Ang kulit mo!

505 17 1
                                    

A/n Ate bebangloves dedicate ko na naman po sa inyo sana magustohan niyo ^_^

(c) All Rights Reserved 2014, Ren_Ren12

"Makulit ako kasi.... gusto ko na sa'kin lang attensyon mo." - Ria

*

"Ilibre mo na kasi ako!"

"Ria wag kang makulit!"

"sige na kasi lilibre mo lang ako yun lang tapos!"

"sabing may pupuntahan ako! ang kulit mo!"

"sasama nalang ako!" habol ko sa kanya kasi binilisan niya lakad niya.

"Ililibre nalang kita tara"

"Yehey!" nagtuturo akong kung ano anong chitchirya binili naman niya nag palibre rin ako ng soft drinks

"Oh nalibre na kita, aalis na ako diyan ka na" at tumalikod na siya pero nag salita ulit ako

"Pwedeng sumama?"

"Ang kulit mo!" sabi niya at naglakad na ulit at hindi na siya tumingin pa ulit.

Ewan ko bigla nalang akong naluluha. Umupo nalang ako sa tabi yung mga nilibre niya sa'kin tinabi ko nalang. Ano ba kasi meron bakit ayaw niya sumama ako? :(

May nakita akong dalawang batang pulubi.

"Bata! sa inyo nalang oh" sabi ko lumapit naman sila at kinuha na nila yung nilibre sa akin pati soft drinks binigay ko na rin

"Salamat po! ate bakit po kayo umiiyak?" agad ko naman pinunasan, uumiyak na pala ako.

"ah w-wala napuwing lang sige kunin niyo na gamit na iniwan niyo dun baka mawala pa eh" sabi at ngiti sa kanila

"Ate salamat po ulit tsaka nga po pala hindi bagay sa inyo umiyak ang pangit niyo po ngiti lang kayo maganda po kayo!" at tumakbo na sila

Pinunasan ko ng maigi ang mata. Tininan ko reflection ko sa cp ko yung mata ko mugto na agad? agad agad? binuka buka ko naman yung mata ko at pinunasan para hindi mashado halata at tumayo.

To: Rio

Rio! Magandang gabi kumain ka na ha :)

Sent

Tinext ko agad siya ng makauwi ako gabi na rin kasi pero hindi siya nag reply kaya tinext ko ulit.

To: Rio

Kumain ka na ba?

Sent

"Ria! kakain na halika na"

"Opo nandiyan na" tininan ko ulit cp ko kung may text siya pero wala hayy.

"Ma masama po ba maging makulit?" tanong ko kay mama

"Tanong mo si Papa mo" huh?

"Papa masama po ba?" tanong ko kay papa

"Tanong mo kay mama mo" huh??

"Ma masama?" tanong ko

"tanong mo kay papa mo"

"Pa ano!?" naiinis na ako ayan na naman kasi sila nag papasahan -__-

"Hehe sorry anak, anak kasi hindi masama maging makulit may iba't ibang klase ng kulit kasi yung isa yung kulit na kinaiinisan yung isa naman kulit na kinai-inloveban di'ba hon?"

"Siyempre yung kay papa mo pinag halong kulit na kinaiinisan at kulit na kinai-inloveban di'ba hon?"

"Ayan na naman po kayo pasahan"

Ang kulit mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon