Partners?

18 3 0
                                    

Pumasok na ko sa school, at syempre, late na naman ako. Pero miracles do happen nga raw, di ako naabutan ng teacher namin. Oh di ba? Ang galing ko?

"I've prepared an activity for all of you. I've picked partners to perform a song later. Sorry kung biglaan, kailangan lang talaga eh. Hindi lang naman ako ang involved dito, pinag-meeting-an namin ito ng ibang teachers at faculty members. So, I'm gonna read their names. First pair, Ms. Villamia and Mr. Salazar. Please come forward. Ms. Reyes and Mr. Escaño. And the last pair, Ms. Gonzales and Mr. Austria. Alam naman kasi naming lahat dito, na kayong anim ang mga magagaling sa music or let's say, sa pagkanta. Pero kung may gustong sumama, feel free to tell me later after your classes. Class dismissed."

*Sa Canteen*

"Huy, girl, kanina pa yata sunod ng sunod itong si Jazz satin, ah. Hindi mo man lang ba siya tatanungin kung bakit?" Bulong ni Kelly habang humahanap kami ng puwesto na kakainan.

Tumango na lang ako at nilingon si Jazz.

".... Tungkol sa kanta. A-anong kanta?" Tanong niya sabay kamot sa batok niya.

"Hindi mo manlang ako hinintay na makakain. Give me your phone number. O kaya chat na lang." Sagot ko at naupo na. Nagpipigil ng tawa si Kelly, baliw yan e.

"Sige, ako na lang magcha-chat sayo. Sorry naman." Sabi niya tapos tumakbo na paalis. Weird.

Sumisipsip ako ng softdrink nang napatingin ako kay Kelly. Iba na naman ang trip nito, insanity attacks.

"Uy, Ghaile ha, may paganon-ganon pa." Sabi niya tapos tinaas-baba pa yung kilay niya.

"Ano?" Pagmamaang-maangan ko. Alam ko namang inaasar ako nan eh, ayoko lang sabihin, baka isipin niya pa na totoo talaga yun.

"Wushuuu!!!!! Kunwari pa. Ayaw pa sabihin eh kanta lang naman yun, bigyan mo lang ng song kailangan pa sa chat? Hmmm.... I smell something, bes ha?" I told you, mangaasar po siya.

Umiling na lang ako. Hay, nakaka-miss tuloy si Felix. Si Felix, kaibigan ko. Na naging ka-ibigan, pero iniwanan ako.

Hindi naman niya ako iniwanan para sa iba, iniwanan niya ko.... P-para sakin.... Nevermind, ayoko nang alalahanin, naiiyak na ko.

"Ghaile, alam kong siya na naman ang iniisip mo. Hay, ikaw talaga. Ubusin mo na nga muna yan. Huwag mo munang isipin yun." Sabi ni Kelly, na pinapakalma ako.

Supposed To Be With YouWhere stories live. Discover now