Chapter 2

4 0 0
                                    

Chapter 2

"Dad, come on. Pag aawayan pa ba natin to?"

Napamasahe na lang sa sintido si Daddy. Napabuntong hininga naman ako at umupo sa sofa. He's scolding me again. Pano ba naman kasi? Hindi ko naman expected na magsusumbong yung Prinsesang mukhang akong yon. Pagkatapos ko kasi sa speech ko ay dumiretso siya sa Office at sinumbong ako. Aba, yung asong may rabis naging maamong tuta nung kausap namin siya sa Office. Pati tuloy si Dad naabala.

"Just don't do it again. Gusto kong makatapos ka na malinis ang record mo sa school na yon. Ayokong magaya ka sa mommy mong-"

"Of course, I won't. I will never be like her."

Ewan ko ba pero sa tuwing pumapasok sa usapan ang magaling kong ina ay umiinit ang ulo ko. I still remember what she did to us. And what she did to herself.

And that thing ... is a secret.

***

"Jamila!"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan ko. Pagharap ko ay nakita ko si Kevin na tumatakbo palapit sakin. Napakunot ang noo ko.

Kevin is one of my classmates. Madalas ko siyang makitang tahimik sa upuan niya. I think he doesn't have a friend. Just like me. Well, he doesn't talk to anyone though. Kaya nagulat ako nang tawagin niya ako. Weird.

"What?"

"Wala lang. Sasabay lang ako sayong pumasok sa room."

Nakangiti pa siya habang sinasabi yon. This guy is weird. Pero hindi ko na lang siya pinansin. Sabay kaming naglalakad sa hallway. Pansin ko ang tingin, or more like, titig ng mga nakakasalubong namin.

"Oh, look. The two weird people is together." Biglang sumulpot sa harap namin si Princess. Akalain mo yun, hindi lang pala aso ang lahi nito eh. May lahing kabute din pala.

"Pfft-"

Napatingin kami kay Kevin na nagpipigil ng tawa. Alam kong pareho ang tumatakbo sa isipan namin ngayon.

"First of all, it's 'are'. Hindi ka ba nag aral ng right grammar? Second, we're not weird. We just have unique personalities." I said, coldly. Buti nalang at napigilan ko ang sarili kong tumawa. Nakakatawa naman kasi yung reaksyon niya.

"You-!" Dinuro niya kami at saka umalis. Ayan kase. Eenglish english, wrong grammar naman. Tss

"Ang astig mo talaga! Hahaha! Kita mo yung reaksyon niya? Priceless! Ayan kase, eenglish english, wrong grammar naman! Tsk tsk tsk!" Sabi ni Kevin pagka alis ni Princess. May pailing iling pa itong nalalaman.

Si Kevin ba talaga to?

Hindi ko na lang pinansin ang kabaliwan ng kasama ko. Nang pumasok kami sa classroom ay puro titig ang natanggap namin. Ano bang meron sa mga tao ngayon at laging nakatingin?

"Hayaan mo sila. Inggit lang yang mga yan." Bulong ni Kevin at umupo sa tabi ko.

"Bakit naman?"

"May kasama ka kasing gwapo." Ngisi niya sakin. Inirapan ko na lang. Ang hangin. Malayong malayo sa tahimik at walang kibong Kevin noon.

**

5 pm na. Naglalakad ako sa hallway nang may makasalubong akong pamilyar na lalaki. San ko nga ba siya nakita? Think. Think.

Aha!

"Oh, it's you again."

Uminit ang ulo ko sa ngising binigay nito. I still remember that smirk. Nakakakulo ng dugo. Kung pano niya ako tisurin nung first day ko. Kung pano ako pagtawanan nung kasama niyang unggoy. Kung pano ako napahiya sa nga nakakita noon.

Lalagpasan ko sana siya pero bigla niyang hinigit ang braso ko. Lumapit siya sa tenga ko at bumulong,

"Hindi pako nakakapagpakilala sayo. I'm Fourth. Nice meeting you nerd."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Nerd's SecretWhere stories live. Discover now