Icel's POV:
"Bwahahahahahaha!! GRABE! Hahahaha ang epic mo talaag ICEL" tiningnan ko ng masama si Jacob.. Ang lakas makatawa, ni Hindi pa nga makamove sa kapalpakan ko..
"Oh! Sorry!! Ito ala gift namin oh" napangiti nalang ako ng ibigay na niya ang gift..
Wiiihh excited na ako ano kayang lamang nito..
"Kokak kokak"
"Ahhhhhhhhhhh!!!" Waaaaah bakit palaka ang lamang nung gift.. Huhuhu.
"Hahahahahaha!" Napalingon ka sa kanila na tawa ng tawa sila.. Pinagkaisahan na naman nila ako.. Wawa naman ako. Wala akong kakampi!!
"Lagot talaga kayo sa akin.." Asar na sigaw ko sabay habol Kay Jacob na may pakana ng lahat ng ito...
"Opps!! Sori na.. Aw!! Aray hah!! Tingnan mo Ice ang sakit manghampas ng love of your life". Sumbong nito Kay Ice.. gago!! Nagsumbong pa TSS.
" Everyone listen carefully!!! Remember noong dare natin dati.. Pero Hindi magawa ni Bryan.. He's going to perform it today!! Birthday gift ko narin to Kay ICEL Hahahahahaha" announce ni Anne sa akin saka lumabas si Bryan
Pffft.. Kung nakikita niyo lang ang itsura ni Bryan Hahahahahaha. Ang bakla niyang tingnan.. Nakasuot siya ng sleeveless, short with ribbon.. Ang kapal kapal rin ng makeup niya hahahaha naka summer hot pa talaga..
"Wa hahaha hahahaha" tawanan namin ng biglang kumembot si Bryan sa gitna ng mini Stage..
Napatakip nalang ako sa mukha ko.ako ang nahihiya sa ginawa niya hahaha
"Aw~" sigaw niya na parang feel na feel niya ang moment niya.. Ang bakla ng dating ni Bryan ngayon.. hahahaha
"Wahahahahaha.. Wengya. Na surprise kami doon hah" tawa ni Blake kaya nabatukan siya ni Bryan na kakatapos lang sumayaw..
"Gago!! Hindi ko rin naman ito gustong gawin pero wala ako magawa.." Likramo ni Bryan sabay glare sa natatawang Anne.
"Hahahahahaha".
Maya Maya binigay na nila sa akin ang mga regalo nila..
Binigyan ako ng dress ni Anne at sandal naman Kay Just..
Laptop ang ibinigay sa akin ni Bryan. Camera naman ang binigay sa akin ng kambal. At keychain ang ibinigay ni Jacob sa akin na nabili niya saw sa tabi-tabi.. Kaya napapoker face nalang ako..
Matapos ibigay ng barkada sa akin ay napasimangot nalang ako.. Ang taong hinihintay Kong bigyan ako ay wala.. Hindi daw siya nakabili.. Ouch!! Ang sakit...
Nandito ako ngayon sa pool nagpapahangin habang binabad ko ang mga paa.. Hayyss!! Kung nagtataka kayo kung bakit wala dito ang parents namin NASA business trip sila ngayon. Kaya kami kami lang ang magbabarkada ang nandito kasama ang dalawang bulilit na sina Mel at Jae..
" Kanina pa kita hinahanap hah" napalingon ako sa gilid ko ng may tumabi sa akin at si Ice lang pala..
"Here!!" Bigay niya sa akin.. Isa siyang maliit na box.. Pero Hindi ko tinanggap at tinitigan lang iyon "this is my birthday gift!" Napakunot-noo nalang ako.. Akala ko ba nakalimutan niyang bumili ng gift para sa akin..
Binuksan ko iyon at kwentas ang laman. ang nakapagtataka lang singsing ang pendant.
Tiningnan ko lang siya ng may pagtataka. Isang ngiti lamang ang kanya ginawa. Pagkatapos kinuha niya sa akin ang kwentas at isinoot niya ito sa akin..
"Bakit singing ang pendant"
Ngumiti muna siya bago sumagot
"Nothing..... Ingatan mo yang singsing nayan hah!! Don't remove it...at wag mo yang iwawala..." Napatango nalang ako kahit ako'y nagtataka niya .
"Remember it Ella, habang na sa iyo pa yang singsing nayan.. Ibig sabihin. Mahal kita..." Bigla nalang akong namula..sa sinabi niya.. Hanggang ngayon kasi Hindi ako sabay na ganyan siya ka sweet sa akin..
"Kapag nawala ko ito.. Ibig sabihin Hindi mo na ako mahal?"
Umiling lang siya sabay halik sa noo ko.. Sobra niyang pinaramdam sa akin kung gaano niya ako kamahal.. Na walang ibang kundi ako lamang
"Syempre. Mahal pa rin kita.. Ikaw lang kaya ang babaeng gusto Kong pakasalan".. Ayan na naman siya sa sobrang sweet na sa akin hehehehe..
" Don't give up Ella.. Ikaw lang talaga ang mahal ko.. Tandaan mo iyan, panghawakan mo ang mga salitang sinabi ko.... Mahal na Mahal kita Ella" napahawak ako sa singsing at nakangiti ng nilingon ko siya...
"Mas Mahal kita Ice"
Masaya ako ngayon dahil masabi ko na rin sa wakas ang totoo Kong naramdaman sa kanya..
Mahal na Mahal ko si Ice Hindi ko kayang mawala siya sa akin.. Wag kang mag-alala Ice.. Panghahawakan ko lahat
ng iyon dahil alam ko sa sarili ko kung gaano mo ako kamahal.
Naramdaman ko iyon
To Be Continued
Thank you
Vote
BINABASA MO ANG
Mr. Cold And Ms. Makulit
Teen Fiction(Completed) Maganda, Mabait,Masayahin, Makulit!!! Well Ano pa nga ba? Isip-Bata? . Sino Siya? . Siya lang naman si Ianna Cindy Ella Luchingco or should I say Icel, (Haba kasi ng Name niya eh! hahahaha) She lives so simple Sa kanyang pagiging simple ...
