PAPI LAB

2 0 0
                                    

May isang batang babae na nag ngangalang happy .. Happy ang ipinangalan sa kanya ng mga magulang niya dahil sya ang panganay na anak.. At dahil na rin sa sya ang nag dadala ng kaligayahan sa pamilya nya .. Ipinanganak siya noong December 05, 1994 ..

Sa edad na 5 yrs. Old isinama si happy ng pinsan nya na si aimee sa church .. Member kasi si aimee ng children choir noon .. At isinali sya ni aimee sa choir nila .. Noong una saling kit-kit lang si happy doon kasi nga 5 yrs. Old palang sya that time .. Hanggang sa lumipas ang isang taon at tuluyan ng nakapasok si happy sa choir .. As a child , ang alam lang gawin ni happy is maglaro .. Hanggang sa nakikilala nya na si Marco , isang batang lalaki na mataba , singkit , pero sobrang talino . Advance ang kaalaman ni marco kumpara sa ibang bata .. Pero kagaya ng ibang bata mahilig din si marco makipaglaro ..

Dahil nasa iisang purok lang sila , naging mag ka dako ( dako means maliit na bahay sambahan) may mga pagkakataon na tahimik si marco at sobrang kulit naman nitong si happy .. Hanggang isang araw naisipan ni happy na asarin si marco ..

Happy: Marco baboy baboy !
Marco: (di umiimik)
Happy: ahh~ si marco baboy !

Kagaya ng ibang bata napikon si marco at napatulan nya si happy ..

Happy: Aray !
Marco: Sorry ahh . Di ko naman ginustong saktan ka ee .. Ikaw naman kasi ee nakakapikon ka ee .. Ano? Masakit sa paba ? ( hinihimas nya yung braso ni happy na nakurot nya)
Happy: ( umiiyak ) Sorry din ..

Doon nag umpisa na maging magkasundo ang dalawa ..

Lumipas pa ang madaming taon ..
Year 2006 , grade 6 na si happy at si marco naman ay grade 5 . Matanda si happy ng 6 months kay marco .. Tuwing Saturday at Sunday lang sila kung magkita noon .. At bilang isang bata di pa importante nun kung ano ang kalagayan nila sa isa't-isa .. Pero nararamdaman na ni happy na kapag di nya nakikita si marco ay namimiss nya ito .. May mga ugali si marco na gustong gusto ni happy ..  Kilalang tahimik kasi si marco .. Sa school man o sa church .. Pero napapansin na ni happy noon na iba yung treatment sa kanya ni marco .. Nandun yung care ni marco sa kanya.. At di yun ginagawa ni marco sa iba ..

Lumipas pa ang ilang taon ..
2nd yr. Highschool na si happy at si marco naman ay 1st yr. High pa lang .. Kagaya ng inaasahan nasa spes. Sec siya .. Dahil matalinong bata sya at si marco lang naman ang pride ng school namin .. Siya ang pinang lalaban sa iba't ibang school at laging nag uuwi ng kampyonato ng paaralan .. At proud si happy sa kanya ..

Alam ni happy sa sarili nya na may crush o paghanga na sya kay marco dahil napaka gentleman  nito mabait at matalino ..

Kapag nasa church sila , di maiwasan ni happy na mainis kapag may ibang kausap o katabi si marco ..

Happy: ump! ( naiinis)
Aimee: insan bakit? May umaway ba sayo?
Happy: wala naman 😣
Aimee: e bakit nakasimangot ka ?
Happy: ( nakatingin sa direksyon ni marco )
Aimee: ayuuunn .. Nagseselos ang pinsan ko !
Happy: selos? Ano yun ate ?

Hindi pa talaga alam ni happy kung ano ang selos dahil bata pa sya at di  pa naman nya eto nararanasan ..

Napansin ni marco na masama na ang tingin sa kanya ni happy kaya nilapitan nya ito..

Marco: happy ? Bakit ? May umaway ba sayo?
Happy: wala!
Marco: ee bakit galit ka ? Galit ka ba sa akin?
Happy: hindi!
Aimee: marco nagseselos kasi yang si happy kasi nga may kausap kang iba ! ( nangaasar na tono)
Marco: ahh yun ba ? ( sabay turo sa girl ) nagtanong lang yun kasi nalimutan nya yung tono nung isang awit na i pi pitch nya ee .. Wala yun ..

Nahimasmasan si happy sa narinig nya .. At kinilig din at the same time ..

(happy: bakit kaya sya nagpapaliwanag ng todo sakin? 😊😊 ) (  sa isip isip nya)

Marco: bati na tayo ahh .. ( sabay yakap )
Happy: ( di agad nakaimik sa biglang pagyakap sa kanya ni marco)
Marco: ( namula sabay bitaw kay happy )
Happy: ok na :)
Marco: sorry kung niyakap kita nadala lang ako hehe ( sabay kamot sa ulo )
Happy: ok lang yun ( pero sa isip isip nya " isa pa yakapin mo ulit ako haha")

Kahit si marco nagugulat sa sarili nya ..

Marco: bakit ganun? Gusto ko ba si happy?  Bakit nagpapaliwanag ako ? Bakit nag aalala ako ? Nakakahiya niyakap ko pa sya .. ( bulong nya sa sarili nya )

Pakiramdam ni marco kapag di nya nakikita si happy namimiss nya din ito ..

Sa dako nila ay may kasama sila na pinaka bata sa grupo .. Every sunday after tupad nila nag titipon muna sila sa isang bahay para pagusapan ang mga puna sa awit nila .. That time si happy na ang pitch leader at si marco naman ang pangulo .. Silang dalawa na ang senior sa grupo kaya sila ang tumatayong leader ng grupo .. (grupo: children choir)
Sa isip ni happy asawa nya si marco at anak nila yung mga batang ka grupo nila .. Pero syempre imahinasyon lang ni happy yun . Meron silang pinakabatang miyembro , ang tawag nila sa batang iyon ay bulingit kasi sobrang liit ..

Bulingit: ate happy pwede mo ba ako bihisan ?
Happy: pasensya kna ahh doon ka muna sa tatay mo mag pa asikaso .. Tapusin ko lang to ..
( sabay turo kay marco )

Binihisan naman ni marco si bulingit ..

Marco: o ayan ok ka na ahh .. Punta kna dun sa nanay mo .. ( sabay turo kay happy )

Feeling tuloy ni happy ay mag asawa na talaga sila .. Kinikilig talaga si happy ..

Habang tumatagal , iba na ang nararamdaman ni happy .. Masaya sya kapag nandiyan si marco .. Hinahanap hanap nya pag wala .. Nag aalala sya pag may sakit si marco ..

Happy: ( hindi na mawala sa isipan nya si marco )

MY CHILDHOOD SWEET HEARTWhere stories live. Discover now