## The Paper Bag ##
Nasa bus pa rin ako ng lumapit sa akin si lalaki at sinabing. . .
Alam mo Miss, mas mahalaga pa rin ang buhay kaysa material na bagay. Maikli lang ito kaya dapat matuto kang ito ay pahalagahan. Mag-ingat ka dahil hindi sa lahat ng oras ay may katulad ko na magtatanggol sa’yo. Sorry rin dun sa mga nangyari kanina. Heto oh, kunin mo. Iniabot niya ang isang paper bag. Mamaya mo na buksan. Sige. Ingat ka na lang. God bless you. Sabay talikod ng lalaki at tuloy ay bumaba ng bus at lumakad.
Hindi ko na namalayan ang kanyang pag-alis. Dali-dali kong binuksan ang paper bag at excited na tinignan ang laman niyon. Nagulat ako.
Ito yun dapat ay bibilhin ko sa may stop over. Pero imposible, binuksan na niya ito kanina habang nasa bus kami. Pero bakit buo pa rin siya at hindi pa nabubuksan? Napaisip ako. Tatanungin ko pa sana ang lalaki subalit wala na siya. Hindi na naman ako makapaniwala sa mga nangyari. Hindi ko man lang siya napasalamatan. At higit sa lahat hindi man lang ako nakapagsorry sa kanya.
Sino kaya siya? Hanggang ngayon ay tinatanong ko pa rin sa sarili ko. ano kaya ang dahilan at nangyari ito sa buhay ko? sino kaya siya sa hinaharap ko? Kung sino man siya… Salamat, maraming salamat!
The End
Continuation of the story starts now. . .