Sinulat ko ito dahil gusto kong magbalik sa high school days ko---katulad ni Heart ay nagkacrush rin ako....pero di tulad niya na kahit dinedma ng crush ay may happy ending parin, ang lovelife ko(kung matatawag man iyon na lovelife) ay hindi happy ending....Para ito sa kabataang nainlove daw at hindi nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng happy ending....
Chapter 1
Tahimik ang canteen. May mangilan-ngilan lang na estudyante na pawang mga engineering student ang nandoon. Wala man lang may sumita sa kanya kahit na sa uniform palang ay malalaman nang hindi siya mula sa departamentong iyon. Mukhang nasanay na rin siguro ang mga ito sa presensiya niya at naaaliw na rin sa lantarang pagbuntot niya sa pinag-aagawan at misteryosong lalaki sa departamentong iyon. Isa pa ay hindi siya puwedeng pakialaman ninuman dahil isa sa miyembro ng board of directors ng Unibersidad ang Lolo niya, ang maimpluwensiya at hinahangaang si Don Manolo Navales.
Namumukod tangi ang Unibersidad dahil iyon lang ang nag-iisang pribadong Unibersidad sa Bayan ng Santa Barbara. Ang mga gusali ng Unibersidad ang pinakamalaki at moderno sa mga establisimentong makikita sa malaking bayan. Ang mga maliliit kasi na hardware, grocery at tindahan ay pawang sa palengke matatagpuan. Sa paglaki ng populasyon ng mga estudyante ng pribadong Unibersidad na iyon ay siguradong sa hinaharap ay gagawing siyudad na rin ang Santa Barbara.
Itinukod niya ang kanyang baba sa kamay na nakapatong sa mesa. Ang canteen na iyon ay para sa mga estudyante ng engineering department at ang isang high school student na tulad niya ay out of place talaga sa lugar na iyon. Pero sabihin na lang na naiiba siya dahil hindi siya isang ordinaryong high school student lamang. She’s the campus princess, short-tempered campus princess na kilala sa determinasyong minana pa niya kay Sakuragi ng Slumdunk. Ang ipinag-iba niya siguro kay sakuragi ay ang kasarian dahil may kulay din ang kanyang buhok, hindi nga lang pula. Kilala siya sa buong campus bilang isang celebrity, usap-usapan ng mga tao 24/7. Tinalo pa nga niya ang unlimited 24/7 call and text at ang kulang nalang ay magdaos siya ng autograph signing at fans’ day. Kahit di sinasadya ng kagandahan niya ay halos buwan-buwan ay may hot issue tungkol sa kanya na nagmumula pa mismo sa high school department at bumebenta iyon na parang mainit na hotcake sa ibang departamento. May naririnig siyang pabor sa kanya at mayroon rin namang masasamang tsismis tungkol sa kanya.
Napangiti siya ng mapakla nang maalala ang kumalat na tsismis sa campus na nagpalaglag siya. Isang buwan rin siyang grounded sa paglabas ng tsismis na iyon. Pati kasi ang Lolo at mga magulang niya ay hindi na naniwala nang ipaliwanag niya na pawang kasinungalingan ang balitang kumalat. She suffered dahil sa kagagawan ng makakati ang dila na humabi ng kuwento kaya nang matapos na ang parusa sa kanya ay ang mga taong magaling tumahi ng kuwento naman ang binalikan niya. Hindi yata siya isang anghel na hahayaan nalang na tapak-tapakan at lapastanganin siya.
Nakita niyang nagbubulungan ang mga babaeng kapapasok lang ng canteen. Sa palihim na tingin na ginagawa ng mga ito ay buking na siya ang pinagbubulungan ng magagaling na mga babae. Were they talking about her being spoiled? Or were they gossiping of her being a slut?
The hell she care with the ugly ladies. She knows all the rumors and she doesn’t care a bit.
Campus flirt…Iyon yata ang latest name niya at wala siyang pakialam kahit na ilandaang libo pa ang ipangalan sa kanya basta lang di nakakaapekto sa tiwala ng Lolo at mga magulang niya. Para sa kanya ang nababagay lang na pangalan sa isang April Heart Navales ay prinsesa. Higit sa lahat, ang prinsesa na tulad niya ay hindi ipokrita kaya hindi niya ipagkakailang she loves the attention she’s getting.
Kinuha niya ang wallet. Napangiti siya nang makita ang mukha ng target niya. Isang libo rin ang ginastos niya para mapanakaw ang litratong iyon sa wallet pa mismo ng target.
BINABASA MO ANG
Nico's Heart(TO BE PUBLISHED UNDER My Special Valentine)
Любовные романыNasa kalagitnaan ako ng Devil Beside You fever nang isinulat ko ito ....Malamang ay napanood niyo rin ang series na iyon....Aaminin ko, I love Asianovelas as much as I love reading pocketbooks(parang teenager lang ang peg),,,, After that series ay p...