ng tinawag ako ni Lexter, sabay balik ng Nail Cutter ko *___* Yey! Atlast!

Nung nangyari ang suprise check ng teacher namin na yun, meron na ding ibang nag dadala ng pansarili nilang Pamaklong. Yung iba namang kaklase ko napapatingin lang sila sa kuko nila, manghihiram na sila sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Nail CutterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon