Chapter 2.

127 6 0
                                    

Asher's POV

Its already Monday. Ang bilis ng oras. Kung kailan lang naging birthday ni Andrea, tapos may pasok na agad. Puta.

Nagd-drive ako ngayon patungong school. Ang aga ko kasing nagising. Nakakabadtrip alam niyo yun?

Pinark ko agad yung kotse pagkadating ko at bumaba na.

Naglakad na ko patungo sa classroom ko. Wala naman kasi akong tropa dito. Nakakatawa diba? Kaya lang naman ako inimbita ni Andrea sa birthday niya kasi nagkita kami sa coffee shop malapit sakanila. Kaya, ayun. Pinapunta niya ako sakanila.

Ayaw ko sa mga tao. Di ko gusto yung pinapalibutan ako. Basta. Isa din yun sa mga rason kung bakit wala akong katropa. Marami namang gustong makipagkaibigan sakin pero dahil ayaw ko, hindi ko sila pinapansin.

Masama na ba ako kung ganun? Sorry. Hindi talaga kasi hilig sa mga tao.

Pagkapasok ko sa classroom, andun sina Sedric at Karlo. Tangina, ang aga naman ng mga to. Nakakabwisit.

"Magandang umaga tol." Bati ni Sedric sakin pero hindi ko siya pinansin. Bahala siya diyan. Alam naman niyang di ko din ugaling mamansin.

"Aba, ang aga-aga pa tol ganyan ka." Sabi naman ni Karlo na nakaupo sa tabi ko. Nakakainis talaga tong mga to. Dikit ng dikit sakin. Nababakla na ata sa kagwapuhan ko eh.

Kinuha ko nalang yung libro sa bag ko at nagsimulang magbasa. Nakakabanas tong dalawang to eh. Baka sakali makalimutan kong andyan sila pag magbasa nalang ako dito.

"Sed, nandyan na si Alexandria o." Rinig kong bulong ni Karlo. Sus, mga chickboy. Tss.

Lumingon ako saglit para tignan kung sino at nakita ko yung babae sa party. Alexandria pala pangalan niya. Ngayon ko lang siya nakita. Kaklase ko pala siya. Wala kasi akong pake sa mga kaklase ko. Sila Sedric at Karlo lang ata ang mga kakilala ko dito eh.

Ay teka, ano bang pake mo Asher? Putek magbasa ka nalang dyan.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa pero hindi ko na maintindihan. Kasi naiilang ako na ewan. Puta naman oh.

Binaba ko yung libro at ibinalik nalang sa bag ko. Ngayon ko lang to naramdaman eh. Nyeta.

"O, Asher, ang ganda niya diba?"

"Manahimik ka nga Sedric. Ingay mo."

"Nagagandahan ka nga sakanya?" Singit naman netong si Karlo.

"Tss." Oo maganda siya pero, shit. Ano na bang nangyayare sayo Asher? Putek.

Alexandria's POV

Wala pa pala si Julianne. Panigurado late yun.

Ay shet. Yung lalake ba yun sa party? Yung nagbabasa ng libro?

Pero teka, bat ngayon ko lang siya napansin? Bulag ata ako eh. Kaklase ko pala siya. Hahaha.

After 10 minutes na nakaupo dun sa seat ko, dumating si Juls. Sakto naman ding dumating si Mrs. Rodriguez. Ang first subject teacher namin ngayon na Math ang tinuturo.

Bumati kaming lahat sakanya at nagsiupuan pagkatapos.

Nagdiscuss lang siya hanggang sa matapos ang time niya. Hindi ako nakinig. Mag-aaral nalang ako sa bahay nasa libro naman yung mga sinasabi niya eh.

"Class dismissed." Sabi niya at kinuha ang mga gamit niya sa teacher's table at umalis na.

Recess na namin. Ang dali lang no? Haha.

"Tara Juls." Sabi ko kay Julianne na nagliligpit sa mga gamit niya.

Lalabas na sana kami ng may biglang bumangga sakin.

Yung lalake sa party. Tangina neto ano yun?

Hindi man lang nagsorry, dumiretso lang sa paglakad. Nyeta.

"Ayos ka lang girl? Yaan mo na yun. Tara na sa canteen." Sabi ni Juls at hinila na ako. Ang hilig niya talagang manghila. Psh.

Fast Forward: Dismissal.

Uwian na. Wala namang masyadong nangyare sa araw na to. Puro discussion lang. Amp.

Naglakad na kami ni Julianne patungong waiting shed. Dun kasi kami sinusundo. May driver kami of course. Ayaw ni Daddy na magcommute ako. Si Julianne din, di pinapayagan.

Pagdating namin dun, andun na agad yung sundo ni Juls. Pero akin, wala pa.

Nagbabye si Julianne sakin at tuluyan nang umalis.

Umupo ako sa bench at kinuha ang cellphone ko. May nagtext, si manong pala.

From: Manong.

1:30pm

Iha, hindi ako makakasundo sayo ngayon. Umuwi kasi ako dito sa probinsya. May sakit kasi ang anak ko. Makisakay ka nalang kay Juls sabi ni Sir.

Hala, kanina pa pala nagtext si Manong. Tanga ko naman kasi eh bat di ko chineck kanina. Pucha.

Ano na gagawin ko? Magcommute? Hay nako.

Naglakad nalang ako palabas ng gate nang may biglang bumusina sa tabi ko.

"Anak ng!" Sigaw ko.

Binaba niya ang window at sinabing, "Sakay."

"Demanding mo po. Wag na." Sabi ko at naglakad muli. Nakakainis siya, seryoso.

"Sasakay ka o magco-commute ka?" Aba, stalker ko ba to o ano?

Sumakay nalang ako. Wala akong choice. Mukhang di naman niya ako irerape. At pagabi na din. Nakakatakot na magcommute.

"San bahay niyo?" Tinuro ko sakanya kung san amin at binaba na niya ako sa tapat ng bahay namin.

"Salamat." Sabi ko at akmang bababa na. Shet naman to, kala ko gentleman. Tss. Sinara ko yung pintuan ng kotse niya ng malakas. Sus, nakakabwisit yung lalakeng yun. Oo, gwapo siya. Pero nakakainis siya.

____

Eh? Short update ulit. Babawi ako sa mga susunod na chapters. Promise ko yan.

#pobtkn para makita ko mga feedbacks niyo. Thanks.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perks Of Being Tanga.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon