Kasama ko ngayon ang girlfriend ko, si Andrea.
"Babe ayos ka lang?"
"Ayos lang ako" Matamlay niyang sagot sa akin.
Hindi ko alam pero hanggang sa pag-uwi namin matamlay siya.
Nag open ako ng messenger para sana ichat siya kaso hindi siya online. Naninibago ako dati rati lagi siyang online kapag gabi.
Kinaumagahan
"Good morning babe"
Hahalikan ko sana siya sa pisnge na dati ko ng ginagawa pero nagulat ako ng umiwas siya at parang takot."i-i-i'm sorry"
The next day hinanap ko siya pero hindi siya pumasok, hindi siya nagparamdam maghapon kaya plano kung puntahan siya sa bahay niya bukas.
*tunog ng ambulance*
Nagtataka ako kung bakit may ambulance dito na nagmamadali pumunta sa tapat ng comfort room namin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.
Hindi ako mapakali kaya lumiko ako papunta doon.
"Pre anong mayroon doon?"
"May nagpakamatay daw isang highschool student"
"Sayang ang ganda pa naman"
"Ang balita ko nirape ng amain niya kaya nagpakamatay na lang"
Habang papunta ako doon nakikinig ako sa mga nagkwekwentuhang nadadaanan ko.
Ang daming student na ang nandito kaya nakipagsiksikan ako para lang makita ang nangyari.
Para akong binagsakan ng langit at lupa ng makita ko kung sino ang nakahandusay sa sahig ng comfort room ng babae na puno ng dugo ang maputi nitong uniporme, si Andrea ang taong minahal ko ng limang taon.
Hindi ko na napigilan ang mga luhang mabilis na pumatak sa aking mata. sana hindi ko na lang nakita para hindi ako nasasaktan ng ganito. Sana maaga kong inalam ang nangyayari sayo para sana naprotektahan kita. Sana yung pangarap nating makagraduate ng sabay matupad pa natin pero wala ka na.
Hindi ako makapaniwalang gagawin mo ito. Bakit?
"It's been years had passed but I still love you. Kamusta ka na diyan? Masaya ka ba? Hayaan mo susundan kita diyan. Happy anniversary babe"
RIP +
Andrea Fortin
Born: february 13, 2000
Died: march 3, 2017
