Chapter 1

1.6K 13 4
                                    


Chapter 1: Thirdy

"Tara Clar! Punta tayong club, you know chill chill lang, dahil natulungan mo si Sir Martin na magclose ng deal! At take note sasama si Sir Martin!" Hamak na empleyado lang ako sa kompanya na MLT(Martin Louie Trenov) pero nakatulong ako namakapag-close ng deal dahil nakita ako ni Sir Ralph, iyong kausap ni Sir Martin habang sila'y magkasamang kumakain sa cafeteria ng kompanya.

Kung saan nandoon din ako habang nandoon sila.

Ang naaalala ko lang ay tinuro ako ni Sir Ralph at ang sunod na alam ko ay lalabas kami sa susunod na araw. Iyon ang kapalit para sa kung anong deal man para sa kompaya ang kanilang pinaguusapan.

"Hindi ako papayagan ng Kuya ko." Sabi ko at nginitian siya. Ngunit humalakhak ito. "Club hindi ka papayagan? E makikipagdate ka nga kay Sir Ralph sa isang araw!"

"Iyon nga ang problema ko. Alam kong magagait si Kuya alam mo naman iyon." Inayos niya ang mga kalat sa parte niya sa cubicle at pagkatapos ay hinarap ang upuan niya saakin sabay prenteng sumandal doon.

"Hmmm?" Sumingkit ang mata nito sabay tayo at minasahe ang likod ko.
"Sa condo ko nalang kaya ikaw kapag susunduin ka ni Sir Ralph!" Napailing ako. Pilit niya akong pinagtutulakan sa Ralph na iyon.

"Bakit gusto gusto mo iyong Ralph na iyon?" Inis kong tanong dito. Komportable ako sakanya kaya kahit anong ekspresyon ko ay sa tingin ko okay lang dahil close kami.

"E kasi ang gwapo talaga ni Sir, myghadd!" Tumili ito at niyugyog ako. Tama siya. Kung gwapo si Sir Martin ay lalong mas gwapo naman si Sir Ralph!

"Sumbong kaya kita sa Kuya mo?" Agad na lumaki ang mata ko at hinarap siya. "Wag!"

Pinisil niya ang magkabilaang kong pisngi at nag-'peace sign'

"Joke lang!" Napatingin ito sa likod ko at kumaway kung sino man ang nandito.

"Good day, Sir Martin." Mabilis na humarap ako sa nasa likod ko din. "Goodafternoon, Sir!"

Bumati ng pabalik ito at pumamewang.

"Sigurado ka ba namakikipag-date ka doon para lang pumayag iyong ulikbang iyon?" Mahina akong napatawa dahil sa tawag niya kay Sir Ralph. Kalat sa buong kompanya na matalik na mag-kaibigan ang dalawa pero nakapagsunduan pa rin nila na pagusapan ng maayos ang pagpapatayo ng mga stall ng produkto na binebenta ni Sir Ralph sa mga Mall ni Sir Martin dahil 'Business is business' daw ika nga.

Kahit hindi sigurado kung makakalusot ako ay itinango ko nalang ang ulo ko.

Nagpasalamat ito ng marami saakin at nagpaalam na para bumalik sa trabaho.

••

"Pagod?" Napalingon ako sa kakadating lang na si Kuya na nakasabit pa sa likod niya ang bag. Kakauwi lang siguro nito galing sa school.

Napukpok ko ang ulo ko ng marahan. Malamang. Dahil nasa likod pa nga nito ang bag niya, ang boba.

"Kumain ka na?" Tanong nito sabay baba ng backpack sa lapag at hinalikan ang noo ko.

"Ang baho mo, Kuya!" Angal ko ng lumayo ito saakin.

Tumawa muna ito bago sumagot sa angal ko. "Ang dami kong studyante na may putok. Dikit ng dikit saakin kaya lumilipat amoy nila saakin e." Ngumuso ito saakin at inamoy niya din ang sarili niya.

Gumusot ang mukha nito sabay hinubad ang suot niyang uniporme sa school at hinagis ito saakin.

"Kuya!"

••••••

"Hoy, bata. Gising!" Ramdam ko ang pagyugyog ng kung sino kaya napamulat ako at tinignan kung sino ito. Malamang, si Kuya dahil iyon lang naman ang kasama ko dito.

"Di na ako bata." Tinaasan ako ng kilay nito at inantay ang sunod kong sasabihin.

"May date na nga ako sa isang araw eh." Tumalim ang tingin nito saakin sabay hawi ng buhok niya na magulo.

"Ano? Tama ba ang naririnig ko?" Mas lumapit pa eto sa kinauupuan ko, nasa bandang dulo na ako ng kama habang siya ay nasa gitna.

Pumulupot ang braso niya sa baywang ko para suporta saakin para hindi mahulog.

"Yes, kyah. Inaya ako e." Sagot ko dito at pinitik niya ang ilong ko.

"Hindi pwede! Bago ka tumanggap ng mga aya aya sa date na yan, siguraduhin mong alam muna ni kuya, umayos ka Clarity."

Hindi ito incest.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Possessive BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon