SIMULA

12 1 0
                                    

ANG Mundo ng Aesthrea o mundo ng mga makakapangyarihang tao noong 12 BC ay nahahati sa apat na Kaharian. Nangunguna ang Kaharian ng Nevernille o mga taong may mahika at salamangka. Dito matatagpuan ang mga taong kayang magmanipula ng mga bagay bagay. Kaya nilang gumawa ng iba't-ibang salamangka. Sila ang may pinakamaraming libro at mga tinatawag na magic potions.

Pumapangalawa ay ang Kaharian ng Barbarianic. Ito ay ang hukbo ng mga mandirigma. Sila ay may kakaibang lakas. Dito matatagpuan ang mga kalalakihang praktisado sa mga laban. Sila ang may pinakamaraming sandata at mga kagamitang pandigma. Iba't-ibang uri ng espada o kung ano pang matutulis na bagay na kayang makapatay ng tao. Ang kanilang mga sandata ay hindi basta basta sapagkat ang iba sa mga ito ay may lasong nakamamatay. Lalo na ang mga palasong kanilang ginagamit.

Pangatlo ay ang Kaharian ng Hunglerina. Ang kaharian ng mga taong kayang magpalit ng anyo o mga shapeshifters. Sila ang mga taong kayang maging isang hayop o anumang nilalang. Ang ibang uri nila ay may abilidad na gayahin ang hitsura ng isang tao ngunit madalang na iyon. Sila ang may pinakamaraming mga bitaminang pampalakas sapagkat madali silang manghina lalo na't pag magpapalit ng anyo.

At ang panghuli ay ang Kaharian ng Citaneria. Ang mga taong may kakaibang abilidad. Bawat isa sa kanila ay may kakaibang abilidad. Sila ang itinuturing na pinakamalakas sapagkat mayroon silang matatag na samahan. Sila ang puspusan ang pag eensayo. Lalo na't sila ang may iba't-ibang lakas. Sila ang pinakamatandang kaharian sa mundo ng Aesthrea.

Ang mga kaharian na ito ay maayos ang pakikitungo sa isa't-isa. Ngunit ito ay nagbago magmula noong nalaman ng mga Hari ang propesiya:

"Ang batang isisilang

Na may kakaibang kapangyarihan

Ang sisira sa lahat ng nilalang

At maghahasik ng kadiliman

Siya ay mabubuhay

Bago ang bukangliwayway

Hintayin ang buwan

At siya'y masisilayan."

Magmula noon, nangamba ang bawat hari. Lagi na nilang sinisiguro na ang mga bagong isinisilang ay naiinspeksyon. Inutos din nila na kitilin ang buhay ng mga sanggol na isisilang bago ang bukangliwayway. Mas hinigpitan nila ang seguridad ng bawat palasyo. Naging mailap din sila sa isa't-isa. Para silang nagkaroon ng sari-sariling mundo. Ang bawat kaharian ay itinuring nilang kalaban. Mas pinag-igihan pa nila ang pag-eensayo. Pero sila ay nabuhayan ng pag-asa noong may sinabing bago ang propesiya:

"Huwag mawalan ng pag-asa

Siya'y parating na

Hintayin ang kanyang mahika

At siya ang magdadala ng liwanag sa iba

Siya ay matatanaw

Sa pagsikat ng araw

Pakinggan mo ang kanyang huni

At ika'y mabibighani."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken Pieces of YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon