Arjhay'sPov.
Iniwan ko na sila... iniwan ko na yung pangalawa kong pamilya. Hindi ko alam yung gagawin ko ngayon
Hinahanap ko yung van namin, nang makita ko yon. Pumasok na ko, nakita nung iniistart ko. Parang may tao sa likod.
Nilapitan ko yon... at nakita ko... si... si... si Ericka na may tama sa tagiliran ng baril. Binulungan ko sya. "Ericka! Ericka! Gumising ka." Dinilat nya yung mata nya, may sinasabi sya pero di ko marinig. Nilapit ko pa sa tenga ko yung sinasabi nya.
"Yung lalaki... kunin mo... sa bahay nya... yung garapon... walang laman... nandun yung... yung mga kaluluwa ng pinatay... nya dati. Pakawalan mo sila... para makaligtas ka. Makaligtas kayo...." habang sinasabi nya yan, pumipikit pikit na sya at tsaka may dugo na lumalabas sa bibig nya.
"Bago mag alastres... ng umaga... kailangan napakawalan mo na sila... kung hindi... mamatay kayo..." and with that, pumikit na sya ng tuluyan.
Hinawakan ko yung pulso nya. At yung gilid ng leeg nya sa may tenga.
Wala ng pumipintig. Wala ng tumitibok. Wala ng Ericka yung grupo :(.
Bago ko umalis, hinalikan ko sya sa noo.
"Hindi masasayang ang buhay mo, babawi ako. Babawian ko sya." At tsaka ako lumabas ng van, at nagdahan dahan ako. Walang kaluskos akong ginagawa.
Kailangan makarating ako sa bahay nya. Kailangan ko maipaghiganti si Ericka! At ang ibang barkada kong pinatay nya!!
Dinaanan ko ulit yung pinagtaguan namin ni Beverly. Wala na sya. Pero may iniwan syang sulat.
"Sa bahay nya. Sa unang kwarto sa kanan. 2:35am." Alam na kaya ni bev ito? Sana...
Papunta palang ako, may nakita akong nakaupo doon sa may likod ng bahay. Nilapitan ko, inaaninag ko nabuti. Si... SI RALPH!!!
"Ralph! Bat nanjan ka?! Ikaw lang magisa?!! Halika na!!! Umalis na tayo dito. Ayoko mamatay" sabi ko sa kanya.
"Ralph ano ba?!!" Nakaupo pa din sya, yung paa nya, isa nakabaluktot. At dun nakapatong yung siko nya. At yung isang paa nya. Nakadiretso pa.
"Ralph!!" Kalabit ko sa kanya. Ang lamig na nya... tinulak ko sya...
At bumulagta sya ng... walang puso.... at dumudugo yung mata nya. Pero wala na syang mata.
Napatakbo ko sa nakita ko!!! Bat kailangan mangyari samin to.
Tumakbo na ko sa loob ng bahay, pagpasok ko dahan dahan lang ako.
Nang nasa may dulo ako ng hagdan may nakita akong dalaga na nagtatago sa orasan. Yung may palawit sa ilalim? Yung tumutunog pag12:00 am na. Bastaaa!!!
"Pagiging isa ang kailangan nyo para hindi nya kayo magalaw. Isang butas lang ang makita nya, tiyak may mamamatay." Nakayuko sya ng sinasabi yon. At tsaka humarap sakin.
Napakalungkot nang mukha mya, umiiyak sya ng dugo. Yung isang mata nya nakatahi. At yung kabilang pisngi nya. May hiwa.
"Tara, sumama ka. Ipapakita ko sayo." Sumunod ako sa kanya.
Naglakad kami papuntang underground. Di ko alam na meron pala sya nito sa bahay.
Pagbaba ko! Nalito ko, morgue ata to?! Ang daming patay na nakahiga. Napalingon ako sa kanya nung nagsalita sya.
"Lahat sila, ganyan din ang ginawa nya. Kinuhanan ng puso at kaluluwa. Kailangan namin makamit ang hustisya. Hindi kami matahimik hangnng buhay pa sya." Paliwanag nya. Lumingon ulit ako sa mga patay, mga kaluluwa na kaharap ko. Lahat sila humihingi ng tulong.
"Gusto ko kayong tulungan. Pero pano?" Tanong ko.
"Dalin mo sila dito, sasanib kami sa katawan nyo. At kami ang makikipaglaban sa kaniya." Sabi nung isang ale.
Kinuha ko cellphone ko, gumagana pa. Kahit nabasa kanina.
Nagconference call ako sa kanila. Si Bev, Rhai, lang ang sumagot.
"Sa bahay. May kailangan kayo malaman. Kung nasan kayo, magiingat kayo. Ngayon na." Binaba ko na tsaka ako tumingin sa kanila.
"Pwede ba na gabayan nyo sila habang papunta dito? Ayoko na mawala pa ang isa samin. Nakikiusap ako."
Tumango yung babaeng kausap ko at tsaka umallis na yung iba.
"Ako yung mahal na sinasabi nya. At ayun ang nanay nya." Sabi sakin.
"Pinatay nya kami, nang malaman nyang magmamadre din ako tulad ng nanay nya. Hindi sya naniniwala sa panginoon. Matagal na syang patay. Binubuhay lang sya ng demonyo sa katawan nya." Paliwanag nya.
"Pano gagawin mo mmya?" Tanong ko.
"Kailangan ko muna syang makausap. Inay, tara na. Nanjan na sila." Sabay kaming umakyat pabalik. Nakita ko na sila Bev at Rhai. Takang taka sila.
"Hihiramin nila ang katawan nyo para makausap sya. Pagbigyan nyo na, ayoko pati kayo mawala." Sabi ko nang naiiyak.
"Ha? Wala akong maintindihan!" Sigaw ni rhai ng naiinis.
Hinawakan sya ni Bev sa kamay na parang pinapakalma.
Tumango na silang dalawa sakin.
"Umupo kyo." Umupo naman sila, siguro nakikita na rin nila to dati pa.
And with a second, nawalan ng malay yung dalawa. Bigla silang tumayo ng bumukas ang pinto. Nilabas non ang lalaki.
"Magtago ka." Sabi ni Rhai. Sa ibang boses na.
BINABASA MO ANG
You Need To Listen Before It's Too Late. (editing)
ParanormalThere's a rules need to follow. If you don't... WELCOME TO THE HELL.