I can't believe I'm married...
Kasal ako sa taong ni hindi ko kilala
ngunit wala akong magawa.Gusto kong tumakas at magpakalayo pero paano na lang ang utang na loob sa kaniya ni Ada? Ang taong kumupkop at nag aruga sa akin ng ako dalawang taon pa lamang mahal na mahal ko si Ada itinuring nya akong tunay niyang anak kahit simple lamang ang naging buhay namin naging masaya kami.
Ngayon wala na si Ada, pumanaw siya dahil sa sakit na Leukemia wala man lang ako sa tabi nya hindi ko manlang siya nayakap. Ilang buwan din ang naging gamutan niya sa America kasama ang kapatid nyang si Aunt Lauren na doon naninirahan.
"What? Elisse you're already married? paano nangyaring ikinasal ka ng hindi mo alam? that's impossible!"
nanlaki ang mata ng best friend kong si Cathy na katulad koy hindi makapaniwalang kasal na ako sa hindi ko kakilala.
"Yes. Iyon ang nakasulat dito marriage contract na dumating sakin kasabay ng mga sulat at mga abo ni Ada kahapon lang"
Paliwanag ko kay Cathy.
"Pero kahit na! akala ko ba mahigpit ang batas dun sa America? ni hindi wala ka para pumirma dun?" bulalas niya at pagkuway uminom ng juices na nasa center table.
"Si Ada...kaya nyang gayahin ang sulat kamay ko" napabuntong hininga na lang ako at muling pinagtuunan ng pansing ang mga papel na nagkalat sa lamesa
United States Of America official seal of Dec. 30 2017
Elisse Gonzales & Liam Kenzo Aragon
OFFICIALLY MARRIEDHanggang ngayon ay namumugto pa rin ang aking mga mata matapos mabasa ang mga huling sulat kamay ni Ada para sa akin at doon nabanggit nya ang tungkol sa pakikipag kasundo niya sa akin at kaniyang naging kaibigan sa America na pinagkakautangan nya ng utang na loob.
...."Patawarin mo ako Elisse, anak. alam kong masasaktan ka sa ginawa kong desisyon na ipanakasal kita ng hindi mo nalalaman, sa mga oras na ito alam ko kakauting panahon na lang ang ilalagi ko dito sa mundo at ito lang ang huling bagay na magagawa ko para sayo..hindi lamang dahil sa ito sa utang na loob kaya ko ito nagawa, mabuti syang tao anak. Nawa'y mahanap mo ang iyong mga tunay na mga magulang at maging maayos ang pag sasama niyong mag asawa. Alam kong maalagaan ka niya. makikilala mo rin sya sa lalong madaling panahon. Patawarin mo ako hindi na ako makakabalik dyan sa Pilipinas mahal na mahal kita Elisse.
Ito ang huling bahagi ng sulat ni Ada parang dinudurog ang puso ko..
Ngayon ang huling araw ko dito sa Baguio kailangan kong nang lumuwas ng Manila dahil sa mahalagang pag uusapan namin ni Aunt Loren
labag man sa aking kalooban alam kong matatagalan bago muli akong makabalik dito sa bahay kung saan ako lumaki kasama si Ada. minamasdan ko ito ngayon, maging ang bawat sulok ng bahay na puno ng masasayang ala-ala.
Ngayon ay ipapagkatiwala ko muna sa bestfriend kong si Cathy na nakatira ilang bahay lamang ang pagitan sa amin.Hindi ko alam ang gagawin ko..
Paano ako makikisama sa taong ni
hindi ko kilala?Bakit pumayag syang ikasal kami?
Gusto ko syang makausap.
Hindi pwede 'to... May iba akong gusto...TBC-
YOU ARE READING
Officially Married to Mr. Pilot
General FictionThis is my second on-the-process story lol T'was Great! Take time to read 💕