Chapter 7 : Should i face the truth??

90 2 0
                                    

Vanessa's Pov

Sana nga talaga, walang magbabago kasi hndi ko talaga kaya mahiwalay kina mommy, sila na nakagisnan kong pamilya. Mahirap na mawalay sa kanila dahil mahal na mahal ko sila higit pa sa buhay ko.

Tahimik lang kami ni kuya sa sasakyan walang imikan bakit? Kasi kahit ayaw ni kuya nagpumilit sumama si ashley samin. Oo kasama namin siya ngayon.

"kuya, kuya malapit na ba yung bahay natin?.." tanong ni ashley

"will you please shut up your mouth. And don't ever call me kuya hindi kita kapatid si vanessa lang kapatid ko at one more thing bahay namin not natin.." sabi ni kuya

"arggh! whatever!.." pasigaw na sagot na halatang inis siya kay kuya

 

Maya maya dumating na kami sa bahay, halata sa mukha ni ashley at pagiging excited.

 

"OMG, ito ba bahay natin kuya? Grabe it's so huge and elegant dito talaga ako nababagay tumira.." sabi niya sabay bukas ng gate

"ignorante talaga.." pabulong na sabi ni kuya

"kuya, stop it. I heard you.." sabi ko naman

"Fine.." sabi ni kuya

 

****

 

DINGDONG..

Agad naman binuksan ni manang pearl yung pinto.. Nasa likod lang namin si ashley nagmamasid masid ito sa kapaligiran

 

"oh maam vannie, sir mike andito na pala kayo pasok na kayo ipaghahanada ko kayo ng masarap na meryenda.." sabi ni manang

"talaga manang, kuya pasok na tayo dali.." sabi ko

"hep hep ako ang tunay na anak, kaya mauuna ako pumasok.. Oh by the way manang ako si ashley tunay na anak ni Mr. & Mrs. Montes tawagin mo nalang ako seniorita ashley.." sabi ni ashley nakita ko si kuya na sobrang inis na siya halatang hahatakin niya palabas si ashley.

"kuya wag na. Hayaan mo na siya.." pigil ko kay kuya

"tsss nakakainis na ksi." sabi ni kuya nginitian ko nalang siya.

"manang, pwede niyo po ba ako samahan saglit sa kwarto ko.." sabi ko kay manang

"sige po maam.." sagot ni manang sakin

"manang, vannie nalang po. Kuya akyat lang po ako saglit sa kwarto ko ha.." sabi ko, habang si ashley naman ay tuwang tuwa sa lambot ng sofa sa sala.

 

Umakyat din muna si kuya para makapagpalit ng damit. Iniwan namin si ashley sa sala ako umakyat sa kwarto ksama si manang.

 

"hija. Ano yung sinasabi nung babae sa baba na siya ang tunay na anak?.." tanong ni manang sakin habang papasok kami sa kwarto.

"yun po ba manang, totoo po yun nung mga bata pa po kami sabay kami naipanganak sa parehong araw at lugar. Napagpalit daw po kami ng nurse nung mga sanggol pa kami.." sabi ko kay manang habang pinipigil kong pumatak ang mga luha ko.

"hija, paano naman nalaman yung ng mommy at daddy mo?.." tanong ni manang

"nung nagkasakit po ako dun nila nalaman ang katotohanan..Ako naman po nalaman ko nung narinig ko sila naguusap.." sabi ko, at hindi ko na kinaya pang pigilin pa ang mga luha ko kaya hinayaan ko na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon