Chapter 1

5 0 0
                                    

"Oh natapos mo na ba yung homework mo?





Tinitigan ko lang si daddy bago dumiretso sa ref at kumuha ng tubig. Dire diretso kong tinungga ang laman niyon bago ako muling bumaling sa aking ama na kasalukuyang nagluluto.



"Eh pano naman ako makakatapos saksakan ng ingay nila kuya. Ala kabang pasok dad?"  Lumapit ako sa kanya para tignan kung anong niluluto nya.







"Meron actually. Tinatapos kolang muna ito papasok nadin ako after. Ngumiti pa muna sya sakin bago binalik ang tingin sa niluluto.


"Nasan po ba sila manang at bakit kayo ang gumagawa nyan?







"Inutusan kong mamalengke para punuin ng stocks ang ref. Patapos narin naman ito anak.


"Ang swerte talaga namin sayo dad. Biruin mo businessman na cook pa. I'm sure proud na proud si Mommy sayo dahil nagampanan mo ng sabay yung pagiging daddy at mommy namin."





Napangiti naman si daddy at dina sumagot pa. Kinindatan kolang sya at saka dumiretso sa ref. Kinuha ko ang ballpen at sticky notes sa ibabaw neto at saka nagsimulang magsulat.





Nang matapos e kinuha ko ang cellphone at earphones ko sa bulsa. Saka ko sinaksak sa tenga at nagpatugtog. Bitbit ang note na sinulat ko e dali dali akong umakyat ng hagdan.




Bago makarating sa kwarto ko e madadaanan ko ang kwarto ng kuya ko kung san nagmumula yung ingay na kanina ko pa naririnig.


"Peste. Psh.






Binuksan ko ang pinto. Napatigil sila sa paglalarong ginagawa at napatitig sakin. Tinitigan ko ang kuya ko na nasa gitna at nakatitig din sakin bago ko pinasadahan ng tingin lahat ng kasama nya. Nakangiti ang pinsan kong si Max ng madaanan ko ng tingin at seryoso naman ang nga kaibigan nila bago binalik ang tingin sa screen ng tv.





"Dika talaga marunong kumatok bunso. Tsk.






Hindi kona pinansin ang sinabi ni kuya at dali daling dumiretso sa screen ng tv at dinikit ang note na hawak ko. Pinasadahan kopa silang muli ng tingin na halatang nagulat sa ginawa ko bago mabilis na lumabas sa kwartong yon at bumalik sa kwarto ko.



"Siguro naman matatahimik na sila nyan tss.. -_-







Pabagsak akong nahiga sa kama at pumikit habang patuloy na nakikinig sa earphone na nakasalpak padin sa tenga ko.


Ako nga pala si Alex. Tss. Fine Alexandra Joaquin Beaumont. 3rd year Highschool. Lumaki akong puro lalaki ang nakapaligid sakin. Yes. Puro lalaki. Mag simula sa daddy ko na nagpalaki samin. Yung kuya ko dalawang taon lang ang tanda sakin. Yung pinsan ko na dito nadin lumaki simula nung maulila sa magulang. And Oh! Kasama rin pala sa eksena yung mga kaibigan nila kuya na kababata nila. Si kent, Aki, at shohei.






Bata palang magkakaibigan na sila. Isang taon ang tanda sakin ni max at ayaw nya rin magpatawag na kuya. Si kent, Aki, at shohei ay diko din tinatawag na kuya dahil ayaw din nila. Ganun paman sanay nako na nasa paligid lang sila.






Nasa iisang village lang kami at halos dito na sila tumira dahil araw araw mula pagpasok sa school hanggang bago matulog e hindi sila naghihiwalay. Nung bata pa kami e panay silang magkakalaro. Kung minsan sa bahay namin kung minsan kela aki. Noon hindi ko sila makasundo dahil nga iisang babae ako kaya diko sila makalaro sa larong gusto ko. But then  nung tumagal. Natutunan kong mag adapt. Hindi umaalis ng bahay si kuya pag dinya ko kasama kaya naman palagi nya kong bitbit san man nila trip maglaro. Kaya naman wala din akong choice kung masanay. -_- 







Dating these Five Kings 👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon