2 years passed at ganoon na ganoon parin ang sistema ng buhay ko...
Biglang dumating ang pinsan kong epal...(as in epal talaga)gusto nya nasa kanya ang atensyon ng lahat gusto nya sya ang laging pinupuri ng mga tao sa paligid nya....puro kamalditahan lang din naman ang nakikita sa kanya...aaminin ko na may pagkamaldita ako pero kahit ganoon ay di ko pinapakita sa iba sa maldita ako ang akala nila ay mabait,masunurin,mahinhin,matalino ako ..pero ang totoo ay nasa loob di ang aking kulo....
Aaminin ko na sa halos mag tatlong taon na kami dito ay ..masasabi kong kilala ko na ang mga ugali ng mga pi san at mga tito at tita ko...
Minsan binubully nila ako at ang mga kapatid ko...
Mag isa lang ako sa bahay na kumakain ngayon dahil pumunta sa bundok sila mama kasama ang dalawa kong kapatid at maya maya pa ay pumasok ang pinsan kong lalaki(2 taon ang agwat sa edad ko) na animoy nasaniban ng masamang spirito na galing sa tabi tabi....
..nagulat nalang ako ng bigla nya kong bugahan ng kain na nginuya nya galing sa bibig ko..at bigla syang tawa ng malakas....
Umalis agad sya ng makita nya na mapunta na ng bahay ang mama nya...agad akong tumayo at nagsumbong sa mama nya....
Tita si kuya kent po binugahan ako ng kanin galing sa bibig nya..!!
Sumagot naman agad si kuya kent at sabi pa nya na sinungaling ka nandito nga lang ako tas lumapit ka tas binugahan mo ko ng nasa bibig mong kanin..!!sagot nito sakin na ipinapagtanggol ang sarili...
Bigla nalang akong sinampal ni tita kasi daw nagsisinungaling ako.....at kahit kailang daw ay napaka sinungaling kong bata...lahat kasi ng gingawang pambubully sakin ay binabaliktad nila kaya ako ang nagmumukhang kawawa......
Pumasok ako sa kwarto at inilock ko ang pinto at doon ako sa kwarto iyak ng iyak.......
Malamang papaluin nanaman ako ni mama mamaya kasi magsusumbong si tita kay mama...Dumating na nga sila mama at papa kasama ang mga kapatid ko...at sinabihan agad si mama ni tita...
Dali dali akong nagkumot ...at naiyak nanaman ako ng bigla kong maramdaman na may kahoy na dumampi sa balat ko..napa balikwas ako sa subrang sakit..si mama ...may hawak hawak na kahoy at animoy papatayin na ko sa kapapalo...
Di na nakatiis si papa sa kaiiyak ko at inawat na si mama na nanggagalaiti na sa galit...habang iyak ng iyak naman ako ay nakita kong tinatawanan ako ng pinsan kong bully at sa bawat patak ng luha ko ay ikinatutuwa nya pa..
BINABASA MO ANG
Hope?
Historical Fictionit is about love,hope and sacrifice... i know na marami ang makakarelate nito specially yung may mga hinanakit sa mga magulang at mga mahal nila sa buhay...i hope na magustuhan nyo ang aking kakaibang istorya....sana makapulot din kayo ng aral..