part of Patrick
maagang pumasok si Patrick at nilagay ang gamit nya sa locker nya tulad ng dati bumabaha ng love letter
“na naman?"-iritado nyang sambit sa sarili nya. pero kinuha nya yung letter na walang kaeffort effort man lang dahil yellow pad lang yon.
binulsa ni Patrick yung letter at napangiti ng bahagya.
“bakit ka ngumingiti ha? ha?"-tanong ng best friend nya na Luhan
“wala lang may naalala lang ako"-sabi nya
“TUMIGIL KA NGA KARLA! ANG LANDI MO. SYADO KA! BAKIT KA NAGBIGAY NG CONFESSION LETTER?!"
bulyaw nang isang babae sa kasama nya.
“Ako na ang magsasabi nacrush mo si Ricky"-Karla
napalingon si Patrick dahil nickname nya yon. pero inisip na lang nya na baka nagkataon lang na kapangalan o same nickname lang ang ang sinasabi nung kaibigan ng babaeng dumaan.
“tara na?"-Luhan
“sige"-sabi nalang nya habang sinasara ang locker nya.
**********Hindi naman nya maiwasang mapatingin sa katabi nyang babae gusto nyang batiin yon kaso baka isipin lang ng babae na feeling close sya.
“Pane!"-sigaw ni Karla
mabilis nyang nakilala si Karla dahil sya ang president ng science club
“Karla ang pangalan ko ay S-TE-FFAN-NIE okay?"-yung babae
“Okay..." biglang napatingin si Karla sa kanya “sarreh... babalik na ako sa room okay? nakalimutan ko di pala kita kaklase ng 3rd period"
nag peace sign eto sa katabi nya
“ah *choke* ako nga pala si Patrick Gomez" paunang sabi ni nya ”ikaw? anong pangalan mo?"
tumingin lang yon sa kanya pero hindi sumagot at muling bumalik sa ginagawa. “nice" bulong nya sa sarili nya
“sayo na lang"-sabi ni Steffanie sa kanya matapos iabot ang papel
medyo naweirdohan sya dahil sa palagay nya inaabutan sya ng basura nito
“salamat"-Patrick
ngumiti lang ito sa kanya
binuklat nya ni Patrick ang nakalukot na papel at walang nakasulat don at nagsisimula na syang mainis
“pinaglalaruan mo ba ako?"-bigla nyang nasabi
“ihulog mo yan sa tubig may mababasa ka"-Steffanie
iniisip ngayon ni Patrick na mala- Davincci code ang sinasabi ni Steffanie at may hidden message sa papel
*ring*nagsimula na ang break ng klase nila pero si Patrick sa locker dumerecho para kumuha ng panyo sya kasi yung hindi mabubuhay na walang panyo sa bulsa at relo sa kaliwang kamay hindi rin sya papasok kapag nabasa ng gapatak ang suot nya.
“aray ko po"-sabi nung babae na kinukuskos pa ang anit dahil sa pagkauntog sa sariling pinto nang locker nya. di naman napigilan ni Patrick na lumapit at tingnan yon hindi naman sa pagiging chismoso gusto lang nyang malaman kung okay lang ang babaeng yon.
pagkalapit nya nataranta sya dahil.nabagsakan pala nung mga libro yung babae
“okay ka lang ba?"-tanong ni Patrick habang taranta na tinatanggal ang mga librong nakadagan dun sa babae
nang natapos na sya may napansin syang papel pinuna nya rin ang sulat medyo napansin nya na kaparehas nang nasa kanya yung sulat sa yellow pad.
“maraming salamat"-yung babae
“Steffanie ikaw pala" sabi ni Patrick na tumulala muna nang limang segundo bago marealize na si Steffanie Legaspi ang kaharap nya pero bago pa man sya makabawi sa pagkatulala umalis na ang kaharap nya at iniwan sa kanya ang mga kalat so sya na ang nagligpit ng kalat.
natapos na syang magligpit kinuha nya yung papel at akmang babasahin pero dumating si Steffanie na parang may hinahanap nagmadali naman syang ibulsa yung papel. si Steffanie naman binuklat isa-isa ang mga libro
“nakakapagtaka naman nasan na yung papel? baka naman naiwan ko sa bahay"-sabi neto sa sarili nya
at umalis agad na kinakausap ang sarili na parang baliw lang. napailing at napangiti lang si Patrick sa di malamang dahilan
******
Gomez' residencepagkauwi nya dumerecho agad sya sa kwarto nya at binulatlat ang bulsa nya para basahin yung nahulog na letter
‘I love you Patrick Gomez since nung 4th year high school ako gusto na kita at ngayong kaklase na kita.... ang saya ko dahil kaklase na kita"
“confession letter? pss. another collection to keep on" sabi nya sa sarili nya bago ilagay ang letter sa isang lumang box ng alahas ng mama nya at pagkalagay nya nung letter nagbihis na sya. nang bigla nyang maalala yung papel na kaylangang basain nang tubig
kaya nagmadali syang pumunta nang bathroom at binuklat ang papel tsaka hinulog yung papel sa tubig sa bathtub
“gusto talaga kita pero... imposibleng mapansin mo ako. magpapakilala na ako ako si Steffanie Legaspi. at ngayon lang ako sumulat sayo. yung ibang letter galing dun sa bestfriend ko kung sakali mang nababasa mo. pero sa palagay ko hindi. andami kasing love letter sa locker mo eh.. am.. eto na ang una at huling letter maraming salamat kung binasa mo to"medyo napaisip sya kung ano ba ang ibig sabihin nun. medyo mahina ang utak nya pagdating sa mga sinasabi nang mga babae.
at kahit intindihin nya nang sapilitan wala rin kaya mas pipilitin nyang matulog nalang kesa sumakit ang ulo.nya