Valentine's Day
°°°°°Reigna
Iba't iba ang mga makikitang kulay na suot ng mga estudyante. Depende ang kulay sa mga relationship status ng bawat isa. May mga naka-red na ang ibig sabihin ay 'Happily In Love', kami ng mga kaibigan ko na naka-blue na ang ibig-sabihin ay 'Single And Contented' at marami pang iba.
"Ahh! Aray!" daing ko nang masanggi ni Jane ang maliit na paso ko sa aking braso.
"Ano bang nangyari diyan?"
"Napaso kasi ng glue gun, habang naggagawa kami kagabi ni Nicky ng bouquet para sa wedding booth." Hinipan ko ang aking sugat para hindi na sumakit.
"Ang tanga mo kasi."
Inirapan ko na lang siya, sanay naman na kaming nagsasabihan ng ganyan. Pinanood ko na lang ang mga couples na naglalaro ng 'Body Contact'.
"Labi sa noo!" announce ng nagpapalaro sa microphone.
Napagawi naman ang paningin ko kina Jef at Sofie na naglalaro.
Bagay talaga sila... Di bale, naka-move on na naman ako sa kanya.. haha
Napabaling din ako sa isang pair na nasa harap lang namin, si Sherah at si Harry. Ang cute ng pose nila. Kamay sa bewang, tainga sa balikat, tainga sa pisngi at iba pa.. Ang kinalabasan tuloy ay nakakapit si Harry sa bewang ni Sherah habang nakaub-ob si Sherah sa gilid ng leeg ni Harry.
Nakakakilig sila. Ang alam ko ay naging sila pero nag-break din agad. Kung crush ko pa rin siguro si Harry ngayon ay baka nagseselos na ko.
"Oy Reigna! Akala ko ba mag-spokeningtry ka?" Ang tinutukoy ni Jane ay 'yong unspoken words na ipe-perform ko dapat.
"Hindi na ata. Tinatapos na lang ata ang mga laro e. Ang boring naman ng Valentines na 'to!"
"Naku! Nakakandong ka nga kanina kay Jef dun sa 'Trip To Jerusalem' e!" May paghampas pa siya sa balikat ko.
"Paki ko sa kanya?" Tapos na kong masaktan sa playboy na 'yon! "Tara na nga lang doon sa wedding booth."
"Oy tara daw! Tara!" Pag-aya ni Jane sa mga kaibigan namin.
Hinila ko sila para manood sa ikinakasal pero nagpasama si Jane sakin sa may corridor dahil aayusin niya daw 'yong phone niya. Hindi ko lang alam kung bakit doon pa.
Sumandal ako sa labas ng classroom na nasa tapat namin habang pinapanood siyang kinakalikot ang Iphone niya.
"Nagugutom na ko. Hindi pa ba pwedeng lumabas?" Sinandal ko ang aking ulo sa may bintana ng classroom.
"Tara na nga lang ulit doon," yaya ni Jane pabalik sa wedding booth kung nasaan ang mga kaibigan namin. Naghihintay na lang din siguro sila na buksan ng guard ang gate ng school para makalabas na kami.
"Sinong kinakasal?" tanong ko kay Ryan na kaklase ko rin.
"Tayo daw ang ikakasal," sabi niya sakin. Malandi kasi yan e!