CHAPTER 2

565 8 0
                                    

M I K A ' s  POV

"Babe, sorry kailangan ko tong gawin"

May kurbang babae ang kumakausap saakin, sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero di ko magawa! Anong nangyayare!?

"Babe, I know sasabihin mong kaya natin tong labanan, kaya natin tong lagpasan, pero..."

Di ko man makita ang buong mukha niya, kita ko mula sa coffee colored niyang mga mata ang sakit na nararamdaman niya.

Sa kakatitig ko sa mga mata niya, di ko namalayang umiiyak na siya kung di lang pumatak saakin ang mga luha niya...

"I love you so much Babe, I love you so much na kaya kong isakripisyo ang sarili kong kasiyahan kasi para lang sayo...."

Tumigil siya sandali sa pagsasalita ang pinunasan ang kaniyang buong mukha dahil siguro basang basa na ito dahil sa mga luha niya.

Bigla siyang ngumiti saakin, yung ngiting pinaparamdam niya na isa kang napakahalagang tao na dapat ingatan in the same time eh sakit. Gusto ko siyang yakapin, at sabihing everything's going to be alright pero di ko magawa...

"I'm willing to sacrifice my world, and my life para lang sayo. I'm willing to sacrife my love for you babe kung para lang rin sa ikakabuti at ikakasaya mo. Remember this babe, I love you always Mika Aereen Reyes..." tumaaa naman siya ng bahagya at ngumiti saakin ng napakatamis na nakalabas yung dimples niya malapit sa mata

"Babe, I pronounced your second name correctly, for the first time....

And for the last time. I won't say goodbye because you'll be always in here..." tinuro niya kung nasaan ang utak niya.

"And in here..." at sa kaniyang dibdib kung nasaan ang puso niya

"I love you babe." sabi niya at binitawan ang kamay ko at tumayo

No! No!! BUMALIK KA DITO!! SINO KA?! PLEASE BALIKAN MO KO DITO!!

------------------------------------------------------

Bigla nalang akong nagising na sobrang pawis na pawis

"shit sino siya?" sabi ko at inilibot sa kwarto ko ang aking mga mata, natauhan nalang ako nang magring ang alarm clock ko kaya napabangon ako, nagstretch stretch ng konti at ginawa ang morning rituals ko at pumunta sa kusina.

"GOODMORNING GUYS!" sigaw ko nang makita ko sila na kumakain

"Goodmorning princess, anong meron ngayon at napakahyper mo?" tanong ni Daddy bago ko siya halikan sa pisnge at tumayo sa gilid nuya

"Parang alam ko na kung bakit sobrang saya mo ngayon Yeye ah" sabi ni Je at nginitian ako

"FYI Jerome Ponce, hindi mo po alam kung gaano ako kasaya ngayon" sabi ko tsaka dumila sakaniya na parang bata

"kahit ano pang rason kung bakit ka sobrang saya ngayon Yeye, okay ako dyan as long as happy ka and hindi ka mapapahamak kaya umupo ka na at malalate kana sa try out niyo" sabi ni Mommy na ikinabigla ko

"Payag na kayo!? Okay na sainyo?!!" sabi ko nang sobrang saya

"Yes so please let's eat" sabi ni Dad na abot hanggang langit ang ngiti, wala na akong mahihiling pa,oh thank God with this family!

Habang kumakain kami lagi nila akong tinatanong bakit good mood ako.

"dahil kay coffee colored eye with cute dimples" simpleng sagot na ikinatigil nila sa pagkain

"Sobrang ganda na mata niya lalo na pag ngumiti siya tapos sisingkit at lalabas yung cute niyang dimples sa gilid ng mata, sobrang madaldal yung mata niya na pag nakatitig ka sakaniya doon ka makakaramdam ng iba't ibang emotion. Sobrang sakit nung mga mata niya kahit na nakangiti siya, nakangiti parin siya para sa taong mahal na mahal niya kahit na mag-isa niya lang lumalaban basta masaya yung mahal niya..." sabi ko na ikinabigla nila siguro kaya napatigil sila at nakatitig nalang saakin.

"Dun ko lang narealizes na may mga tao palang sobrang magmahal, although panaginip ko lang yun, sobrang swerte ko namang babae if someone will do that for me..." sabi ko at napayuko nalang sa plato kong may konti pang pagkain

"yung isasakripisyo yung sarili niyang kasiyahan para sa kasiyahan ng taong mahal niya" sabi ko at nginitian sila

Pagkatapos ko magkwento, nabalot nalang kami ng katahimikan hanggang sa matapos kami sa pagkain at nagpaalam na kina Dad at Mama at pinahalalahanan nila si Je na bantayan at protektahan ako.

Di ko alam kung may tinatago sila saakin, pero pakiramdam ko meron.

Wala ako sa wisyo hanggang makarating kami sa Ateneo - La Salle at di ko rin naramdaman na iniwan na pala ako ni Je dito sa kotse niya. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto tumambad saakin ang nakabusangot na mukha ni Den den kasunod naman ay si Ella na nakatunganga

"Buti naman nakadating kana! Kanina kapa namin hinihintay!" sabi ni Den at ginuyod ako sa braso

Nang makalapit kami kay Ella ay binatokan siya ni Den

"Aray ko! Para san yun!?" I asked and massage my head

"Nakita ko kung gaano kayo magtitigan!" sabi niya at napapeace sign nalang si Ella

"Bakit ba kasi late ka?!" bulyaw saakin ni Ella

"yan tuloy nakita ko pa future ko" sabi niya at parang iginilid yung natitira niyang buhok sa gilid ng tenga niya na parang kilig na kilig, si Den nalang tinulak lang si Ella

"Hoy anong meron?" tanong ko at nagtitigan silang dalawa

"Hehe halika na nga Yeye, late kana sa try out oh!" sabi niya at ginuyod ako

Pagdating namin ng gym ay pinagpalit na agad nila ako

"Yeye bakit number 2?" Tanong saakin ni Ella at tinuro yung jersey na suot ko

"hindi ko nga din alam, actually nakita ko lang to sa cabinet ko. Ito kasi yung naiiba kaya ito pinili ko, lahat kasi number 3" sagot ko sakaniya

"May kilala kasi akong panay jersey number 2 tapos meron din siyang nag-iisang jersey na number 3" sabi niya kaya nacurious ako

"Sino?" tanong ko

"si Alyssa" sabay nilang sagot kaya napatingin nalang ako sakanila

"sinong Alyssa?" takang tanong ko

"pucha saang probinsya kaba nagmula Yeye at parang bago sayo lahat dito?" tanong ni Ella tsaka siya siniko ni Den

"Siya yung team captain namin sa team, siya din yung pinakasikat dito sa buong university, dati nga nung sila pa nung partner niya ang cute cute nila tignan. Away bati, pero andun parin yung care. Sila ang pinakasikat na couple dito. Kaso nawala yung babae, pero kilala parin si Aly sa pagiging magandang pogi" sagot ni Den at ngumiti ng kay tamis

"di ko parin kilala eh..." maikling sagot ko

Naparoll nalang ng mata si Den at napasapok sa ulo si Ella, nang makarating kami sa gym ay pinagblock, serve at spike nila ako samantalang yung dalawa lang naman pala ang andito na player na talaga para lang daw may support ako. Bali iilan lang pala kaming naki-try out

Pagkatapos namin isa isa kaming nag-congratualate at sinabihan kami ng mga assistant coach na makikita nalang namin yung resulta bukas.

Pagkatapos nun ay nagkanya kanya na kaming pumunta sa sari sarili naming klase. Pagkauwi naman ay nagkaroon kami ng mini celebration, kahit na di pa alam nila Dad at Mama na pumasa ako ang saya saya na nila. Habang si Je naman eh pansin ko may katext lagi sa phone niya.

Nasa kama na ako nang magmuni-muni ako tungkol sa mga bagay.

"Ahh nakakapagod. Mapapanaginipan naman ba kita?" nababaliw na tanong ko minsan kasi naweweirdohan din ako sa sarili ko kung bakit ba ako nagtatanong eh wala namang sasagot. Bakit pa ako nagsasalita eh wala namang kwenta? Bakit kapa papasok eh mamatay ka lang rin?

"Argh!! Kung ano ano nang naiisip no Yeye! Tulog na!!" sigaw ko tsaka nagkumot at natulog na

AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon