MY BEST FRIEND'S HEARTBEAT Part 2

7 2 0
                                    

MY BESTFRIEND'S HEARTBEAT (Part 2)
( BEATween you and me)

Araw-araw ang pagdalaw ni Miguel sa akin. Ito daw ay base sa mga nakasulat na hiling ni Ey. Hawak nya kase ang Diary nito. Ewan ko ba bakit ngayon ay ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Pero yung utak ko ay nagtatambling na di pwedi yan, di pwedi yan. Mali yan. Tandaan mo yan ang lalaking ayaw na ayaw mo para kay kambal.

Ngunit sa bawat pag-ngiti nya ay parang natutunaw ang puso ko. Este ang puso ni Ey. Tama puso nga pala ito in Ey kaya ganun na lamang ang pakiramdam ko sa bawat pagkislap ng kanyang mga mata, sa bawat ngiting kanyang tugon sa aming kwentuhan.

Napako ang kwentuhan namin sa Diary ni Ey. Araw-araw ay binabasa namin ito para maramdaman naming kasama namin siya at siguradong hinding hindi namin siya makakalimutan.

Aba, may tinatago palang kaadikan tong kambal ko. Bawat araw na lumilipas ay kanyang ipinupunas ang tinta ng ballpen niya sa manipis na papel ng kanyang Diary. Bawat hibla ng mga pangyayari sa amin ay nakatitik dito.

FEBRUARY 12, 2002

Dear Kitty, winasak ng pinakamamahal kong kaibigan ang pag-asang inaasam ni Aldrin. . . .

Josko! Para naman akong kriminal sa bawat paglalarawan ni Ey.

Si Aldrin ang kauna-unahang naglakas loob na manligaw sa akin. Ayun, syempre busted. Di man pwedi eh. Di pwedeng kumerengkeng, baka agad ma dedo.

Pero bilib ako kay Aldrin. 2 years ang suyo. Diba ang haba ng baba ko? Este ng split ends ko pala. Pero sinabi ko naman sa kanya ang aking kalagayan. Pero ayun, todo effort parin. Ewan ko ba manhid ba ako o talagang takot lang mamatay at di maramdaman ang kanyang bawat pagsuyo.

Nahalata ko ang pagkabagot ni Miguel kaya siya muna ang aking pinagkwento.

Kinwento niya kung paano niya sinuyo si Ey. Kung paano sinaktan at nakatanggap ng pangalawang pagkakataon upang buuin ulit ang naudlot nilang kwento ng pagmamahalan.

Grabe, ang alam ko puso ang ibinigay ni Kambal. Bakit parang ako mismo ang naiisip ko sa bawat sambit ng mga kataga ni Migs. Sa araw-araw niyang paghatid sundo kay Ey. Sa mga pachocolate at paflowers sa mga monthsary. Ramdam ko ang kilig na sa tanang buhay ko ay ngayon ko lamang naramdaman.

Ganito pala ang tinatawag na kilig. Nang mga panahon kasing sinabi ng Mamang Nakaputi na di ako maaaring umibig ay itinapon kuna sa hukay ang salitang kilig. Kaya siguro di ko yun maramdaman sa pagmamahalan nila noon maging kay Aldrin.

Pero bakit ganito. Ayoko ng nararamdaman ko. Kwento lang ito. Bakit nadadala ako. Kwento lang ito. Bakit nadadala ako. Nadadala ako. Nadadala ako.

Kasabay ng pag-agos ng mga salita, ay siyang pagtulo ng kanyang mga luha. Itinulak ako ng aking puso na yakapin siya. Mahigpit. Mahigpit. Madamdamin. Mabango. Aba ang bango niya.

Pasensya na Pau. Namimiss ko lamang talaga sya.
Ang kanyang mga mata. Titig. Labi. Ngiti. Tawa. Halaklak. Siya. Buong siya.

Alam kong ayaw mo sa akin. Sa araw-araw na paalala sakin ni Audrey. Pero sana bigyan mo ako ng chance na makaclose man lang kita para sa kanya. Yan ang pinakatangi nyang kahilingan. Ang maging tayong magkaibigan.

Yakap ang tangi kong nagawa ng mga oras na yon.

Paglabas na paglabas ko sa Hospital ay dinalaw namin ang puntod ni Audrey.

R.I.P
AUDREY MAE F. HERNANDEZ
JULY 6, 1995 - DECEMBER 25, 2017

Pagtangis. Madilim. Malungkot. Sakit. Hapdi. Ito ang mga isinisimoy ng hangin habang pinagmamasdam ang kwadradong ito.

Isang buhay ang nawala. Isang buhay ang nadugtungan. Hindi ko buhay ito. Buhay natin ito. Ramdam at ramdam kong si Ey ay nasa aking katawan. Puso lang ibigay mo pero buhay ko ang dinugtungan mo.

Sa pagpanaw ng mga malalamlam na mga kandila nilisan namin ni Miguel ang lugar na iyon. May pangako para kay Ey magiging matatag kami at magkakasundo magpakailanman.

Larawang nakaguhit. Madilim. Magulo. Nakasasakit ng ulo. Ganyan kung titignan ang utak ko para kay Miguel. Simula palang ata nang high school kami ay ramdam na niya ito. Eh papaano, imbis na kami lang ni Ey ang magkasama sa lakaran ay nakikisingit pa siya. Imbis na kami lang ni Ey ang magkasama sa tawanan ay nakikisingit pa siya. Imbis na kami lang ni Ey ang masaya ay nakikisingit pa siya. Oo. Tama. Wasto. Tumpak. Isa siyang malaking singit sa aming dalawang kambal. Kaya siguro kahit kaano siya kalapit kay Ey ay di ko kayang isingit siya sa buhay ko kasi isa siyang hadlang. Balakid. Bakod. Pader sa kinabukasang inaasam namin ni Ey. Ngunit ngayon. Kinabukasan ko nalang. Ang pinakamatalik kong kaibigan ay tuluyan ng lumisan. Lumisan sa gitna ng kawalan. Lumisan at iniwan akong walang kasiyahan. Lumisan at iniwan akong walang masasandalan.

Pintig, pintig, pintig. Sa salamin ako ay tumitig. Bakas sa mukha ang inindang pighati. Umupo. Sumandal. Humiga. Aking ipinikit ang aking mga mata. Sa aandap-andap na liwanag ng buwan. Ako ay dinalaw ng lumbay. Kasabay ng paghalik ng mga talukap ng mata sa isat isa. Aking binaybay ang mundong puno ng pangarap.

Maliwanag. Masaya. Puno ng tawanan. Biglang ay humawak sa aking kamay. Malambot. Malamig. Ang aking kambal. Nakangiti. Maganda. Maaliwalas ang bukas ng mukha. Tinabanan niya ang aking mukha. Nagsambit ng mga katagang aking ninanais. Nagpaalam. Nagyakapan. Napuno ng kapayapaan. Nilasan ako ni Ey ng bukas sa kanyang puso. Nilasan ako ni Ey at ipaintinding kaylangang bumangon. Ngumiti. Ang buhay ay hindi pa tapos para sa akin.

Bagong buhay. Bagong pag-asa. Bagong hinaharap. Bukas marahil, aking nasambit sa kanya. Bukas. Bukas. Bukas.

Kasabay ng pagtilaok ng manok. Mga mata ay di na nagmumukmok. Ngiti sa labi ay nabanaag. At bagong mukha ang makikita.

Paula! Paula! Paula!

Tinig na nagmula sa labas. Sino ang bumigkas?

End of Part 2

My Best Friend's Heartbeat (Part 2)Where stories live. Discover now