Chapter 1

14 2 0
                                    

Huminto ang sinasakyan namin ni ma'am dorothy sa isang malaking bahay muka itong mansyon o mansyon talaga ito?

Binuksan ni ma'am dorothy ang pintuan hindi ko alam pero may swinipe lang siya sa may gate at bumukas na ito

Sumunod naman ako kagaad kay ma'am hindi naman ganon kalayo ang bahay ni ma'am dorothy sa gate kaya agad namin narating ang pintuan napansin ko na ang lawak ng kanilang hardin may maliit pa ngang water fountain bukod doon ay puno ito ng magagandang bulalak parang paraiso ang lugar na ito

Muli ay may swinipe si ma'am dorothy sa may pintuan ang isang card at bumukas ang pintuan

Muntik ko na mabitawan ang bagahe ko sa nasaksihan ko sa loob

Ang gulo at ang dumi ng loob kung gaano kaayos at kaganda ang labas iyon naman ang kabaligtaran ng loob

Nandaming nagkalat ng balat ng chichirya sa lapag na sa tingin ko ay galing sa matabang busy sa pinapanood niya sa cellphone niya nakahiga pa siya sa babang bahagi ng hagdanan kung maayos siguro ay masasabi kong ang ganda ng hagdanan parang sa mga napapanood ko pero ang kalat e.

Bukod pa run ay nakita ko ang apat na lalaki na naglalaro ng kung ano sa TV may mga hawak silang controller at nagsisigawan pa sila makalat din sa parte nila dahil andaming mga unan na nakakalat sa sahig at inaapakan lang ng nagdadaan

Maliban doon ay may isang batang babae na busy sa mga coloring book niya na nakasalpak sa sahig na to the point na pati ang sahig ay nakulayan na

Napansin ko din ang isang babae at lalaki na naghahabulan may hawak na kutsilyo yung babae habang yung lalaki may hawak na chopping board

Nakarinig din ako ng isang napakalakas na music mula sa itaas ng bahay

May isang babae naman na nakaupo sa isang upuan na busy sa pagmamanicure kasama ang isang babaeng nagmamake up

Hindi lang iyon may lumabas ata mula sa kusina na lalaki na madusing at may kasamang batang lalaking umiiyak

at ang matindi naghahabulan ang tatlong lalaki na may hawak na mga laruang baril yung may bala

Nakagat ko ang labi ko sa nasaksihan ibig sabihin ba ay dito ako titira? Kasama nilang lahat?

"Okay okay! Pumunta kayong lahat dito!" Sigaw ni ma'am dorothy pero mukang wala silang narinig at busy sa mga kanila kanilang gawin

Nakita ko tumaas ang kilay ni ma'am dorothy at mukang naiinis na

"ANG SABI KO LUMAPIT KAYO DITO!" sobrang lakas nitong sigaw dahilan para matigil ang lahat

Napalunok ako dahil sa sigaw ni ma'am dorothy ilang segundo din namayani ang katahimikan bago sila nagkukumahog na lumapit saamin

"Mammy Dorothy! Hindi ka nagsabi uuwi ka pala!" medyo maarteng wika ng babaeng kanina ay nagmamanicure

"Yeah! Mammy Dorothy why not tell us?" super arte naming wika ng babaeng kanina ay nagmamake up

"Biglaan lang to!" wika ni ma'am dorothy at nagpalinga-linga na parang may hinahanap

"Asan yung iba?" tanong ni ma'am dorothy sakanila

Nagtinginan mo na silang lahat bago nagsalita pero wala ako maintindihan dahil sabay sabay silang nagsalita

"I see" tumatango tangong wika ni ma'am dorothy

Hindi ako makapaniwalang napatingin sakanya naintindihan niya yun?

Pero ibig sabihin ay meron pang iba ako makakasama bukod sa mga to

"May ipapakilala pala ako sainyo. Bago niyong makakasama si Ms. Desiree Alcantara " Wika niya sabay turo saakin

Ngumiti ako ng tumingin sila saakin lahat

"Hello. Sana maging kaibigan ko kayo." Wika ko tsaka ngumiti

"New?" medyo patanong na wika ng lalaking may hawak na chopping board "Pwede na!" nakangising wika nito at kininditan ako

Nakita ko naman ang babaeng kasama niya yung humahabol kanina sakanya na iaamba na saksakin siya pero naiharang niya ang chopping board

"MANYAK KA! PAPATAYIN KITA!" sigaw ng babae at muling sasaksakin siya

"Don't worry baby di naman kita ipagpapalit" wika ng lalaki tsaka tumakbo naulit nagblush yung babae pero mabilis din nawala at hinabol ang lalaki

"No wonder. Sila magkakatuluyan." Nangingiting wika ng isang lalaki na madusing na may hawak na batang lalaki

"Ipagdadasal ko gabi gabi si Kyro kung ganon" wika naman ng isang lalaki na kanina ay naghind ko alam

"Ako na bahala sa kabao!" Wika naman ng isa sa apat na naglalaro din kanina

"Kawawang kyro!" Naiilang na wika naman ng isa

"Clark dalhin mo na si Desiree sa magiging kwarto niya at baka mahuli ako sa flight ko papuntang california" Napatingin ako kay ma'am dorothy na ngayon nakashade na at parang reyna na lumabas ng bahay

"Hay nako! Ilang buwan naman kaya mawawala si Mammy?" nakangusong wika ng babaeng kanina nagmamanicure

"Ms.Desiree tara na" napalingun ako sa lalaking madusing na may hawak na baby boy

Tumango ako at binuhat ang bagahe ko tsaka sumunod sakanya pataas ng bahay sinundan naman ako ng tingin ng dalawang babae tsaka umirap

huh? para saan naman yun?

Nakarating kami sa pinakadulo na may sign board ang isang pintuan na Desiree Alcantara

"So , Ms. Desiree ako nga pala si Clark at itong buhat buhat ko ay Dion" pakilala nito pati sa kasama niya "Kung may tanong ka man wag kang mahiyang magtanong ang kwarto ko lang naman ay diyan" Sabay turo niya sa isang kwarto

Hindi nga malayo may isang pagitan lang saamin

ganto kasi yun ako yung dulong kwarto

Desiree | Kyline | Clark

"Salamat Clark" Nakangiting wika ko tsaka yumuko

"Walang anuman sigena magpahinga ka na bukas ko na ipapakita sayo ang buong bahay mukang pagod ka na din naman" Nakangiting wika nito tsaka nagpaalam na umalis

Nagmawala siya sa paningin ko binuksan ko na ang pintuan pero nagulat ako ng pagbukas ko ay malakas na bumukas naman ang nasa tapat kong kwarto

Unti unti ako lumingon na sana pala ay hindi ko ginawa

Dahil ISANG HUBAD NA LALAKI ANG TUMAMBAD SAAKIN

"AHHHHH!" sigaw ko tsaka tinakpan ang muka ko

"What?" Nagtatakang tanong nito

Ohmygulay! Anong problema nitong lalaki na to? Bakit siya lumabas ng ganyan!

"Feeling virgin isn't?"

"WHAT?" ako naman ang napawhat sa narinig ko ngunit hindi pa rin inaalis ang aking kamay sa pagkakatakip sa mata ko

"Tsk. What a boring woman!" Rinig kong sabi nito bago ko narinig ang pabalang na pagbagsak ng pintuan

Unti-unti ko binuksan ang mata ko at thanks god! Wala na siya mukang pumasok na siya sa kwarto niya

What the hell is wrong with that guy?

------

A/N : YEHEY AFTER SO MANY YEARS NAGKA CHAPTER 1 DIN

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loud House Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon