Chapter Four: Ninth Unit
Feeva's Point of ViewNakarinig ako ng isang malakas at sunod-sunod na sigaw ng mga babae kaya napabalikwas ako sa kama ko at napaupo.
Anong nangyari? Ang aga-aga ang ingay-ingay. Ganito ba talaga dito? Hay!
Kahit magulo ang buhok ko at wala pa akong pangtoothbrush at hilamos ay lumabas ako ng unit ko at tinignan ang ground floor mula dito sa 14th floor.
Nagsilabasan rin ang ibang mga babae sa kaniya-kaniya nilang mga unit at sumilip sa ilalim.
Nagkukumpulan silang lahat sa lobby pero sa iisang direksyon lang sila nakatingin. Sa kanlurang bahagi ng looby area.
May ibang mukhang nabigla, nagaalala at yung iba ay sumisigaw sa kaba at takot. Marami rin ang umiiyak na mukhang nagdadalamhati.
Mukhang may pinagkakaguluhan ata sila sa baba. Ano kaya yun? Bakit ganyan ang mga reaksyon nila?
"Kawawa naman si Veronica"
"Oo nga. Sayang, maganda pa naman sya tapos matalino at mabait pa"
"Tingin mo, sino kayang pumatay sa kanya?"
"Di ko alam eh. Walang clue ang iniwan, malinis ang pagkagawa ng krimen"
Narinig kong naguusap yung dalawang babaeng kakaakyat lang. Malamang galing na sila sa ilalim.
Krimen? Patay? Anong pinagsasabi nila? Yun bayong pinagkakaguluhan nila sa ibaba? Who's Veronica?
Nang makita kong dadaan yung dalawang babaeng naguusap sa harap ko ay tinanong ko sila.
"Excuse me?" Panimula ko kaya agad silang tumigil sa pagsasalita at paglalakad. "Oh, the new recruit. Bakit?" Sabi nong babaeng nasa kaliwa. "I just want to asked kung anong nangyari sa ibaba?" I asked na parang nagaalangan pa.
Nagkatingin silang dalawa at napawi ang ngiting nakaguhit sa kanilang labi kanina.
"It's Veronica Finley, the girl who owned the unit 9. She got killed yesterday evening and no clue left behind" malungkot at nangangambang sagot nong babaeng nasa kanan. "Yeah. That's why, until now, wala paring suspect about the incident. Wala nga ring lumilitaw na witness eh" may halong pagkadismayang dagdag nong babaeng nasa kaliwa.
Wait?! Killed last evening? Unit 9? Di kaya yung pumasok at lumabas kahapon ang serial killer? But, what happened was too fast. Hindi panga yun lumagpas sa isang minuto eh. Imposibleng mangyari yun...pero may chance na baka sya nga yun. Yung taong iniwang naka bukas ang pinto ng 10° degree.
"May kilala ba kayong naging kaaway nya?" Muli kong tanong sa kanila. "Sa pagkakaalam namin wala. Veronica is so charming and kind kaya imposibleng masangkot sya sa anumang gulo". Sagot nong nasa kanan. Mukhang siguradong-sugurado sya sa mga sinasabi nya.
Tumango-tango lang ako habang nagiisip ng tanong para makakuha ng clue.
"Ang alam lang namin, sunod-sunod na patayan ang nagaganap sa campus ngayon. 8 na ang binawuan ng buhay and Veronica was there latest victim" muli nyang sambit na naging dahilan ng pagkaguli ng utak ko.
8 dead?! For pete's sake, sinong hayop ang gagawa ng ganon klaseng kasalanan?! Sabi ko na ngaba may kakaiba sa school nato!
"Oo nga. Kaya nga nagtataka kami kung bakit mo naiisipang magaral dito" diretsong sabi nong babaeng nasa kaliwa at kinagat nya ang lower lips nya.
"K-kasi, dito lang ako natanggap and I didn't know what's happening here" nagtagpo ang dalawang kamay ko sa mga sinagot ko. Ewan ko pero kinakabahan ako.
BINABASA MO ANG
Weissert University
ActionKahit sino ay mayroong kanya-kanyang sikretong tinatago, bawat pook ay mayroong misteryo, lahat ng bagay ay may estorya-Welcome to Weissert University. Entering in this school is another way of suicide. Watch your back, coz you might be fooled. Don...