Mommy Ammy

1 0 0
                                    

"Mommy ammy?" Marahan naming tawag sakanya ni Lenny.

"Mommy ammy..." Tawag namin ulit.

Nagulantang kami ng biglang gumalaw yung upuan na gawa sa kahoy nang magisa. Nasa isang sulok parati ito ng bahay. Di kalaunan ay napatawa nalang kami ni Lenny nang makitang inililipat lang nanaman pala ito Mommy ammy sa gitna ng sala.

Mahaba ang buhok ng aming mommy ammy, maputi, mapupula ang pisngi, at matangkad. Suot niya parin ang pula niyang bestida, paborito niya yun kaya araw araw niyang sinusuot.

Mabait ang aming mommy ammy. Sa umaga ay siya ang magbubukas ng bintana namin para mapasukan ng sinag ng araw ang aming kwarto para magising kami ni Lenny. Tatanggalin niya rin ang aming kumot para lamiging kami at tuluyan ng magising.

Sa tanghali naman ay lagi niyang itutumba ang lalagyan ng kutsara kapag nagagalit siya kasi hindi nanaman daw kami kumakain.

Nakikipaglaro rin siya saamin para raw kapag wala si papa hindi kami masyadong malungkot. Wala kaming mama, iniwan niya kami pagkatapos niya kaming iluwal pero ayos lang, kasi may mommy naman kami.

Sa gabi naman ay bubuksan niya ang cabinet namin, tanda na kaylangan na naming maghanda para sa pagtulog.

Mabait ang mommy ammy. Mahal na mahal niya kami pero nang malaman ni papa ang tungkol kay mommy ammy ay natakot siya, nanginig ang kanyang tuhod, nanlamig ang kanyang kamay at hindi siya mapakali.

Halata yun sakanya pero ngumiti siya saamin at sinabing "Kunin niyo yung dalawang maleta sa ibaba ng kama niyo at magempake na kayo. Bilisan niyo ring magbihis ah?"

Um-oo kami kahit alam naming kaylangan naming iwan itong bahay... at si mommy ammy.

Alam ni mommy ammy na ayaw sakanya ni daddy kaya pilit niyang inaagaw ang maleta namin ni Lenny. Sumisigaw rin siya ng "Hindi maaari! Anak ko kayo! Dito lang kayo! Walang aalis!" Nagwawala siya. Ibinabato niya ang kung ano man ang magawakan niya.

Natatakot kami ni Lenny kaya napaupo nalang kami sa malamig na sahig, yumuko, at niyakap ang isa't isa.

Doon bumukas ang pinto at nakita namin si papa. Tumigil sa pagbato si mommy at bigla nalang nawala. Nagulat si papa sa kalat ng kwarto pero alam kong alam niya kung ano ang nangyari dahil kahit malamig ay pinagpapawisan siya. Nagalit kasi si mommy ammy.

Pinatayo kami ni papa at sinabing "Bumaba na kayo, doon kayo maghintay sa sasakyan." Um-oo kami at sumunod.

Hinintay namin siya sa sasakyan. Alam naming may nakaraan si papa at mommy ammy. Alam naming dapat ay may kapatid kami ngayon kaso iniwan ni papa si mommy ammy kasi mahal niya si mama kaya dahil sa sobrang depress ni mommy ay nawala ang bata na nasa sinapupunan niya

Alam naming nagbigti dati si mommy. Pinatay niya ang sarili niya kasi masyado siyang nadepress. Alam naming mahal parin ni mommy si papa. Alam naming gusto kaming angkinin ni mommy. Alam namin yun at natatakot kami... natatakot kami pero kaylangan namin magpanggap na mahal namin siya, na masaya kami sakanya, na okay kami para hindi siya magalit.

Alam naming hindi tao si mommy, multo siya na may pakay pa dito sa mundong ibabaw kaya hindi pa sumasakabilang buhay ang kaluluwa niya.

Lumabas ng bahay si mommy ammy, at si papa. Nanginig kami ni Lenny sa takot, naluluha narin kami pero pinipigilan namin, gusto naming sumigaw pero nakangiti kami... ngumiti kami... masaya si mommy ammy.

Isinakay niya si papa sa front seat at sumakay naman si mommy ammy si driver's seat. Tumingin siya saamin sa salamin kaya tumingin rin kami sakanya. Ngumiti siya kaya ngumiti rin kami.

May sugat sa noo si papa, umaagos yung dugo niya pababa ng pisngin niya. May saksak rin siya at dilat ang mga mata niya. Alam naming wala na siya.

Pinaandar ni mommy ammy ang sasakyan at sinabing "Akin kayo." Kasabay nun ay ang pagkahulog ng sasakyan sa bangin at walang humoay naming pagsigaw ni Lenny... Nakangiti parin si mommy ammy.

Nagising ako at nakita ang apat na putig pader ng kwarto ko. Higaan lang na nasa gitna ng kwarto ang naririto. Pumasok sa pinatuan sina lolo at lola.

"Lolo! Wala na si papa! Kinuha siya ni mommy ammy pati narin po si Lenny!" Umupo sa higaan ko sina lolo at lola.

"Apo..." kita ko ang luhang namumuo sa mga mata nila.

"Matagal ng wala ang papa mo." Bulong ni lolo.

"Apo..." tawag ulit nila.

"Walang Lenny... walang mommy ammy." Tuluyan na silang umiyak.

Pumasok ang doktor at sinabing "Malala na po talaga ang mental illness ng anak niyo." And I refuse to acknowledge that. Wala na sina papa... wala na sila... patay na sila... wala na... wala...

Mommy Ammy: One shotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon