Panimula
Detention"Mommy saan tayo pupunta?" tanong ko sakanya.
"Sa Seoul ulit anak" sabi sabay ngisi ni mommy.
"Mommy, hanggang kailan po tayo doon?" bakas sa tono ko ang excitement.
"Anak, doon na muna tayo titira at doon ka muna magpapatuloy ng pagaaral mo." sabi ni mommy.
"Talaga mommy? Hmm.. Eh pano po yon di ako marunong magsalita ng Korean? Well... I only know a few words dahil andito naman tayo pag vacay eh kaso pangmadalian lang naman" dahilan ko.
"Doon ka pinasok ng daddy mo sa Filipino School tsaka for sure naman tuturuan kayo ng mga words doon." pagaassure ni mommy sa akin.
"Hmmm... Sige po"
Hinatid kami ng driver namin sa airport at diretso na kaming sumakay sa eroplano at unti unti na itong nagtetake off. Mahaba haba pa ang biyahe kaya tutulog muna ako. Natulog at nagising ako para kapag kakain at magmumunimuni hanggang sa natulog ulit ako at pagkagising ko ay nababa na ang eroplano. Ibig sabihin nandito na kami!
"Mommy angganda po ng tanawin oh" sabay gising ko kay mommy.
"Ay oo nga anak sure ako maeenjoy mo dito hehe." oo mommy sure na sure.
Bumaba na kami ng eroplano at hindi ko mapigilan itour ang mga mata ko. Ay angganda andaming building atsaka sobrang linis. Excited na talaga ako. Although hindi ko naman talaga first time dito. Hindi ko parin mapigilan mamangha!
"Ryx sasakay muna tayo sa bus para makapagpahinga na tayo sa bahay natin." Sabi ni mommy.
"Sige po"
At yun nga ang ginawa namin sumakay kami sa bus para dumiretso sa isang Subdivision. Up and down na maroon and white ang bahay namin.
Bumaba na kami ng bus at kinuha ni mommy ang isang key card para makapasok. Sinuot niya doon sa lalagyan ng card sa may pinto at tumunog ito na hudyat na nagbukas na nga ito. Hay! Makakapahinga na rin ako ng maayos. Salamat!
Tumakbo ako papasok sa loob at umakyat para pumunta sa kwarto ko.
"Ryx, Magpahinga ka na at bukas na ang first day mo sa school" ani mommy.
"Po?! Eh parang kaaga naman po mommy! Kakadating lang natin ah?!" Sigaw ko.
"Anak tapos na yung bakasyon mo nung nasa pilipinas pa tayo ah? Mabuti nga hinabol ka ng daddy mo doon sa school eh. June na nagsimula yung start of classes nila eh diba July na ngayon?" Paliwanag ni mommy.
Hays! Ano ba yan! Agang aga naman ng pasukan bahala na bukas. Tss.
Pumasok na ako sa aking kwarto na all-purple ang loob. Humiga na ako sa aking kama na amoy lavender. May caretaker kasi dito para habang asa pilipinas kami namementain naman ang kalinisan ng bahay.
At dahil pagod ako sa flight nakatulog ako agad ng walang kaduda duda. Nagalarm yung orasan ng 6:00 a.m. na nasa night table ko hudyat na kailangan ko ng gumising at magayos. Sinapak ko yung off button ng alarm clock. Magmumunimuni muna ako. Si mommy ata ang nagalarm kasi nakatulog na rin ako. Hindi na rin ako nakapaghapunan dahil na rin ata sa antok ko. Mahirap pa naman ako gisingin.
"Ryx! Wake up!!!" sigaw ni mommy sa baba.
I muttered curses kasi ayaw ko pa!