Chapter 14 (Trial)

139 3 0
                                    

Chapter 14 (Trial)

Friezel's POV

DAY 2 OF BEING KESHI'S GIRLFRIEND.

At ito yung Araw na

"Aray ::>_<:: ano ba yan yoko na nga masakit sa paa " sabi ko sabay upo.

"Hoy! Tayo" sabi nya saka hinila ako.

"Ano ba pagod na ko maawa ka ang taas nito eh" saka ako nagpabigat para di nya matayo.

akala mo ah -_-

ang sakit kaya sa paa 6inch ba naman pasuot na Sandals sakin

at paglakarin ng maayos pero di naman pang model. Pang desenteng lakad lang.

"Sige na nga kawawa ka naman eh" saka nya ko binitawan.

"Mamaya magpapalit ka ng Damit" sabi nya saka tumabi sakin.

"Hah? Para san?" sabi ko saka tanggal ng sapatos.

ah nga pala nandito kami sa Room na walang tao.

At dahil Foundation day namin, nasa Baba sila at may mga booth doon.

"Sanayin mo sarili mo magsuot ng Palda"

"Eh? Yoko nga?"

"Para kay Prince? " sabi nya sabay pakita ng Damit.

"tss :/ " napayuko ako saka nilaro mga paa ko

"Kahit siguro na mag ayos ako nonsense lahat ng to. Kapatid mo ang mahal nya, and isa pa eh Napakaganda ng Sister mo compared sakin" saka ako tumingala

"Masyado kang Nega, di mo pa nga nasubukan"

"Alam mo pag alam mo na ang bagay napaka impossible talaga, panghihinaan ka. Katulad kahapon. Wala syang reaksyon ng malaman nyang tayo"

napayuko ulit ako.

"Kaya nga parang ayoko na to ituloy eh"

"Ang drama suot mo to" saka nya hinagis yung damit.

"Tss!! Ang epal mo -_-" saka ko kinuha yung damit at tumayo.

"magpapalit na ko"

saka ako lumabas na ng room.

"Ang Drama suot mo to Che -_- sipain ko pa sya eh" saka ako pumasok na ng Restroom.

at nagpalit.

lumabas ako sa cubicle at tumingin sa Salamin.

Ang ganda nung damit.

¾Shirt na kulay Red at yung palda na uso ngayon. kulay Black.

Mas maganda siguro kung ganto ipit ko.

kumuha ako ng mga hibla sa magkabilang gilid at iniwan yun saka binun ko yung buhok ko.

wow ang ganda *_*

pero mas maganda kung si Ashi may suot nito.

Ay naku makaalis na nga.

Bumalik na akong Classroom at ayun sya nagsi-Cellphone.

"Hoy! " sabi ko saka naman tumigil sya

"Ang tagal mo" sabi nya saka tumingin sakin.

"Ito suot mo" sabi nya saka hagis ng Sapatos na sinuot ko kanina kulay Red

aray ko bhiii <//3

ang taas nito eh.

Umupo ako sa Teachers table at sinuot yun.

My Beloved Vampire 2 (The Legacy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon