Chapter 28

738 30 20
                                    

Alyssa's POV



"Ang lakas mong mang asar noon na duwag ako, ano ka ngayon? watch and learn, Kid." 

Nakatanggap ako ng sulat mula pa sa kartero na yan lang ang laman. walang nakasulat kung kanino galing pero mukhang alam ko na rin naman kung kanino. Buhay pa pala ang gagong yon. At ano naman kaya ang gagawin niya? Balita ko kay Ate Jessey Tuluyan na siyang bumalik sa pamilya niya sa states eh. 

Ilang linggo na rin ang nakalipas magmula nung malaman ko ang lahat. Ilang araw ko na ring hindi pinapansin si Den dahil ewan ko, sa hiya siguro. Sinusubukan niya naman akong kausapin pero nahihiya talaga ako kapag lumalapit siya. haaay ano ka ba naman Alyssa, saan na nakapunta ang kapal ng mukha mo, ha?

Valentines day ngayon ay may performance na naman ang banda. As usual, ako na naman ang nahilang bokalista. Marami ring iba pang mga booth sa buong campus, syempre mawawala a yang lintek na jail booth at wedding booth na yan? muntik pa akong maikasal sa kung sinong hayop na nagbayad para hulihin ako. Mabuti na lang kasama ko si Kiefer at naibayad niya ko ng mas malaki. Bawal mo kasing bilhin ang sarili mo. Parang tanga lang diba?

"Huli ka!" Nagulat na lang ako nang biglang may maglagay ng posa sa kanang kamay ko. 

Paglingon ko ay sina Rex at Ysay, sila yata kasi ang nakatoka sa Jail booth. Nagulat na lang ako nang makita kung sino yung isa pang nakaposas sa kabila. Si Den anak naman ng. Wala naman akong naapakan o naupuang bawal ah? bakit ako ijejail booth?! 

"Hoy, ano to?! wala naman akong violation ah?" Angal ko habang kinakaladkad nila ako papunta sa jail na ginawa nila.

"Oo pero tumatanggap din kami ng special requests. May nagbayad ng 1K para sa inyong dalawa ni Den." Paliwanag ni Rex. " At kailangan namin kayong ikulong for 30 minutes.

"What? babayaran ko ng mas malaki!" Inis kong sabi. 

Nandito na kami sa tapat ng gawa gawa nilang preso. Si Den naman tahimik lang gaya ng datin. Mukhang mapapalaban ako ah? Magkano kaya ang magagastos ko rito?

"Ows? bale, tag 1k sa inyo ni Den. Kailangang madoble niyo yun ha." Sabi naman ni Ysay.

"What?! 4k?!" Tanong ko. "Sino ba kasi yang nagbayad na yan!"

"Ako." Sagot ng boses ng isang babae sa likod namin.

Paglingon ko naman ay nandon si Mika, nakangisi pa sa akin. Anak naman ng! Seryoso pala talagang tutulungan niya daw ako kay Den? Bakit ba pakiramdam ko pinagpapasahan na nila kaong dalawa? Si Den naman tutulungan naman daw kasi ako kay Mika. Yung totoo? 

"Palag pa, Baldo?"

"Nasan si Kiefer?! tawagin niyo yung kambal ko mas maraming pera sakin yon!" 

"Na-ah-ah! Di pwede!" Pigi lsa akin ni Rex saka ipinasok na ako s Preso. " Kukunin ka na lang namin diyan mamaya pag praktis na natin ha? See ya!" 

Tuluyan na nga nila kaming naipasok. Si Mika naman naiwan sa harap namin na nakangiti pa rin. 

"Happy Valentines Day, Alyssa. Magusap kayo ha? okay?" 

"tss."

"Hahahaha. See you later sa training!"

Yep, Buti na lang talaga may training pa rin kami kahit Valentines day eh. Pabor sa mga single. Teka nga muna... Pano na to?

"Alyssa." Tawag sa akin ni Dennise . "Kausapin mo na kasi ako." 

"Aish." Tumalikod na lang ako sa kanya at nagtakip ng mukha. "Den, nakakahiya!"

I Wouldn't MindWhere stories live. Discover now