Chapter 1

2.9K 20 8
                                        

Alex POV

"Sis? Sis?!" Argh! Saan na ba 'yung kulogo na 'yon? Kanina pa ako katok ng katok sa pintuan niya eh! Yari ka sakin mamaya letse ka! Dito kami ngayon sa condo. Ngayon daw ipakilala sakin ni Elise ang mga kaibigan niya kaya nagplano kaming sa isang resto nalang magkikita kita. 9 a.m ang usapan pero 8:30 na di parin lumalabas si Elise sa kuwarto niya.

"Tara na?"

"Holly shit! May balak ka bang patayin ako sa takot?" bigla ba naman buksan 'yong pintuan niya.

"Dami mong dama little sis. Tara na't baka nandun na sila at mainip pa sa kahihintay" sabay akbay sakin. I rolled my eyes.

"Maganda ba 'yang Jessy na kinukuwento mo sakin sis ha?" tanong ko dito. Ang tahimik niya kasi eh focus lang sya sa pagmamaneho. Habang ako naman nakatitig lang sa bintana.

"Lahat naman ng friends ko maganda eh"

"Ok?"

Huminto siya sa isang resto. Siguro ito na 'yon. Bababa na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"Hey? Hintayin mo lang ako dito at may kitain lang ako"

"Hindi pa ba ito 'yon?"

Hindi niya na pinansin ang tanong ko at lumabas na ng kotse. Dumuwang ako sa bintana at nakita kong may sumasalubong sa kanyang lalaki. Niyakap siya nito at hinalikan sa lips.

Teka? Sa lips? May boyfriend na si Elise? Ang pagkakaalam ko kasi nagbreak daw sila ng Christian na 'yon last month. Nakamove on agad? Bilis ng sissy ko ah.
Nakita ko silang nagusap ng kaunti at nagwave na rin ang lalaki.
Ng makita kong papalapit na si Elise umiwas na agad ako ng tingin at nagkunyareng walang nakita.

"Sino 'yon?" pagkukunyare ko.

"Ahh. Just a friend. Malapit na man lang dito 'yong resto na pinagusapan namin" pag-iiba niya ng topic.

I just nod and turn on the radio of her car.
A friend huh?

Mga ilang minuto lang at nakarating na kami sa isang mamahaling resto. We parked the car and enter the restuarant.

Pagkapasok palang namin may kumaway na agad.
"Ellise! Here!" tawag ng isang group ng mga babae. Kung hindi ako nagkakamali ito na 'yong mga kaibigan na sinasabi ni Elise.

"Hey guys! Sorry nalate kami ng 5 mins." Umupo si Elise at tumabi nalang din ako sa kanya.

"Siya na ba 'yong kapatid mo?"

"Um. Yeah! By the way guys this is my sister Alex. Sis this is my friends. Jane, Ericka, Christine, Ivy and Je... ssy Where's Aby?"

"Hi?" bati ko sa kanila at nginitian lng.

"May lakad daw siya ngayong importante eh" sagot ni jessy. Jessy ata kasi siya huling sinabi ni Elise eh. "Hi Alex nice to meet you".

"Nice to meet you too" ngumiti nalang ako sa iba pang girls na nandidito sa mesa.

"Nag-order na kami para sa inyong dalawa". Sabi ni Jane pero nakatingin sa'kin. Nginitian ko lang siya.

"Sige" sabat ni Elise.

"Saan tayo after nito" nakataas baba ang kilay ni Ericka.

"Well saan pa ba?" sambit ni Ivy. "Doon parin sa dati?" nagtawanan silang lahat maliban kay Kristine at Elise na kanina pa seryosong naguusap.

"Ehem!" tawag pansin ni Jessy. Pero parang di natinag ang pag-uusap nila.
"Ehem! guys?" tawag ulit ni Jessy.

"Um. Yeah?" boses na nagtatanong ni Christine. Tinaasan lamang ito ng kilay ni Jessy.

"Baka gusto niyong ishare 'yang pinaguusapan niyo"

"Sorry nag-uusap lang kami about sa darating na pasokan. Malapit na kasi diba? 2 weeks nalang?" pagdadahilan ni Elise.

"Yeah. Yun lang yun." pagsang ayon ni Christine.

"Guys nagtext si Aby kita kita nalang daw tayo sa bar mamayang 6:00 p.m" pagiiba ni Jane topic.

"Sorry guys. May lakad ako mamaya eh." malungkot na sabi ni Elise.

"Where? Date?" sagot ko dito. Pinagtinginan lamang nila ako. "What? May nasabi ba akong hindi maganda?" depensa ko sa sarili ko.

Umiling iling lamang sila. Weird.

"So Alex sama ka mamaya? Sunduin nalang kita sa inyo" pag-alok ni Jessy na agad namang siniko ni Ivy. Ano bang meron sa dalawa nato?

"Sino magsusundo sakin?" nakapout na sabi ni Ivy. Wala bang driver 'to? Mukhang mayaman naman.

"Ehem! Ihahatid ko nalang si Alex. Tapos aalis din naman agad ako." pagoffer ni Elise at umakbay sakin.

"Kaya ko naman magdrive sis!"

"Alam mo kung saan 'yon Lex!" sabat ni Christine na nakatingin kay Elise. Oo nga noh? Di rin ako ngiisip kung minsan.

-------------------------------------------------

"Malapit na ba tayo?" nasa kotse na kami ngayon. Kotse ko ang ginamit namin at si Elise ang nagmamaneho. Magpapasundo nalang daw siya mamaya kay Christian. Nagkabalikan na pala sila.

Habang nasa bahay palang kami kanina tinanong ko si Elise kung sino 'yong lalaki na kahalikan niya kanina. Nagulat nga siya akala niya siguro di ko nakita. Wala naman siyang nagawa kundi ang aminin ang totoo. At nalaman ko rin na si Christine pala ay kakambal ni Christian. Kaya sila naguusap ng seryoso kanina sa resto dahil nagulat daw si Christine na nagkabalikan na si Elise at ang twinny nito.

"Di ka rin excited ah noh?" Ang taray nito.

I just rolled my eyes in turn on my radio.

Mayamaya pa ay tumigil na kami sa isang bar. Bumaba na kami ng kotse at hiningi ko ang susi kay Elise.

"Until 10 lang ah?" makasabi parang si mom lang.

"Mom ikaw ba yan?" Tinitigan niya lang ako ng masama "Oo na! Dun ka na!" pagtataboy ko.

Papasok na sana ako ng bar ng hinarang ako ng guard.

"Ma'am pasensya na po. ID?"

"Huh? I'm already 18!" pagsisinungaling ko dito.

"Ma'am pasensya na po pero di ko po kayo mapapapasok"

"Manong let her in. I know her and she's my friend" salubong sakin ni Jane at umakbay pa.

Pumasok na kami at umupo sa counter.

"Thanks" at ngumiti ako sa kanya.

"Thanks? For what?" nakakunot noo nitong tanong.

"For convincing the guard?" natatawa kong sagot.

"Ahh. Wala 'yun. Welcome to my bar! CR lang ako. Enjoy!" Di na ako nakasagot pa at tuluyan na nga siyang nawala. Ano daw? My bar?

I tell the bartender to give me a shot of vodkha. Mga nakailang shots na ako at lumapit na din sakin ang mga kaibigan ni Elise na pinakilala sa'kin kanina.

"Hey Alex! C'mon lets dance" yaya nila sakin.

"Sige guys sandali lang. Cr lang muna ako" di ko na sila hinintay pang sumagot at umalis na papuntang cr.

Pagpasok ko sa cr saktong palabas na ang isang babae at nagkabanggaan kami.

"Ouch!" napaupo siya sa sahig.

"I'm sorry miss... I..." at tumingin siya sa'kin at... WOW! Nalaglag ata ang panga ko. Shit! Ang ganda niya!

"Bingi ka ba?!" hala ano daw? Natulala pa ata ako! Shit nakakahiya!

"Y-yes?" bakit ba ako nauutal? Shit talaga!!

*****************************






















Hope you guys enjoy reading this chap.
Please leave a comment and vote! Love you all!!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Princess (gxg)Where stories live. Discover now