chapter 29

3.9K 80 0
                                    


Nang pauwi na si erza ay nagiisip isip sya kung ano bang gagawin nya sa buhay nya at sa anak nya
Dahil sobrang bilis pa rin nang pangyayare sa kanya si axel at irah ay nagpaiwan sa mansion nang mga fuentes iniisip nya nang umuwi nang maisipan nyang dumaan muna sa opisina ni jacob

Ngunit nang makarating sya roon ay hindi nya inaasahan ang makikita nya
Si jacob na nakikipaghalikan kay Regz
Biglang naginit ang bou nyang pagkatao
Susugorin nya na sana si regz nang pigilan sya ni jacob nang makita sya

"ahh kaya ba nakikipaghiwalay ka sakin dahil sa haliparot na to! "

"hoy babaeng mangaagaw sa ating dalawa ikaw ang haliparot! "  mahinahon pero may diing sagot ni regz

"ah talaga hindi bat ikaw ang unang nangagaw?  !

"tama na erza umalis na tayo" sabay hila sa kanya ni jacob

"No jacob taposin na natin lahat to! "

"anong ako?  Ikaw ang unang nang agaw inagaw mo si jacob sakin inagaw mo ang lalaking mahal ko! "

Nanlaki ang mata ni erza sa narinig binalingan nya nang mata si jacob na hindi makatingin sa kanya

"oh bakit hindi ka makasagot nanahimik kami tahimik ang buhay namin bigla na lang sya nawala kasama ka yung bata sa tyan ko lumaki na walang ama dahil sa kasakiman mo! Samantalang anak mo answerte dalawa ang tatay nya!  Ngayon sabihin mo sino mangaagaw satin "

"wag mo ibahin ang kwento dito dahil ikaw ikaw ang sumira sa amin ni axel ikaw ang dahilan nang lahat !"

"HAHAHAHAHAHHAHAHA "

Kinilabutan sya sa tawa nang babae na parang yung ang pinaka nakakatawang pangyayare sa boung buhay nya

"Yun ba jacob?  Yun ba ang sinabi mo sa kanya?  Para masolo mo sya?  Pinaniwala mo sya?  May asawa na si jacob hinding hindi ko sya lalandiin kaibigan ko sya mula pagkabata alam ko na kasal sya "

Parang bulkang sumabog ang luha ni erza sunod sunod ang pagagos nang luha nya

"nandun ka din ba sa hotel nung araw na yun? Hahaha ginawa namin yun para pagselosen si jacob para angkinin nya ako hindi sumagi sa isip ko na magmahal nang kaibigan"

"jacob sabihin mong hindi totoo ang sinasabi nya db?  Nagsisinungaling sya hindi mo ko niloko db hindi naman limang taon wala naman nangyare satin kasi nirerespeto mo ko db hindi mo ko lolokohin sumagot ka! "

"sorry sorrry Erza hon sorry sorry sobra lang kitang mahal kaya ko yun nagawa sorry! "

parang bagyong bumuhos lahat nang sakit kay erza tilay bawat patak ay patalim na tumuturok sa puso nya

"WALANG HIYA KA ! SAYO AKO NANIWALA PINAGKATIWALA KO SAYO ANG LAHAT LAHAT!  SO HINDI NAGSISINUNGALING SI AXEL NA PINAPAPATAY MO SYA SAGOT!  SUMAGOT KA! "

"ginawa ko lang yun para ilayo ka sa kanya please wag ka magalit please " paluhod syang umiiyak

"jacob!  Wag ka lumuhod! " sigaw ni regz

"ngayon jacob pumili ka kami o sila " seryosong tugon ni erza sa mejo kalmadong tuno

"Hon wag ganito hon please "

"pumili ka!  " sigaw uli ni regz

"tangina ka nagpauto ako sa masamang tao katulad mo!"

"hindi na alam ko na sino pipiliin mo wag ka na pumili aalis na ako " basag na boses ni regz

Tatalikod na si Regz nang habulin sya nang yakap ni jacob sa likod

"No regz not now not this time babe"

Nawala na lahat nang pagasang meron si erza nakayuko syang lumapit sa dalawa

"sana maging masaya kayo.  "

Binilisan nya nang maglakad sa pasilyo habang ang boses nya ay patuloy na nababasag sa hagulgol nya

Nang makalabas sya nang kompanya hindi nya inasahan ang aabutan nya si axel na nakasandal sa kotse neto at ang kotse nya ay Wala

Mabilis syang nilapitan neto at niyakap nang mahigpit

"tinakot mo ko baby kala ko babalik ka na sa kanya " may lungkot at takot sa malumanay netong boses

AGENT X69 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon