CHAPTER 2

162 4 3
                                    

YOUR POV

"Da.."

"Hmm? Bakit, (y/n)?"

Nasa bench kayo sa may bandang pool. Pinanonood ang walang ginagawang mga tubig

Nakangusong napatingin ka naman sa bestfriend mong si Dahyun. Samantalang nakangiti naman siya sayo. Umusog ka pa sa tabi niya at sumandal sa balikat niya.

"Da-- panget ba ako? Sobrag panget ko ba para ibully ng maraming tao?" nanlulumong usal mo na ikinalungkot naman ng kaibigan mo.

Pinadulas niya ang kamay sa buhok mo hanggang sa dulo nito at tinanggal ang salamin mo. Saglit niyang pinagmasdan ang muka mo at napangiti.

"Pan, maganda ka.. Sobrang ganda mo. Hindi ka lang naniniwala sa sarili mo. Masyado ka din kasing mabait. Sabi ko sayo eh, andito lang ako para iligtas ka.. kaso nga lang ako din ang sumira ng pangako ko nun sayo.. Sorry ah?" nawala ang ngiti ni Dahyun.

"Pasasalamat ko na nga lang sayo, at nandiyan ka tuwing kailangan kita eh.. Atsaka sa lahat ng pwede mong maging kaibigan na kasing ganda at kasing sexy mo, ako pa ang pinili mo.." napayuko ka naman.

"Pan, alam mo namang ayaw ko sa maaarte. Maganda lang sila, tss! Masasama naman ang ugali. Mapuputi ang balat, maiitim ang budhi.." naiiritang sambit ni Dahyun na pinagkrus pa ang mga braso.

"At saka-- Hmmp! Kung hindi lang sana sumama ang tiyan ko nung isang araw! Ako ang kumalbo sa mga 'yon!" nangigigil namang sambit ni Dahyun na natawa ka naman, "Hmp! Yan talagang mga Bitchella na yan! Maganda nga! Pero ayun lang ang maipagmamalaki nila, bukod sa mayaman sila! Hindi din naman katalinuhan, Aist!"

"Hahaha baliw ka, Da.."

"Ayaw ko lang ng may nang-aaway sayo. Bukod sa mabait ka at inaabuso ka nila. Kinakawawa ka pa. Paano ka na lang magiging masaya?" ngumuso si Dahyun, tumayo ka naman at ngumiti.

"Thank you, Da! Kahit na hindi kagandahan ang best friend mo ay pinagtitiisan mo pa rin Hahaha.."

"Ano ka ba? Maganda ka! Hindi lang nila na-aappreciate ang kulay blue mong mata, makapal mong kilay na hindi nga lang nate-thread. 'Yang makinis mong muka na hinaharangan ng sabog mong buhok. Makinis mong balat na natatakpan ng makakapal na jacket mong malalaki. You are beautiful my sister, inside and out. Mapa-brain, heart and physical appearance man yan. Maganda ka! At Proud na proud ako don!" masayang batid ni Dahyun sayo.

Ikaw naman ay hindi alam ang mararamdaman. Lagi sayong sinasabi ni Dahyun ang mga ganitong bagay dahil mahal na mahal ka niya bilang kaibigan niya. Ayaw ka niyang nalulungkot dahil ikaw lang ang tunay at matalik niyang kaibigan.

Natapos ang pag-uusap niyo sa tawanan, at kailangan ka na niyang iwan dahil may klase pa siya. Ikaw naman ay naiwang mag-isa sa bench at patuloy na pinanonood ang walang ginagawang tubig sa pool.

Naisipan mong magbasa ng libro, sa gilid mismo ng pool. Kasi malamig ang hangin doon. Nakabasa ka na ng ilang mga pahina, nang mapatingin ka sa relo ay malapit na pala ang susunod mong klase.

Tatayo ka na sana ng hindi mo mapansing may natapakan kang madulas at nawalan ka na lamang ng balanse.

"AHHHH!!" hindi mo alam ang gagawin dahil una sa lahat, hindi mababa ang pool, seven feet ang lalim nito, ikaw? Five, four lang ang height. Pangalawa.. Hindi ka marunong lumangoy. Kaya ano ang ending mo? Patay na.

Nasa ilalim ka na ng tubig, pilit kang umaangat pero bigla ka na lamg pinulikat. Hindi mo na alam talaga ang gagawin, napapagod ka ng pumiglas sa yakap ng tubig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unforeseen Love [ON-GOING]Where stories live. Discover now