CHAPTER NINE part 3

6K 136 2
                                    

“Ate ang ganda mo!” Bulalas ni Cyrene matapos niya itong ayusan. Halos hindi siya makapaniwala na ganoon pala talaga ito kaganda, lalo na kapag naayusan ng bongga. “Wow!”

Tumingin sa salamin si Tasha. Napansin niya ang mga luha nito kaya malakas na tumili siya.

“Ate naman eh! Isang oras ko kayang pinaghirapan 'yan.” Reklamo niya.

“Kasi naman 'eh! bakit ganito ako kaganda?”

Napangiwi siya sa pagiging overacting nito.

“Kung ayaw mo ibigay mo na lang sa akin ang ganda mo, baka sakaling hindi pa masayang.” Inirapan niya ito matapos niyang damputin ang burger na hawak niya.

Ako na ang matakaw…..

Kahit siguro ipaubos sa kaniya lahat ng mga pagkain na sa kwarto niya ay hindi siya mabubusog. Kailangan niyang mailipat sa ibang bagay ang atensiyon niya dahil ayaw niyang umiyak at malungkot.

Kapag natitikman niya ang pagkain ay nakakalimutan niya ang sakit sa dibdib. Pero kapag nalunok na niya iyon ay bumabalik ang sakit kaya wala siyang magawa kundi kumain ng paulit ulit. At kahit lumobo pa siya ng bonggang bongga ay wala na siyang pakialam.

Aanhin niya ang mababang blood sugar kung mismong tamis ng pag ibig ay hindi naman niya magawang pakinabangan?
Muli niyang sinulyapan ang ate niya. Umiiyak pa rin ito kaya napapalatak siya.

“Ate Tasha, huwag kang magtaka kung habang namamaga ang mukha mo ay kumakalat na rin ang mascara sa buong pisngi mo. Sige na maghilamos ka na, okay lang kahit pinaghirapan ko 'yan. Uminom ka na rin agad ng gamot sa allergy para hindi ka na mangati sa make up mo.”

Hindi ito kumilos at panay lang ang tingin sa salamin habang umiiyak.

Daig pa si Ate Shawie kung magdrama!

“Cyrene, papaano kung sakaling humingi ng sorry sa'yo si Lanter? makikinig ka ba?”

Parang pinilipit ang puso niya sa tanong nito.

Hay buhay! bakit ba kahit na anong pilit niyang kalimutan ang sakit at idaan sa pagkain ang lahat ay hindi pa rin niya magawang magtagumpay?

Maya’t maya ay may nagpapaalala pa rin sa kaniya ng sakit na nararamdaman niya.

“Hindi ko alam,” Mabigat ang pakiramdam na sagot niya. “Sobrang namimiss ko na siya sa totoo lang. Pero anong magagawa ko? Hindi ko naman siya pwedeng pilitin kong ayaw niya sa akin 'diba?”

Tumayo siya sa bintana para alamin kung naroon pa rin si Lanter at ang pinsan nito. Kanina kasi ay nakita niya ang mga ito sa bakuran nila kaya nga mabilis na isinara niya ang bintana. Pero dahil hindi niya mapigilan ang sariling silipin itokaya hindi na siya nagdalawang isip pa na hawiin ang kurtina ng bintana sa kwarto niya.

“Kung alam mo lang kung gaano ako sobrang nasasaktan ngayon. Idinadaan ko ang lahat sa pagkain, pero ang totoo niyan nawiwindang at umiiyak rin naman ako. Pero hindi ko magawang ipakita sa inyo dahil ayoko ng ganoon.”

Sumulyap siya sa labas. Kumabog ang dibdib niya nang mapansin niyang naroon pa rin sa bakuran nila ang magpinsan. Napasinghap siya nang mapansin na kasama ng mga ito si Clyde.

Natutop niya ang dibdib matapos niyang makita ang ginagawa ng mga ito.

“Ay diyos ko!” Bulalas ni Cyrene.

“Bakit?” Napatayo ang ate niya sa pagkagulat.

“Ate! sila Clyde at Lanter, may balak yatang sunugin ang bahay natin!” Natatarantang sigaw niya.

MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon