Puno ng luha ang mata ko habang nakatingin sa larawan ng aking mama at papa. Pareho na silang wala.
Kahapon ay inilibing na si papa at ako ngayon ay andito sa apartment natinirhan namin ni papa ng mahabang panahon.
Dati ay kahit kaming dalawa lang ni papa ay maingay dito ngayon daig pa nito ang bagong gawang bahay sa sobrang tahimik.
Mabilis ko tinanggal ang mga luha sa aking mata ng may magdoorbell. Tumayo na agad ako at dumiretso sa pintuan para buksan ang ito at bumungad saakin ang isang matandang babae
"Ikaw ba si Desiree Alcantara? Ang anak ni Alfredo Alcantara?" Tanong nitong nakangiti
"Ako nga po ano pong kailangan niyo?" Nakakunot noo kong tanong
"Ikaw pala yan hija! Pasensya na at ngayon lang ako hija galing kasi akong probinsya condolence pala, bago yun saakin ka pala hinabilin ng iyong ama. Kaya hija mag impake ka na aalis tayo sa Loud House ka na titira at lilipat ka na din ng paaralan." Nakangiti pa rin nitong sabi lalo akong naguluhan sa sinabi nito
"Hindi ko po kayo maintindihan?" Bigkas ko na lamang sa gulat sa mga sinabi nito
May kinuha ito sakanyang bag at binigay saakin
"Ayan ang patunay ko na saakin ka hinabilin ng ama mo ito ang sulat na sinabi niya na ibigay ko sayo!" Sabi nito at inaabot saakin
Walang sabi sabi ay kinuha ko ito at binasa nakasulat doon ang pamamaalam ni papa at ang tungkol sa paghabilin niya saakin kay Mrs.Dorothy Salvador walang duda kay daddy yun. Alam ko ang sulat ni daddy at kung paano ito magsulat.
Naiyak na lang ako habang nag iimpake ng gamit aalis na ako sa bahay kung saan ko nakasama si papa kung saan madami kaming ala ala
"Pa , Ako pa rin ang iniisip mo kahit may sakit ka na. Mahal na mahal kita papa" bulong ko sa hangin habang tinitingnan ang kabubuan ng bahay ngayon may panibagong buhay ako kasama ang matanda
Ngayong wala na si papa dapat masanay na ako dumepende sa sarili ko at hindi sa matanda yun ang sabi niya kaya simula ngayon ay mag iigi akong mag aral at maghahanap ng part time job para hindi nakakahiya kay ma'am dorothy
Pero hindi ko inaasahan ang mararanasan ko sa puder ni ma'am dorothy--sa loud house.
BINABASA MO ANG
Loud House
Teen FictionMasaya at maayos ang buhay ko kahit si papa lang ang kasama ko pero isang pangyayari ang babago sa buhay ko. Nagkasakit ang papa ng cancer at sa edad na 17 ay naulila ako wala na din ang mama ko dahil namatay ito pagkasilang saakin. Pero isang mata...