Baguhan at walang alam sa kultura ng isang muslim ang kagaya kong lumaki sa Maynila isa lamang akong binata na puro barkada at bisyo pangit na impluwensiya kung titingnan ng iba.
Transferee kung ako'y maituturing sa apat na sulok ng silid aralan na to na laging sinasambit ng isip ko kaya wala akung karapatan na kausapin na para bang matagal ko nang kilala ang mga magiging kamag-aral ko.
habang lumabas ang lahat para kumain ako'y parang isang tuod na di umaalis sa aking kinauupuan. marami akong gustong gawin ngunit limitado sapagkat ayokong makitaan ako ng mali ng mga kamag-aral ko. Nahihiwagaan ako sa mga kamag-aral ko na nakasuot ng balabal sa ulo mga muslim na babae pala ang mga ito at turong pala ang tawag dun. isang tela na naka balot sa kanilang ulo.
Lumipas ang mga araw na nasanay na kaming magkatabi ng aking mga kamag-aral, may napansin akong isang babae na kahit sa simula ng pagpasok ko ay nakaagaw pansin na ito. para siya pipi hindi nagsasalita di siya madalas lumabas gaya ng iba parang may sariling mundo kumbaga. sa araw-araw na pagpasok ko pinagmamasdan ko siya ngunit ganun pa din siya, parang di ko kaya ang ginagawa niya.
Maganda at maputi mataas ako ng kaunti sa kanya at mahinhin siya. kaya di nagtagal ay napa-ibig ako sa kanya. nagtanong ako sa mga katabi ko kung anung pangalan niya
"ARIESHA" sabi ng katabi niya. napangiti ako mukhang hindi common at ngaun ko lang narinig ang pangalang iyon.. dahil may kasanayan ako sa pag dodrawing ginawan ko siya ng lettering.
Kinabukasan.
Birthday Celebrants pala siya sa buwan ng June. kaya naman pinapunta sila sa harap kabilang siya. di ko inaalis ang paningin ko sa kanya at napansin niyang titig na titig ako sa kanya, minsan iniisip ko na suplada siya kasi di siya namamansin ng siya ang una.
Mahal ko na siya sabi ng isip ko dahil bihira lang akong makakita ng babaeng katulad mo.
Kaibigan niya pala ang katabi niya nagtagal na din ang pagsasama nila kaya naman ako tinatanung ko ang katabi niya at RANA ang pangalan nito
"RANA puwede ko bang malaman ang mga gusto at hindi gusto ni ariesha? sabi ko.
oo naman sabi ni rana. at isinulat niya sa papel.
hindi alam yun ni ariesha na may pagtingin na ko sa kanya si rana lamang ang nakakaalam nun at halatang-halata niya sakin. nung nalaman ko ang lahat ng mga detalye niya ay agad akong nanligaw. araw-araw akong nagpapapansin sa kanya pag cleaners sila tutulong ako kahit na inip na inip na sa kakahintay ang aking tiya sa labas ng paaralan.
Araw-araw akong gumagawa ng kaaya-aya sa paningin nya ngunit parang walang epekto sa kanya.
Kaya lumipas na ang ilang araw ,linggo at buwan di pa din niya ramdam ang mga ginagawa ko kaya naman kinausap ko na ang kabigan niyang si rana.
"RANA mukhang nasasayang lang naman ang mga effort ko na magpapansin sa kanya at pagod na din ako para kasing ilang na ilang na ko" sabi ko
wag pagpatuloy mo lang dudz sabi ni rana..
bakit naman? sabi ko.
"basta" sabi ni rana. at napaisip ako.. 3 buwan na akong naliligaw simula pa nung july ngunit wala pa ding resulta
hanggang sa ginanap ang Science Camp namin September 28 2012 sinubukan kong sabihin kung ano ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya parang kumpleto ang buhay ko pag nanjan siya at sinabi ko sa kanya ang lahat ng laman ng puso ko at agad niyang ginantihan ang pag sabi ko na ...
puwede bang maging tayo? sabi ko.
"Oo" sabi niya