----

3 1 1
                                    

Sundae

Habang tumatakbo sa gitnang kalsada na sinabayan ng malakas na pagbuhos ng ulan, may isang napakagandang babae akong nakita, kakaiba ang kanyang kasuotan. Hindi ito gaya ng normal na kasuotan.

"Sino ka? Bakit ganyan ang iyong kasuotan?" Tanong ko.

Ngumiti siya at sumagot.

"Malalaman mo rin.." ang ganda niya..

Bigla niyang ipinatong ang kanyang kamay sa aking ulo at nagbulong ng kung ano ano.

"Miss, anong ginagawa mo?" Takang tanong ko ngunit hindi siya sumagot bagkus bigla siyag dumilat.

Nagulat ako ng magkulay abo ang kanyang mata. Sa sobrang gulat ay napaatras ako.

"Hanggang sa muli nating pagkikita, Margaux.." ngiting sabi niya. Nawala na rin ang kulay ng kanyang mata.

"Teka ale! Sin--"

"HOY SUNDAE MARGAUX MERRELL!! GUMISING KA NA!! LATE NA LATE KA NAA!!"

"Ay kabayong may tae sa mukha!" Shit. Si papa talaga.

"Aba anak! Gumising ka na at late ka na sa first period mo!" Sigaw nanaman ni papa.

"Papsie naman eh! Magkaharap lang tayo kailangan magsigawan?!" Inis kong sabi.

"Hehe sorry naman na babygirl.. ayaw mo kasing gumising kanina pa kita tinatawag eh." Saad niya habang nakapeace sign pa. Napakaisip bata talaga neto.

"Oo na.. bumaba ka na at susunod na rin ako.." sabi ko habang tumatayo sa kama.

Umalis na nga si papa at dumiretso naman ako sa closet para maghanap ng damit ng mapatingin ako sa orasan.

Shet! 9:30 na! 10:00 start ng klase namin!

Dali dali akong pumasok sa banyo at naligo. After 15 minutes lumabas na rin ako. Puta. Kakaibang ligo yung ginawa ko ah?

Di na ko nagpatumpik tumpik pa at bumaba na sa dining. Pagkababa ko nakita ko ang isang lalake na mukhang ewan sa sobrang laki ng ngiti.

"Pa, who is he?" Takang tanong ko.

"Oh hi baby girl, siya si Aero Klindsey son of my amigo.." ngiting sabi niya.

Pfft. Klindsey? HAHAHAHAHA

"Hi, Klindsey.." pigil kong tawa.

"Im Aero not Klindsey.." seryoso niyang sabi.

"Whatever Klindsey.." HAHAHAHAHA.

"Bye baby girl!" Pumunta ko kay dad saka humalik sa pisngi niya. Nginitian ko nalang si Klindsey.

Lumabas na ko at naglakad papunta sa school. Walking distance lang naman ang school sa bahay.

Habang naglalakad bigla akong napahinto at may naalala.Shit! Late nanga pala ako.

Tumingin ako sa relo ko at nakitang 5 minutes nalang magsisimula na ang klase.

Dahil no choice na ko, ginamit ko na yung kakayahan ko.

Pinikit ko ang mata ko at kinamot ang kili kili ko. Funny noh?

Ganto kasi yan, kaya kong magwish ng kahit ano basta habang nagwiwish ay kinakamot ko ang kili kili ko. 12 years old ako ng malaman kong may ganun akong kakayahan. Nabasag ko kasi dati yung favorite vase ni papa at sa sobrang takot, nagwish ako ng nagwish na sana di ako mapagalitan ni papa at sana masarap yung ulam namin sakto namang may kumagat ata na langgam sa kili kili ko kaya napakamot ako. Pagkatapos nun nung dumating si papa, tinanong niya lang ako kung anong nangyari pagkasabi ko nginitian niya lang ako at niyaya sa mesa. Pag tingin ko sa mesa nakita ko ang mga paborito kong ulam.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wishful Sundae Where stories live. Discover now