Chapter 5 - NBA?

23 1 0
                                    

“ummm. Athena?” gi-try kong ibahin yung topic.

“yea?” respond niya.

“anong sport ka kasali?” tanong ko sa kanya.

“um, sa archery ako kasali. Ikaw? Bakit ka andito? Hindi mo sa akin sinabi na sumali ka sa sports club.” Sabi ni Athena.

“aah hindi. Sabi kasi ng adviser namin, kelangan ko raw i-round yung school para daw ma-familiar ko.” Paliwanag ko.

“aaaahh I see. Eh, ba’t kasama mo siya?” tanong ulit niya.

“nag-volunteer siya na ito-tour ako sa school.” Sagot ko.

“aahh. Ganun pala.” Sabi niya na parang may iniisip tungkol sa pag-volunteer ni Ricko sa pag-tour sa akin.

“Athena! Tara na! tawag tayo ni coach.” May tumawag kay Athena. Teammate niya ata.

“oo. Susunod ako!” sigaw niya sa teammate niya.

“Sige. Mauna na ako sa inyo. Kaka-kilig talaga kayo.” Sabi niya sa amin.

“Athena talaga!” sabi ko sa kanya ng may mukhang galit. Napatawa siya at tumakbo paalis.

“So, ummm, tuloy pa rin ba tayo sa paglalakad?” interrupt ni Ricko sa pagsi-sigawan naming ni Athena.

“aaahhh, yes.” Sabi ko sa kanya.

“so ang next destination natin ay sa Theatre and Arts club” Sabi niya.

Sa music department kami natagalan kasi nanuod pa kami ng mga performances.

Una naming pinanuod ay yung mga banda. Nagjamming sila sa music hall. Yung iba nakaka-antok, yung iba sobra sa RNR, pero yung iba ‘anchwet!

Pagkatapos nun, nagsidatingan ang mga dancers, magp-perform daw sila kaya nanuod rin kami, pwede daw eh.

Wow! Grabe ang mga steps. Parang gusting-gusto kong sumali sa kanila.

Napapa-sayaw rin ako pero yung mga shoulders ko lang. Hindi ko na alam, napapa-palakpak na ako sa pagbilang nila ng steps, “1, 2, 3, 4, 1, 2, 1, 2”.

Napatingin ako kay Ricko. At sa pagtingin ko, nahuli ko yung mga mata nyang nakatitig sa akin.

Mukhang na-realize niya na naka-titig siya at bigla nalang siyang ngumiti sa akin. Para fair, ngumiti na rin ako sa kanya, kawawa naman eh. (hahahaha)

Pagkatapos nung dance performance, may kakanta din. Hindi na kami nanuod, pagod na daw si Ricko eh.

Hindi na muna namin tinapos yung iba. Hind rin namin namalayan na naka-skip kami sa 2nd period namin sa afternoon. Hindi na rin kami magka-klase at nagplano rin akong umuwi na nalang.

Pero nagulat nalang ako sa sinabi ni Ricko, “Tara! Sabay tayong umuwi. Hatid na kita. Nang sa ganun, makikita ko na rin kung saan ka nakatira.”

“Wala ka bang hihintayin? O sasama man lang sayo na kabarkada mo?” sabi ko. Naninigurado lang naman.

“wala naman. Lahat sila busy sa iba’t ibang mga bagay-bagay. Kaya ako na lang ang naiwan” paliwanag niya.

“ah ganun. Sige uwi na ako ah!” sigaw ko sa kanya at tumakbo na ako palabas sa gate.

Siguro sa ganitong paraan hindi ko makakasama ang lalakeng yun pati sa pag-uwi ko. Pheew! Iti-text ko nalang ang pinsan ko na nauna nalang ako sa pag-uwi, sabi niya kasi sasamahan niya akong umuwi.

Love&Game: Worst Prince [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon