Chapter 9: Sorting Ceremony

21 1 0
                                    

Naging maganda ang mga bagay bagay. At nalalapit na ang Sports Fest ng school namin. At kung may pasikat sa sports fest, I'll tell you, si Melissa un. Lagi syang nagpapaepal sa sports. Sosolohin nila ang volleyball court dahil sa tingin nila silang magagaling lang ang maaaring maglaro. Pero sa totoo lang... Grabe... *sighs in disappointment*... She don't even know how to spike. Pero... Pass ako sa volleyball. Di lang talaga ako marunong magserve. Pero. Hilig ko talaga manuod at magcoach. Mahilig talaga kasi ako manuod ng sports tulad ng BasketBall, VolleyBall, Badminton, Soccer at American Football. Pero unti lang dun ang mismong nilalaro ko. Badminton. Basketball. Volleyball. At Goalkeeper ako kapag naglalaro ng soccer.

"As usual. Hahatiin kayo sa apat para sa Sports Fest. May apat tayong teams. At yun ay mga Greek Gods." sabi ni Sir Jay, Teacher ng MAPEH.

"Sir bakit nga ba Greek Gods?" tanong ni Melissa.

"Ay hinde kung gusto mo palitan natin. Slytherin, Gryffindor, Ravenclaw at Hufflepuff na lang. Harry Potter lang ang peg di ba???" Sa tingin ko talaga. Sa tingin lang naman ha. May grudge at kumukulo ang dugo ni Sir sa kanya simula pa noon. Isang beses nahuli siang nakikipagkopyahan kaya yun. Bagsak siya. "Red para sa Team Eros. Violet para sa Team Hades. Yellow para sa Team Zeus. At Blue naman para sa Team Poseidon. Last year. Team Eros ang nanalo kaya sana galingan nio naman maglaro para may thrill. Kris sumali ka ha!" sabi ni Sir. Dati napunta ako sa Team Zeus at second lang kami kaya nakakafrustrate. NagSecond ako noon sa Badminton singles. Naglaro din ako ng Volleyball at sobrang nakakahiya yun dahil mali mali ang serve ko. Aaminin ko mahina ako sa service sa kahit anong laro. Buti pa ang basketball walang service.

"Oy Rae. Absent pala si Nix no?" tanong ko habang kumakain kami ng lunch. "Oo. Ngayon mo lang napansin. Grabe ka... Ilan bang turok ng anestisia ang nakuha mo?" sagot nia.

"Bakit? Manhid ba ako?"

"Hayy. Salamat nagets mo!"

"Hindi kasi ako tanga."

"Ano? Manhid lang."

"Pano naman ako naging manhid?" "Hindi mo ba alam ang nararamdaman nia."

"Ha?"

"Ay pisti kang damuho ka!!!!! Manhid ka yata talaga. Gusto ka ng taong binabalewala mo. Tapos nung niyaya ka niya lumabas kahapon ang sinabi mo "Ay next time na lang may lakad pa ako." Tapos nakita namin ni Nix na kasama mong umuwi si Kris. Ano to telenobela na parang aso't pusa lang ang peg. Anong pagbubulag-bulagan yan teh??? Pakiexplain..."

"Aba! So sinusundan nio pala ako. At tsaka aksidente lang yun. Hindi naman sinadya na magsabay kami ni Kris pauwi. Tsaka paano ko naman malalaman ang feelings nia kung di siya magcoconfess. Higit sa lahat ayoko sa mga Torpe!!!" "Sa tingin ko si Nix ay naghahanda na sa Sports Fest. Baka magulat ka at di mo makilala si Nix bukas." I turned away. Bakit? NagpaAmbush MakeOver ba ang lalaking un.

"Uy nakapost na doon sa Board um mga team natin." sigaw ni Kate. Kaya bumalik kami sa room ni Rae. At doon nakita namin ang:

Team Eros

Abby Meneses

Vanelopee Vasquez

Mico Parks

Justin Hendrix

"Sinong nagtype? Mali spelling ng pangalan ko!!" sabi ni Van. At sabay kaming sumagot ni Ria ng "Who cares..." without emotion.

Team Zeus

Ria Hendrix

Bryan Imperial

Kate Torres

Jinky Hwan

Team Hades

Melissa Harper

Andrew Wright

Kris Raven

Juliette Yamamoto

Julienne Yamamoto

Team Poseidon

Spike R-ex GTronix Cruz

Sky Herreira

Jonathan Sparks

Ethan Moran

Raeli Yllava

Dae. Anong kalokohan to! Bakit nasa Team Hades si Kris. For all I know ang Team ni Hades ay parang Slytherin dito. Alam mo God of Death kaya medyo bad. At may bad image ang team na iyon dahil madugas sila. Pero teka lang. Bakit JR hindi buo ang pangalan samantalang ung kay Nix walang mali. Aba teka. Siya siguro nagtype nito!!!

Sana okay lang si Nix at di siya nagkasakit at di siya umabsent ng matagal kasi siya lang makakausap ko tungkol sa video game at anime.

The Fallen One (Love in the Sky)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon