"Naiinip na po ang COLD nating photographer." Natawa naman ako dun. Yung bago nga palang photographer ay cold. Hindi umiimik. Ewan ko kung anong meron dun. Buti nalang mabait ako at maganda ako. XD
Name's Sam. Sam, Sam, Sam. BABAE PO AKO. HINDI BAKLA. :) Samantha Florence McKenzi. 26, at masayang model ng isang fashion magazine. Ako nalang kaya ang mukhang hinaharap sa mga magazines na idinidistribute sa buong Pilipinas. Mukha ko ang nasa billboard sa Manila. Mukha ko ang nakalagay sa TV. I am not an actress, commercial model, ganun. Mukha ko din ang sa Tshirts, bag, kape, shampoo. Mukha ko din ang ginagamit sa Wattpad. Mapa anong genre, mukha ko pa rin. Andami kong roles ah. XD
Dahil lang yun sa MAGANDA AKO. Inggit kayo? Yes, maganda ako. XD At nakakabagot.
Dahil nga MAGANDA AKO, bawal akong mag mall. Pag sarado na daw ang MOA saka lang ako pwedeng bumili. See? Naiintindihan ni Henry Sy ang sitwasyon ko. =_= Bawal akong lumabas ng bahay. Bawal dito, bawal doon. Minsan tumakas ako, sinermunan ako ng manager ko. At dahil mabait ako at MAGANDA AKO, hindi ako sumagot ng pabalang. Hindi ako bitch. I am not Avah. =_=
Back to the ball games, lumabas na ako sa room ko at dumiretso sa studio niya. Yes, ang newbee na photographer, may sariling studio. Actually lahat naman meron, at nasa main building lahat kung nasaan ako ngayon. Malapit lang to sa room ko, so madaling bumalik para magpalit ng damit. Fashion kasi; umaabot ng 10 - 15 na damit sa isang photoshoot. Kaya mahirap maging maganda. At NAEEXPERIENCE KO. =_=
"You're late." Cold na sabi ng photographer. Agad akong napasorry sa kanya. Hindi uso sa akin ang magpaka bitch kaya lame ang storyang to. Dumiretso na ako sa platform at umupo sa upuan na nandoon.
"Tumingin ka doon." Sabay turo sa kawalan. Lol. I mean sa bintana. "Pose."
"Anong klaseng pose?"
"Try mong mag peace jan." Pasimple akong namilosopo at nag peace sign.
"Tss. Act like a professional model. Think. Hindi ka robot." Sabi nung photographer. Strike 1. Tss.
So I acted like one. Professional ba kamo? Di mo sinabi kanina?
Natapos ang photoshoot ng mag aalas kwatro na. I need to go home.
Umalis na ako ng building. Nababagot ako sa KAGANDAHAN KO. shet. =_=
-Allyna-
"Dad. Boring naman ng photography." Sabi ko kay dad. Ayaw ko ng photography. I hate it. I have a dull life and binigyan pa ako ni dad ng ganung trabaho? Nang iinsulto siya? :3
"Anak, kaysa naman sa wala kang ginagawa kundi humarap sa computer mo at mag gawa ng articles."
"Dad, mas masaya ako dun." Yes, walang tao, tahimik.
"No, dear. Tama na yang pagkulong mo sa kwarto. Alam kong nagkakapera ka jan pero its bad. Unang una dahil tutok ka lang sa computer mo at di ka lumalabas. Kailangan mo ng fresh air."
Napabuntong hininga nalang ako. "Dad, wala na bang position sa..."
"Wala na. Photographers nalang ang kulang."
"Aish." Napailing nalang ako at lumabas sa kanyang office. Nakita kong lumabas ang model. Agad na rin akong lumabas sa building at dumiretso sa Starbucks katabi ng building na ito.
Ako si Allyna Auxtryl, isang freelancer sa isang website. Umaga't hapon, nakaupo lang ako at nakaharap sa laptop ko at gumagawa ng articles. Kumikita ako ng pera doon; nasa $50 - $150 sa isang article lamang. I lived with words; that's why I see my life "dull". Yun ang problema sa akin kung hindi niyo napapansin: ayaw kong makisama sa ibang tao. Mabait akong tao; halata naman. Hindi nga ako lumaban sa dad ko e.
“Lumabas ka na pala ng kwarto mo; HIMALA.” May nagsabi noon sa likod ko at alam ko kung sino iyon. Kendrick.
“Anong ginagawa mo dito?” cold kong tanong sa kanya.
“Modeling. Nakita mo ba yung girlfriend ko?”
Sandaling tumahimik. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko ngunit pinigilan ko ito. “H-huh? P-paano ko naman---” napatakbo nalang ako at tuluyang tumulo ang mga luhang pilit na pinipigilan.