Her POV

210 2 2
                                    

Nilagyan ko po ng music sa gilid ;)

-----------------------------------------------------------------------

HER POV 

Linggo ngayon. Ano pa nga ba ginagawa ko tuwing Linggo?

Magsisimba.

Tuwing Linggo parati akong nasa Simbahan.

Ganun ako eh. Naging parte na ata ng buhay ko ang pagsisimba.

At eto ako ngayon, nag-aayos ng sarili ko sa harap ng salamin. . .

Ako pala si VynnVynn de los Santos.

(A/N: Picture on the side.) 

Maka-Diyos na tao.

Naniniwala akong walang pangit sa mundo.

Mapagmahal. Mapagmahal, lalo na sa pamilya. . .

Yan lang ang kaya kong ilarawan sa sarili ko.

Hindi naman kasi lahat ng magagandang katangian eh makikita sa panglabas na anyo.

Mas importante kung sino at ano ang tunay na ikaw.

Hindi ko iniisip kung ano ang sinasabi ng ibang tao.

Magpakatotoo sa sarili. . .

Yun lang naman ang importante eh.

Wala nang iba. . .

I'm a human inlove with Jesus.

Kaya nga parati akong nagsisimba tuwing Linggo eh.

"ANAAAAKKK!"

Naputol ang pagmumuni muni ko sa harap ng salamin nang may tumawag sa'kin.

"Po?!" Sagot ko naman. Si Nanay pala ang tumawag sa'kin.

"Bakit ang tagal mo jan sa taas?! Bumaba ka na. Kanina pa naghihintay pinsan mo dito oh!" Sabi pa niya. Hayss. Nanay ko talaga.

"Opo! Sandali lang." Ayun. Nagmadali pa kong suotin yung sandals ko.

Pagbaba ko, andun na nga pinsan ko. Naghihintay sa sala.

"Ang tagal mo naman Ate Vynn. Male-late tayo sa Misa niyan eh." Pagmamaktol ng pinsan ko.

Si Ena. Mas bata siya kaya Ate tawag niya sa'kin. Siya parati kong kasama magsimba tuwing Linggo. Parang Bestfriend ko na din siya. Kami parati magkasama eh. Sa mga kalokohan at trip sa buhay. Halos lahat.

"Ang aga pa naman ah?" Sabi ko sa kanya.

"Kailangan niyo talagang pumunta dun ng maaga. Kasi inaayos yung basilica sa Simbahan kaya dun kayo sa hall magmimisa. Konti lang mga upuan dun." Biglang sabi ni Nanay.

Ahhhh. Kaya naman pala. Kaninang umaga nagsimba si Nanay kaya alam niya. Tuwing hapon naman kami ni Ena.

"Ganun ba?" Tanong ko.

"Oo. Kaya tara na Ate!" Sabi naman ni Ena sabay tayo sa sofa.

"Sige." Sagot ko kay Ena.

"Nay, alis na po kami." Paalam ko kay Nanay.

--------------------------

Simbahan (OneShot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon