Because of her [ Enrique Gil | One-shot ]

1.8K 35 6
                                    

_____________________

▶◀▶◀▶◀▶◀▶◀▶◀▶◀▶◀

"Damn it !" napahampas ako sa manubela.

Traffic.

Well, ganito naman talaga sa Pilipinas. Magulat ka kung walang ganito.

Tumingin ako sa aking wristwatch. 9:38pm. Ang usapan 9:30 pero ito ako, parating pa lang sa mall. May family dinner kasi kami sa Yakimix, Alabang branch. Naroon na sila Javy at ako na lang ang wala pa.

Nag park ako sa tapat ng mall at bumaba na. Isinuot ko ang aking bullcap at salamin. Nakalimutan ko kasi ang contact lens ko.

Laki ng pasasalamat ko. Naka dating ako sa resto ng walang humaharang.

"There he is !" bati ni Javy. Nakailang plato na din sila. Nakipag beso ako sa aking kapatid at mama. Umupo ako sa tabi ni Javy. Nagulat ako ng mapansin kong may dalawang sobrang upuan.

"My friends are here." sagot ni Andie habang kumakain ng tempura.

"Kumain ka na, Quen. May shooting ka pa after di ba?" sabi ni mama. Tumango naman ako at sumunod. Nag appetizers muna ako. Mahilig kami kumain sa ganito. Madami akong nakakain dito pero madali ko ding nabuburn.

Nasa pangatlong round na ako. Tumayo ako sa tapat ng mga sushi. May ilang nag papicture sa akin. May narinig akong bumubulong sa gilid.

"Ui friend, si Enrique Gil oh."

Pasimple akong lumingon. Dalawa silang babae. Parehong matangkad. Siguro hanggang sa mata ko. Ramdam ko ang titig sa akin.

"Tingnan mo kasi." bulong nung babae sa katabi niya. Hindi siya pinapansin nung katabi niya. Ayokong isipin nila na suplado ako kaya nilingon ko sila. Nagulat ako sa lapit nung isang babae sa akin.

"Hey !" bati ko sa kanila.

Halos malaglag ang panga nung babaeng bulong ng bulong. Pareho silang may hawak ng plato. Naka headphones yung katabi niya kaya siguro hindi siya naririnig. Kahit ako ay hindi narinig.

"Uhh.. H-hello."

Ngumiti ako dun sa babae. Naka kulay pula siyang dress at naka lugay ang buhok. May kaunting make-up at may kwintas. Masyadong reaviling ang damit niya. Maganda siya. At mukha namang mabait.

"Kamusta?" tanung ko habang kumukuha ng maki. Nakikipag usap ako dahil ayoko ring isipin nila na isnabero ako. Tsaka wala naman masama sa ganun.

Nakita ko na tinapik niya yung babaeng katabi ko. Tumingin ito sa kaniya at ngumuso siya sa akin. Humarap siya at nasa bibig niya ang kaniyang chopsticks. Naka taas ang kilay niya. Bumalik sa kaibigan niya ang kaniyang atensyon at bumalik sa akin. Para bang nag tatanung siya kung anu ang meron. Natawa ako ng biglang hinila pababa ng kaibigan niya ang kaniyang headphones.

"Si Enrique Gil yan oh. Siya yung tinatanung mo." bulong ng kaibigan niya, well hindi bulong dahil narinig ko.

Tumingin siya sa akin. Tumingin siya simula paa hanggang mata. Isang chopstick na lang ang kagat niya. Kakulay ng mata niya ang mata ko. Naka longsleeve siyang itim at may cross na necklace. May eyeliner ang kaniyang mata at straight ang buhok. May highlight siyang blonde. Kulay itim ang kaniyang mga kuko at may ilang singsing.

"Hey." bumati siya. Medyo malalim ang kaniyang boses pero bagay naman sa kaniya. Hindi ako kaagad naka sagot. Nakatitig lang ako sa maganda niyang mukha. Mas maganda siya sa kaibigan niya. Hindi ko alam ang isasagot. Ito ba ang tinatawag nilang 'Crush at first sight'?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Because of her [ Enrique Gil | One-shot ]Where stories live. Discover now