Spoken Poetry

38 3 0
                                    

A/N:Another spoken poetry. Same na wala ding tittle. Enjoy.

  
Mahal kita
Dalawang salita, Siyam na letra
Ang bumubuo sa puso kong patuloy mo sinisira.
Hindi na kita mahal
Mga salita nag-paguho ng mundo ko bigla
Nung gabing tinapos mo ang lahat
Naisip ko, lahat ba nng ginawa ko hindi pa sapat?

Nung gabing iyon
Habang naglalakad ka palayo saakin,ang atension ako ay sayo lang nakatuon
Na tila ba ikaw lang at ako ang taong nandoon.

Kung ang kasiyahan mo ay iba na,
Sige, pumapayag ako
Kahit na ang puso ko ay nadudurog at nadurugo
Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng ginawa mo ay hinahabo-habol parin kita
Siguro, tama na

Tama na sa pagpapaka-tanga
Dahil masakit saakin na hindi na ako ang dahilan kung bakit masaya ka
Hindi na ako yung dahilan kung bakit tumatawa ka
Masakit na nakikita kang masaya sa piling ng iba

Tama na
Ang puso ko ay pagod na
Huwag kang mag alala
Wala nang mag-hahabol at kukulit sayo
Dahil pagod na ako.

****
A/N: So, tapos na yung 2nd, baka bukas, or later meron ulit. Ask ko lang, maganda ba?

Hugots, Quotes & Poems💕💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon