Sa hindi malayong babuyan ay may nakatirang baboy na pinaka kilala sa kanilang lugar . Siya ay bobby, isa siya sa mga pinaka magandang baboy sa lugar ng piggyland, halos hindi sila nagkakalayo ng itsura ni Bea Alonzo na si bobby sa " Four Sisters in a wedding" Isa sa mga paboritong pelikula iyon ng nanay niya at noong ipinagbubuntis sya kasama ang sampu niyang kapatid ay nanonood ang nanay niya ng palabas na iyon at nung sinabi ni bea na si bobby ang linya neto na " BAKIT AKO, BAKIT PARANG AKO ANG MAY KASALANAN" at don biglang sumakit ang tyan ang nanay ni bobby at biglang lumabas siya sa sinapupunan ng nanay niya at sabi ng nanay niya, " BOBBY! BOBBY ANG IPAPANGALAN KO SAYO AKING UNANG ANAK". Oo tama ka sa iyong nabasa panganay si Bobby sa sampung magkakapatid, at nagiisang lalaki naman ang bunso nila, Oh Diba parang sisters in a wedding lang. Doon ata naglihi ang nanay ni Bobby, dahil buong pagbubuntis nito ay yon ang pinapanood niya mapa araw mapagabi, mapaalmusal , tanghalian o gabihan at ito ang pinapanood niya dahil idolo din ng nanay niya yung nanay na bobby.
Sa kabila ng kagandahan ni Bobby ay may angking kasipagan din ito, sobrang sipag niya bahay at lalo na sa eskwelahan. Medyo hindi naman ganon katalinuhan si Bobby pero ang kasabihan na pinanghahawakan niya " Mas talo ng masipag ang matalino" kata nagpupursige ito sa pagaaral.Sa kabilang dako naman ng sasagingan ay makikilala niyo naman ang isang matsing, siya ay si Matteo. Hindi kagwapuhan si Matteo, isa lang siyang normal na matsing sa kanilang lugar pero may angking kalakasan na hindi mo naman aakalain. Panganay na anak si Matteo sa tatlong magkakapatid. Siya ang pinaka inaasahan ng kanyang ina simula noong iwan sila ng kanilang ama.
Iyon ang pinaka masakit na nangyari sa buhay niya noong iwan siya nung isa sa mga mahalagang tao sa buhay niya. Mahal na mahal niya ang tatay pero bigla nalang nagbago ang lahat noong minsan niyang nakita ang tatay niya na may kasamang babae. At hindi lang isa, hindi lang dalawa at hindi din tatlo kundi APAT. APAT NA BABAE sa magkakaibang araw at LIMA naman kung kasama ang nanay nila. Sobrang galit ni Matteo nung pang limang araw nung dumating ang tatay niya na parang boss na walang kasalanan.
"HOY MATTEO! Wala ka talang silbing bata ka! ano nauubusan na tayo ng saging dito ano na kakainin ko ha!!!" pasigaw na sabi ng tatay nito
"Sige tay ako na walang silbe sa bahay na to, pero hindi naman ako babaero!!!" pasigaw na sigaw din naman Matteo.
"WALANG HIYA KA...." Akmang hahampasin ng tangkay ng buwig ng saging si Matteo ngunit sinalag naman ito ng nanay niya at lumampasay ito sa sahig sa lakas ng pagkakahampas nito.
" NAAAY!!" sigaw ni Matteo at agad na tinulungan ito tumatayo
" WALA KA TALAGANG KWENTANG TATAY! BABAERO KA PA! ALAM MO TAY KAKAGAWA LANG NUNG PINTO PINA LAWAKAN KO ANG DAANAN. MAKAKAALIS KA NA!" GALIT NA SABI NI MATTEO!!!
(a/n : nadadala ako mga besh si matteo ang angry ha)
" ANAK ANO BA TAMA NA ! WAG MO NAMAN PALAYASIN TATAY MO!!!" Sigaw naman ng nanay niya
" HINDI MO LANG KASI ALAM NAY PANG LIMANG BABAE KA NA NG TATAY KONG YAN!!! TAMA NA PAGPAPAKA TANGA NAAAAYYY!"
Sagot naman ni Matteo.
****FREEZE***At noong araw din yon naghiwalay ang tatay at nanay ni Matteo. Masakit pero ganon talaga wala tayong magagawa dahil may mga pagkakataon na kung hindi para sa atin ay hindi yon ang para sa atin kasi nga hindi iyon ang nakatadhana nga diba medyo magulo di ba? pero hayaan niyo mas susubukan kong maging malinaw sa inyo kung paano nabuo ang pagiibigan ni matsing at ni baboy.
BINABASA MO ANG
Ang pag iibigan ni matsing at ni baboy
HumorPag-iibigan na walang papantay. Magkaibang klase ng hayop na ipinagtagpo pero hindi itinadhana. Ang pag- iibigan na minsan lang dumating sa kanila ngunit hindi iyon ang panahon na para sa kanila. Ang pag-iibigan bang ito ay may pag-asang mabago ng...