Chapter~ 1: Meet her

7 0 0
                                    


Veronica's POV

PAK! PAK! PAK!

Tatlong magkakasunod at malalakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng babaeng ito. She's so stupid!

"I'm sorry Miss Veron. Hindi ko po sinasadya. Pasensya na." ang nagsusumamong sabi ng babae habang nakahawak pa rin siya sa pisngi niyang sinampal ko kanina.

"Kung hindi ka kasi hahara-hara sa dinaraanan ko eh di sana hindi mangyayari sa'yo ito!!" Ang malakas kong bulyaw sa babae.

"Pasensya na po talaga Miss Veronica. Ako po kasi ang may kasalanan. Tatanga-tanga po kasi ako. Hindi po ako tumitingin sa dinaraanan ko." ang nagsusumamong sabi ng babae. Ang mga kamay ay nakahawak pa rin sa kanyang mukha.

"Tatanga-tanga ka talagang babae ka! Alam mo namang dadaan ako eh hahara-hara ka pa!" bulyaw kong sabi ulit.

"Pasensya na po talaga." huling paghingi niya ng pasensya sa akin. Nakayuko pa rin siya.

"Sige umalis ka na at baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo!!" Sabi ko sa babaeng nakatungo.

Nang marinig niya ang pagsabi ko nun ay mabilis na umalis siya sa harapan ko sapo-sapo ang mukha niyang sinampal ko.

Mukhang nadagdagan pa ang galit na lumulukob sa buong pagkatao ko. Mas lalo pang dinagdgan ng babaeng 'yon ang mga pasakit sa puso ko.

I'm Queen Veronica D. Salvaje. Ang ganda di ba? May queen na. May Veronica na. May Salvaje pa. Ang ganda ng surname ko di ba? Salvaje! Pansin niyo naman yung second name ko. 'Veronica'. Pangalan pa lang nakakatakot na. Eh di mas lalo pa yung apelyido ko. Salvaje. Hahaha and yes I admit na Salvaje ako and wait no no no mas sobra pa don. Mas sobra pa sa salitang Salbahe. I admit.

Queen bee ako!

Bitch ako!

Nakakatakot ako!

At papatayin ko talaga kung sino man ang gustong kumalaban sa'kin.

At heto nga ako naglalakad wait no, nagmamadali ako dahil may tatagpuin pa akong tao. Tapos ayun nga may humara then sa kanya ko pa naibunton lahat ng galit ko. Sorry siya. Pero hindi pa rin mawawala ang galit ko sa taong kikitain ko mamaya. Wait niya lang ako at talagang babalatan ko siya ng buhay.

Bago ako pumunta don ay agad ko munang tinawag ang dalawa kong kaibigan for back up. Ayokong umuwing talunan.

"Hello!" agad kong sabi sa kabilang linya.

"Hello bess san ka?" Tanong niya.

"Alam niyo na kung bakit ko kayo pinatawag pa. Bilisan niyo at nangangawit na 'tong kamay kong manakit!" Ang medyo kalakasang sabi ko sa kanya.

"Masusunod queen." At ibinaba na niya ang tawag. Tumawa ako ng pagak. Sa wakas makakaganti rin ako sayong babae ka.

"Humanda ka! Makikita mo ang hinahanap mong pokpok na babae ka!" Ang nangngalaiting bulong ko sa kawalan.

Maya maya lamang ay nandito na sa harapan ko ang dalawa kong kaibigan.

"Oh ano 'yon my queen?" Bungad na sabi niya sa akin.

"Let's go!" Nasabi ko na lang. Agad akong naglakad at mabilis ding sumunod ang dalawa kong kaibigan.

Mabibilis ang mga paa naming lumakad. Ang aking dalawang kamay ay naka-kuyom na kahit ano mang oras ay maari ng manuntok. Ang nuo ko ay galit na nakakunot. Ang mga ngipin ko ay magkakadikit dahil sa gigil na aking nararamdaman. Humanda ka sa'kin!!

Maya-maya lamang ay nandito na kami sa tapat ng Room D12. Papalabas na rin ang mga estudyante galing sa classroom. Ang ibang nakatingin sa amin ay mabilis na nagsilakad. Ang iba rin ay nag-uunahan sa paglalakad makalabas lang ng Room. Malamang narito kami. Ang iba nama'y imbes na maglakad sa harapan namin ay sa ibang direksyon naglakad. Takot din ang nakikita sa mga mata nila. Lahat ay tahimik na lalabas ng classroom at parang piping hindi makapagsalita sa amin. Ngumiti ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Bitch turn to a NerdWhere stories live. Discover now