CHAPTER II : Monday Madness!

68 3 0
                                    

“Oh noooh! Im soooo late!!”  bakit kasi nakipag eyeball pa ko kagabi! Patay na naman ako sa office nito.

Lakad

Takbo

Lakad

Takbooooooooo

Sa wakas nakarating din sa sakayan As usual ito na naman po ako sa aking

 ANG PINAKA TOP TEN EKSENA  NA DI MAWAWALA SA JEEP:

1.       “O Dalawa pa dalawa pa” sigaw ni kuyang hip hop and damit. Me nakitang possible passenger, “ate,ate, dalawa nalang po aalis na, kabilaan pa o mga nasa loob pang siyaman po yan, usog usog lang, kunting ipit lang, upong otso lang po!”. Hala si kuya pang pitohan nga lang ang jeep nia, grabe naman makadagdag ng pasahero kahit langgam mag wo walk out sa loob eh.

2.       “Ma, bayad po” sabay abot, si ateng malapit sa driver dedma lang, kunyari di nia nakikita ang kamay mong nanginginig na sa pag abot ng bayad. Invisible daw kaya no reaction. tsk tsk tsk.. sarap batukan!

3.       Bagong sakay si ate, wow tumutulo pa ang buhok di obvious na fresh from the shower lang, sabay halungkat sa bag, oopss there you are! Magic suklay. Suklay suklay habang walang paki sa katabing nakasimangot na dahil feeling nia umaabon sa loob ng jeep! Bongga! Hep hep hep, wait lang, di pa tapos, ooopss daming falling hair, I wonder kung anong shampoo nia, dapat pantene para less hair fall.

4.       “Para po”, isa pa, di ata narinig ni kuyang driver, “para po!” aba’t! “manong para daw po!!! Nag churos na sa loob, Haay tenk you naman at naisip niyang ihinto ang jeep kung kelang mga 5 buiding na ang nalagpasan o kaya naman lagpas na ng isang kanto. Bat kaya ganun noh, kung kelan ka pumapara saka naman bibilisan ang andar ng jeep. Ka badtrip!

5.       “Miss pede pong pausog?” titingin lang, then dedma, ay teh! jeep mo?!

6.       Haay sarap ng hangin, sabay ano tooooo??!! Nyay! Ang buhok ni ate, gustong pumasok sa ilong koo. Sarap gupitan! Alam ko bagong rebond ka pero pede bang ipitin kahit saglit lang, nag sa sight seeing ako eh

7.       Pasahero: “Ma, bayad palingke lang po galing quiapo” Driver:” Saan to?” Uulitin ulit ni pasahero yung sinabi niya. Sabay tanong ulit ni manong driver “saan daw?” kaw na bingi! Gggrrr!

8.       Pasahero: Para po! Drayber: Sandali lang po me mga buwaya (MMDA) baka mahuli tayo. Pero ang totoo ipapara niya kung san mas maraming sasakay, haay naku si kuya talaga, tas sasabihin pa “ o mga bababa diyan bumaba na bawal ng mag baba sa kabila. Ang mga pasahero naman mag sisibabaan habang umaandar ang jeep ni kuyang excited nang maka tawid dahil nakita niyang madaming nag aabang. Papalusot pa!

9.       Ok Fine, alam ko gusto ni kuya ng music lalo na ang mga rap tulad ng stupid love ng salbakuta pero sana naman eh yung sakto lang ang volume diba hindi yung tipong pati puso mo luluwa na sobrang lakas ng togtog

10.   Woohoooo! Idol ata ni manong driver si  James bond kung makapag patakbo ng jeep kala mo me pakpak, at kung makapreno kulang nalang mag kumpulan kaming mga pasahero nia sa unahan eh, makikita niya tuloy me space pa. which is not good dahil mag tatawag ulit siya ng bagong pasahero. Utang na loob na yan!

*STAR PUBLISHING COMPANY*

Andiyan na kaya si sir?

Sana wala pa... mukang maaga pa naman ang pasok nun ngayon kasi wala siya nung Friday.

“Late ka naman teeeeh!” bungad sakin ni melay

“Traffic kasi eh” palusot ko habang binababa ang bag ko sa desk at binuksan ang computer

Finding Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon