Chapter 9 "The first necklace"

46 4 0
                                    

Eleven's pov

Nasa pool area na kami. Pero bago kami lumusong sa tubig nang pa picture muna kami sa isang staff nang dalawang beses gamit ang camera ko. Nang tapos na iyon inilagay namin ang mga gamit namin sa isang bed na nasa gilid at lumusong sa tubig.

"Haha!!"

"Race tayo!"

"Game!"

at ayun nag race sila. Umalis ako doon at kinuha ang camera at tiyaka pinikturan ang mga kalalakihan na nag re-race

Lub dub lub dub lub dub

Bigla bigla nalang lumalakas ang tibok nang puso ko. Masaya ako dahil, may bago akong mga kaibigan, masaya ako dahil nakilala ko sila. Pinicturan ko lang sila. Tumawag ako nang isang staff para magpicture sa amin sa may tubig kaya naman tinawag ko sila para mag picture at agad naman silang pumunta sa tubig kung saan ako naka pwesto.

1

2

3

Click!

Click!

Click!

At ayon na. Ibinigay sa akin yung camera ko at nag thank you ako doon. Maya maya nag yayaan na kaming pumunta sa kwarto.

"You go first" sabi sa akin ni Lau,tumango ako pumunta sa banyo. Nang tapos na ako. Nagbihis ako nang pa labas kasi pupunta kami mag lunch sa Viking. At mamayang gabi na namin gagawin ang mission namin.

"I'm done, your turn" sabi ko kay Lau. Tumayo na siya at pumunta sa banyo.

Kinuha ko ang laptop ko at nagsimula nang mag edit. Maya maya narinig kong nag bukas ang banyo pero nakatingin parin ako sa laptop ko. Tumingin ako sa malaking bintana at saktong nakita ko ang isang familiar na lalaki papunta dito. Hmm, saan ko na ba kasi siya nakita?

"Are you ready? Nan doon na sila" lumingon ako kay Lau. Clinose ko ang laptop ko at tumango. Kinuha ko ang camera, shoulder bag at cellphone. At umalis.

~~~~

•At the Vikings•

"Ang sarap nang mga pagkain dito" sabi ni Dustin, kelan naman kaya ito hindi nasarapan sa pagkain? Tsk tsk tsk.

"Kelan pa ba hindi masarap ang pagkain para sayo aber?!" Sabi na nga eh! Haha!! At nagsitawanan kami. Umiling lang si Laurent habang nakangiti.

Maya maya pumunta kami sa ferris wheel. Sumakay kami doon syempre dating kakampi. Habang nasa loob kami pinilicturan ko ang view sometimes pinipicturan ko si Laurent nakatingin sa baba. "Oh, ako naman ang mag pipicture sayo. Kanina ka pa eh" nagulat ako nang nagsalita siya. I smiled at tiya iniabot ang camera. Nag peace sign ako. "One more" ang inaasahan ko ang camera ko ang gagamitin niya pero mali. Ang ginamit niya ay yung cellphone niya. "Good" nang nakatapos na niya akong pinicturan.

"Ipasa mo sa akin yan ha? Ipro profile ko yan. Haha!!" Biro ko.

"Of course" sagot niya.

Nag kwentuhan kami ng mga past namin. May kapatid pala siyang babae. Kasing edad lang nila kuya Ethan at kuya Kambal. Sinabi ko lahat nang tungkol sa akin. Pati rin siya, lahat nang favorite at ayaw namin sinabi namin. Hanggang sa naka baba na kami. I look at my wrist watch 1:00 na nang hapon. Nag yaya ako para pumunta sa Hotel. I need some rest para mamayang gabi, that time we will start our mission. Nang nasa hotel na kami agad akong humiga sa kama.

I'm A SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon