#2 Maling Akala

14 0 0
                                    


Bakit nga ba? Bakit nga ba mahal mo ako?

Bakit nga ba hanggang ngayon ikaw pa rin at ako?

kahit hindi ko naman ramdam ang pag-ibig mo 


Bakit nga ba sa tuwing kasama kita parang hangin lang ako

naglalambing  ka lang sa tuwing kailangan mo ako 

pero nagagalit ka kapag wala akong silbi sa iyo 


Bakit nga ba mahal mo ako? 

Dahil ba walang gagawa sa assignment mo?

dahil ba walang gagawa sa tesis mo?

dahil ba walang gagawa sa report mo?

o dahil ba trip mo lang ako?


Isip ko'y nalilito 

kung ititigil ko ba ito

ngunit puso ko'y nasasaktan 

nang marinig ko ang katotohanan

na kailanman ay hindi mo pala ako minahal




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Walang Katapusang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon