2: Leaving so Soon?

4 0 0
                                    


Lumipas na yung isang buwan na ginagapang ko lang yung mga gawain sa school. Halos hindi kami nagpapansinan netong roommate ko. Pag dadating siya, mag tititigan lang kami tapos parang wala nang nangyari. Hindi din kasi ako nag aaral sa loob ng kwarto namin, maliban kasi na naiilang ako sa kanya, parang hindi ako komportable na mag stay don, baka maabala ko pa siya sa tulog niya, gusto niya kasi ng "lights off" pag natutulog, eh nagpupuyat ako para sa shifting exam kinabukasan. Ni kumain sa loob ng kwarto ay hindi ko nagawa, takot ko na lang at baka pag may nakakakalat pa don, ibintang niya pa sakin. Halos hindi na talaga ako nananatili don. Ginagawa ko na lang talagang tulugan yung dorm. Pag weekend din, hindi na din ako nag stay don. Either uuwi ako sa bahay namin or mag aaral na lang ako sa labas ng isang buong araw, bahala na kung saang coffee shop mapadpad basta wag lang sa condo at weekends off pa naman siya sa trabaho niya.

Sa wakas, dumating na din yung last day of the month! Aalis na din yung nag ooccupy ng lilipatan kong kwarto. Yes! Bye bye, Myko! Di na din ako maiilang.

Sabado nun nung napag desisyunan ko nang mag impake, pwede na daw ako lumipat kinabukasan sabi nung landlady. Habang nag iimpake ako, biglang pumasok na ng kwarto si Myko galing work-out niya.

"Ah, katapusan na pala ng buwan?" nasabi niya na lang. Tinignan ko siya saglit sabay balik sa ginagawa ko. Di ko na lang pinansin at patuloy akong nag impake. 

Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumabi sakin.

"Pansinin mo naman ako. Grabe ka naman"

"Ano naman sasabihin ko sayo?"

"Ah, eh kahit ano. Ganun ba ako naging kasama nung unang araw natin para iwasan mo ako ng isang buwan?"

"Hindi kita iniiwasan, mas komportable lang talaga akong nag aaral sa labas kesa dito, saka nakikitira lang naman ako. Ayokong abalahin ka pa."

Parang nagulat siya sa sinabi ko, na hindi ko naman inaasahan.

"Paano, hindi mo naman ako kinakausap. Hindi ka naman nagtatanong kung okay lang ba ang ganto, ganyan."

Sabagay, hindi nga naman talaga ako nagtatanong. Basta di ko lang siya iniimik at baka magbigay pa siya ng homophobic remark.

"Eh, basta tapos na din. Salamat sa pagpapa stay sakin dito ng isang buwan. Magwiwithdraw lang ako sa labas ng pambayad sayo, sabi kasi ni manang, sayo daw ako magbayad ng renta."

Tatayo na sana ako nang bigla niyang hinawakan braso ko.

"Kahit wag ka na magbayad, hindi ka din naman halos nag stay dito. Okay lang sakin."

Nag insist ako. "Hindi, kailangan, nakaabala pa din ako." Tatayo na sana ulit ako pero hinila niya nanaman ako. Nakahawak pa nga pala siya.

"Hindi na nga eh. Aanhin ko naman yang pera mo."

Oo nga pala. "Mayaman" siya.

"EH BASTA." Tumayo na ako bigla, lalabas na sana ako pero bigla niya akong hinila, hiniga sa kama sabay nilock niya yung katawan niya sakin. Nabigla ako.

"Ayaw ko talaga sa lahat, yung pasaway." Sabi niya na medyo may pagkairita yung boses. Hala, eh gusto ko lang naman magbayad? Dapat nga maging masaya siya don? Hala? Napraning na si kuya.

"ANO BA. Ano bang mali sa gusto kong gawin?!" Napalakas boses ko. Abnormal nanaman siya, kairita.

Bigla siyang kumawala at tumawa ng malakas. Nagjojoke pala siya? Bwiset!

"Niloloko ka lang e!" sabay tawa ulit. Hindi ako natatawa. "Kung gusto mo talagang makabawi, inuman na lang tayo mamayang gabi. Sagot ko na. Samahan mo lang ako."

ColorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon