Prologue:
Lahat ng tao ay may karapatang magmahal sa kahit anong paraan ang naisin nila. Depende narin siguro ito sa kung anong gusto o ikasasaya nila pati narin sa pipiliin ng puso nila.
May mga bagay na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi natin inaasahang magkatotoo. May mga bagay na hindi natin alam kung bakit o dapat ba nating maramdaman.
Sadyang magulo talaga ang pagibig kahit saang anggulo mo ito tignan.
Pero paano nalang kung ang taong pinapangarap mo lang noon ay magkatotoo? Isa nga lang ba tong panaginip? Imahinasyon? Magic? Himala? Pero anong pake alam mo? Kung sa kaniya ka sasaya, hindi mo na kailangan pa ng magandang rason o matinong paliwanag kung bakit nangyayare ang mga ito.
Pero paano kung may hangganan pala ang mga pagpapantasyang iyon? Paano kung may hangganan pala ang mga oras na pwede mo siyang makasama? Kung may hangganan pala ang masasayang araw na kasama mo siya?
Paano kung pansamantala lang pala talaga ang lahat?