1: Getting to Know Gone Wrong

3 0 0
                                    

Ito na, nagsisimula na akong tuparin ang pangarap ko para sa sarili ko, pero malayo layo pa ata lalakbayin ko. Dahil sa medyo demanding 'tong gusto ko, ayun, mag aaral pa ulit ako ng apat na taon. Gusto ko kasi mag doktor, pero saka ko lang napagtanto na napaka late kong nag asikaso ng mga dapat. Ayan tuloy, natataranta na ako.

Ako nga pala si Elison Valdez, Eli for short. 20 years old and a fresh grad ng BS Nursing. 5'6" lang naman height ko, kayumangi, hindi kagwapuhan pero mapag titiyagaan naman at isa akong gay. Naging madali naman sa pamilya namin na tanggapin ako gawa ng matino ako, at maasahan ako ng nanay ko. Dami niya na ding nasabit na medal sakin sa stage kaya alam kong proud siya sakin. Gusto ko talaga maging doktor, kaso ayun. Saka lang ako sinipag mag apply sa eskwelahan, yung tipong isang linggo na lang, pasukan na. Napaka irresponsable kong tao, kahit pangarap ko nagawa kong tulugan nung summer vacation.

At ayun nga, gawa ng kakatapos ko lang mag enroll, naisipan namin ng nanay ko na maghanap na kami ng dormitoryo, gawa ng malayo yung eskwelahan sa bahay, hindi kakayanin ng uwian, lalo na't nakakapagod daw ang pag memedisina.

Dahil nga late ako sa paghahanap, wala na kaming halos makita na malapit lang sa school pero pinilit pa din namin. May sasakyan naman ako pero ayoko lang talagang mapagod. Sa tiyaga namin sa paghahanap, nakakita kami ng isang dorm, condominium nga siya actually. Sabi nung may ari, magkakaron ng bakante pero sa after 1 month pa. Aalis na sana kami nung sinabi ng may ari na may pansamantala naman akong matutulugan habang nag aantay, kaso merong tao don sa kwartong yun. Bale, makikikwarto na muna ako bago makaalis yung isang tenant. Sa sobrang desperado ko, pumayag na ako, pero kinausap na muna ng landlady yung may ari ng kwarto.

Landlady and the guy:

L: Hello, Myko, good afternoon. Nancy 'to. May bago kasi tayong tenant eh inaantay pa namin si 5C na umalis sa kwarto niya pero sa katapusan pa ng buwan...
(So Myko pala pangalan niya)
Ayos lang ba kung sayo muna siya makikitulog? Ang laki kasi ng kwarto mo, kakasya naman siguro kayo don. Ikaw lang kasi ang may malaking unit na alam kong walang kasama sa kwarto.

M: Huh? Eh paano kung ayoko po? Di ako sanay ng may kasama, pasensya na.
L: Sige na Myko. Isang buwan lang naman at mukhang wala na siyang mahanap na ibang pwede. Gusto ko na din silang matulungan.
M: Sige na nga po. May isang kama pa naman don, may susi naman ako sayo pero hindi pa naman siguro ngayon lilipat?
L: baka bukas na, may pasok na to sa Lunes
(Sabado pala ngayon)
M: Sige bahala na po kayo ma'am, teka po magtatrabaho na muna po ako.
*then he hung up*

Wow akala ko mahihirapan si manang pero ang bilis lang pala. Ayun, nakahanap na ako ng tirahan at naglipat na kami ng gamit.

Kinabukasan, lumipat na agad ako. Binigay sakin ni manang ang susi ng kwarto. Medyo pagabi na din ako dumating. Pumunta ako sa 3rd floor kung saan yung kwarto. Minabuti kong kumatok muna at baka sakaling nasa loob siya pero walang sumagot. Binuksan ko na lang gamit yung susi ni manang at nagulat ako na maliban sa sobrang malaki yung kwarto, ang linis pa! Halatang mayaman 'tong Myko na 'to. Kumpleto sa gamit. May dalawang single size bed don, yung isa may mga lamang gamit (baka kama niya) at yung isa naman ay malinis. Naka puting sapin lang. Hindi ko alam kung paano ko aayusin itong mga gamit ko gawa ng medyo madami akong dala pero isinantabi ko na lang ang lahat at sinampay ang mga uniform ko sa balkon. Nasa kalagitnaan ako ng pag aayos ng biglang bumukas yung pinto, napalingon ako at nakita ko ang isang napaka poging lalaki! Ang tangkad! Tantya ko nasa 6 ft. ang height niya! Ang puti, naka long sleeves na red at pants na white. Ang linis niyang tignan. Naka salamin siya na manipis. Siya na ata si Myko. Tangina. Maglalaway ata ako sa roomate kong 'to.

Myko: Oh, nandito ka na pala.
At ayun, dinedma ako. Walang pasabi. Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Hindi na siya nag salita at kumuha ng twalya, baka maliligo. Makikita ko na ba ang hubad niyang katawan? Hihihi.

ColorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon