Ang pag-ibig ay parang isang sugal. Hindi mo alam kung mananalo ka o matatalo gayunpaman marami paring umiibig dahil baka sakali... baka sakali...
Isa dalawa tatlo apat ,apat na taon na akong nagkakagusto sayo. Apat na taon na rin akong umaasa na sana kahit isang saglit tignan mo rin ako.
Sa bawat araw na pagdaan mas lalong nahuhulog yata ang loob ko saiyo. Pwede bang saluin mo naman ako? maari bang tignan mo rin ako? Gaya ng pagtitig mo sa nobya mo.
Oo alam kong hindi na pwede!Oo alam kong imposible pero hanggang ngayon ako parin ay nagbabakasakali.
Baka sakaling magustuhan mo rin ako
Baka sakaling Makita mo rin ako
at Baka sakaling mahalin mo rin ako
Ngunit sadyang mabait sa akin ang tadhana, Tadhana na nagbigay ng pagkakataon upang tayo'y ipagtagpo ulit. Dumating ang isang gabi, Gabi na nkapagbabago sa lahat ng aking mga pagbabakasakali
Isang gabi na nagbigay liwanag sa aking mga sandali
Nakita kitang luhaan kaya ikaw ay aking nilapitan.
Bigla mo akong niyakap kahit hindi mo ko kilala. Sabi mo "Iniiwan niya ako, ayoko na pagod na ako" Dapat ba akong malungkot dahil wala na kayo? O dapat ba akong masaya dahil pwede ng maging tayo?
Ang sakit pala, na Makita kang nasasaktan dahil sa kanya
sana ako nalang sya... ang swerte niya.
Sabi mo na tulungan kita para kalimutan siya.
aatras pa ba ako? Aayaw pa ba ako? Kung ikaw na mismo ang nagsabi ng mga katagang itoPumayag ako kahit hindi ako sigurado na mamahalin mo ako
Naging masaya ako na ikaw ang kasama ko habang wala siya
Kahit alam ko sa aking sarili, na siya pa rin ang nilalaman ng puso mo.
Inalagaan mo ako, lagi kang naglalambing lagi mo akong pinapatahan sa tuwing iiyak. ako Pinaparamdam mo sa akin na ako'y isang espesyal kahit walang ikaw at ako.
"Sana ikaw nalang ang minahal ko" Iyan ang sabi mo . Ang saya ko ,ang saya ko dahil narinig ko ito mula sayo ngunit may hangganan ang lahat...
Dumating ang araw na nanlamig ka at nabalitaan ko na bumalik na siyabakit ngayon pa? kung kailan okay ka na?
Madalas na kitang nakikita, hindi na kita ramdam. Wala na akong mararamdaman.Hindi ko na yata kaya!
Kinausap kita, tinatanong kita kung anong problema?
"Itigil na natin to" Tatlong salita na nakapagbagsak ng mga luha ko. Paano na ako? Paano na tayo? Saan ako lulugar nito?
"Anong tayo ! Walang tayo" iyan ang sabi mo
Ang tanga ko ! Wala nga palang tayo, mahal mo nga pala siya samantalang ako ay isang reserba. at wala nga pala akong lugar sa puso mo dahil kahit anong pilit ko ay nandiyan na siya
Alam kong ako'y isang tanga dahil nagmahal ako sa taong hindi pa tapos magmahal sa iba.
Sana pala hindi umabot sa ganitoSana pala nakuntento na ako sa mga pagbabakasakali ko
Para hindi ako masaktan ng todo
Hindi na kita ipaglalaban dahil wala naman akong kalaban laban
Hanggang dito nalangSalamat sa Pag-ibig
kahit sa aking sarili ako lang ang nakaramdam
Paalam sa iyo, Aking mahal
Baka sakaling makalimutan rin kita, hindi man ngayon ngunit sa pagdating ng panahon.
Baka sakali...
��'
BINABASA MO ANG
Ang Walang Katapusang Tula
PoetryIto po ay pinamagatang "Ang Walang Katapusang Tula" Dahil lagi po akong magdadagdag ng panibagong Tula sa tuwing May maiisip ako.